Sora's POV:
Kanina pa nagriring ang cellphone na gamit ko pero hindi ko iyon sinasagot. Nakita ko kasing si Chard ang tumatawag.
Ayoko siyang kausapin.
Masyadong masakit ang nakita ko kanina at hindi ko maatim na makita o marinig ang boses man lang niya.
Pag uwi ko sa bahay ay dire-diretso akong umakyat sa may kwarto ko. Wala na sila Daddy dahil may trabaho sila. Tanging mga katulong lang ang mga kasama ko dito kaya malaya akong umiyak kahit ngumawa ay ayos lang.
*tok tok
Narinig kong may kumakatok sa pinto.
"Manang ok lang po ako. Wag niyo po muna akong istorbuhin." Paniguradong si Manang yun dahil napansin niya akong umiiyak kanina papanhik dito sa taas.
"Sora. It's me, Sam. Can I Come In?" Hindi ko naman ugaling maglock kaya nabuksan niya agad yun kahit hindi pa ako pumapayag.
Naabutan niya akong nakasandal sa may headboard ng kama at may mga tissue na nakakalat sa higaan.
"Kakauwi ko lang at sabi sa akin ni manang na nag iiyak ka daw papasok dito sa bahay. Ano bang nangyari?" Hindi ko na napigilan kaya umiyak na naman ako.
"May Iba na siya Sam. " Lumapit siya sa akin at hinimas ang balikat ko.
"Ang sakit sakit! Ganito pala ang pakiramdam kapag nagmahal ka, masasaktan ka."
"Sshh.. Don't say that. Hindi naman sa lahat ng oras ay masasaktan ka. Normal lang yang sakit dahil mahal mo siya."
"Can you tell me what exactly happened?" Tumango ako at kinuwento ang nasaksihan ko.
Naramdaman ko ding nainis siya kay Chard.
Chard's POV:
kainis!
ayaw niyang sagutin yung mga tawag ko!
"Sir Richard, pinapatawag na po kayo ni derek sa set."
"Sige. Papunta na." Hindi ko na muling pinagpatuloy ang pagtawag ng biglang may pumasok sa aking tent.
"Tita G? What are you doing here?" Nakakagulat kasi na nandito siya. Hindi naman siya kasama sa cast.
"I'm here because I want to give you this personally." May iniabot siya sa aking invitation card habang nakamarka sa kanyang mukha ang maganda niyang ngiti. Nagtataka man ay tinanggap ko iyon.
"Kakatapos lang po ng anniversary niyo ni Tito Stanley di po ba? " Wag niyang sabihing kay Sam to? Alam ko hindi pa ngayon ang birthday ni Sam at isa pa, magka away kami.
"This is for our daughter, Sora. "
Ouch.
Daughter talaga?
welcome na welcome na talaga siya sa family ni Sam.
"Oh. I have to go Chard. I hope na makapunta ka. I'm expecting you. ok?" Hindi na niya ako hinintay na magsalita at umalis na si Tita G.
Sa sobrang gusto nila si Sora sila na ang nagpa Birthday Party sa kanya.
Kahit masakit ay pupunta padin ako.
Kahit alam kong si Sam ang pinili niya ay kailangan ko pa ding mag explain sa kanya.
Paghahandaan ko ang araw na ito.
Sora's POV:
Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto ko at nagmukmok. Saglit lang kami nagkwentuhan ni Sam dahil may pictorial pa daw siyang gagawin. Kaya lang daw siya umuwi ay para maligo.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
Fiksi PenggemarMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...