Sora's POV:
"Sora, mag iingat kayo dun ha. Wag kang magpapasaway. Tsaka kumain ka ng sapat.wag kang magpapagutom. Uminom ka ng gamot kapag masama na ang pakiramdam mo. Wag ka ding magpapagod dun ha."
" 'nang. Para namang naghahabilin na kayo niyan e. Wag nga kayong ganyan. Hindi pa nga ako nakakaalis pero sa pananalita niyo parang hindi ako makaka alis e."
Biro ko kay Inay.
"Aling Maring. Wag na kayong mag alala, ako po magbabantay kay Sora."
Sabat naman ni Buding. Nandito kami ngayon sa Pier. Sasakay kami ng barko papunta ng Maynila. Mga kalahating araw ang biyahe papunta doon.
Matapos naming magpaalamanan, sumakay na kami ni Buding sa Barko.
"Ay grabe. Na eexcite na akong tumongtong ng Maynila."
Pahayag ni Buding.
Nasa loob na kami ng barko at nakahiga dun sa parang folding bed na dikit dikit. Nakadungaw ako sa bintana. Tinitignan ang mga alon na humahampas sa aming sinasakyan.
Tinignan ko si Buding. Parang ewan na nakatingin sa touch screen niyang cellphone. Regalo yun sa kanya ng ate niya nung nag graduate siya.
"Ano naman yang ngini-ngiti ngiti mo dyan?"
"Ah heto ba?"
Pinatingin niya sa akin yung nasa screen ng phone niya. Picture ng isang gwapong lalaki.
"Sino yan? Wag mong sanibihing nobyo mo yan? Weh? Di nga?"
"Sana nga ganon.. Ano ka ba Sora, hindi mo ba siya kilala? Siya si Richard Collin ng 'Overload' band. Sikat sila. May t.v. ba kayo at parang hindi mo siya kilala.?"
Napakamot nalang ako ng ulo.
"E. Sa hindi ako mahilig sa mga ganyan e. Alam mo namang balita lang ang pinapanood ko."
May mga kilala naman ako sa showbiz pero hindi ako yung tipo na nagkakandarapa sa kanila.
"Oo nga pala. Alam mo ba ? May bago siyang teleserye. Ayiieh!! Nakaka excite. Sana pag nasa Maynila na tayo makita ko man lang siya ng personal."
Ay. Ewan ko ba sa babaeng ito.
"Ah. Basta ako. Maghahanap ng trabaho yun lang dahil marami pa kaming kautangan nila Inay at ng mapa opera na si Tyong."
--*--
"Ate !"
Sigaw ni Buding. Kababa lang namin ng barko. Mag aalas nuebe na ng gabi kami nakarating sa pier. Nakita agad ni Buding ang Ate niya.Si Ate Biday."Ate Biday. Kamusta po?" Bati ko sa kanya. Ang alam ko mawawala na sa kalendaryo ang edad niya pero hindi pa nag aasawa dahil sa busy ito sa pagtatrabaho.
"Ate Brenda na lang ang itawag niyo sa akin. Wala na tayo sa probinsiya." Pagtatama niya. Hindi naman siya nagbabago. Ganoon padin ang pag uugali niya. Sa pananamit lang siya nagbago.
"Kamusta na ang biyahe niyo? Buti naman at pinayagan kang mag Maynila ni Aling Maring, Sora?"
"Ay opo Ate Biday.. Ay mali. Ate Brenda pala. Kailangan po kasi."
"Oo nga. Naikwento sa akin ni Buding nung tumawag ako sa kanya nung isang araw.Oh siya. Tara na sa bahay ko at ng makapag pahinga na kayo."
Sinakay na namin ni Buding yung mga gamit namin sa likod ng taxi at sumakay pagkatpos.
"We're here."
Mga 30 mins. Lang ang binayahe namin mula pier hanggang dito sa bahay ni Ate Brenda. Simple lang ang bahay niya at galing sa sarili niyang ipon iyon.
Pinasok na namin yung mga gamit namin. Dalawa lang ang kwarto at katulad ng ibang bahay meron itong salas, kusina, dining area at banyo. Nasa dalawang palapag at may gate din.
"Ate brenda, ano ba ang trabaho nyo at naging ganto kayo ngayon? Ang galing nyo naman."
Hangang sabi ko sa kanya. Nagtungo siya sa kusina para kumuha ng juice sa ref at ibinigay sa amin ni Buding.
"Hhmm..Floor directress ako sa isang T.V. show dito tapos nag papartime din ako bilang script writer kaya ayan nakapag ipon at nakapagtapos ng pag aaral si Buding."
"Oo Sora. Nakakainggit nga si Ate araw araw siyang nakakakita ng mga Artista."
Nakapag kolehiyo din si Ate Brenda. Dahil matalino siya naging scholar siya dito sa Maynila at nakuha yung gusto niyang kurso. Ang pag kaka alam ko 13 years na siya dito sa Maynila at sanay na siya sa pasikot sikot dito.
"Siya nga pala, i ready mo na ang resume mo Buding bukas dahil mag aapply ka sa isang radio station doon mismo sa network na pinagtatrabahuan ko."
"Talaga ate?"
"Oo. Naghahanap sila ng madaldal kaya bagay ka doon."
Natawa akong bahagya sa sinabi ni Ate Brenda. Yun talaga ang advantage ng nakapagtapos ng kolehiyo.
"Ay ate. Paano si Sora? Nahanapan mo na ba?"
Napakamot na lang si ate Brenda sa ulo niya.
"Wala pa e. Hayaan mo magtatanong ako sa management kong naghahanap sila ng magtatrabaho dun."
"Naku ate Brenda. Wag na po. Mag wo-walk in nalang po ako dito sa Maynila."
"Ano ka ba? Mag wo-walk in ka ? E bago pa nga lang tayo dito. Paano kong maligaw ka? Ako malalagot kay Aling Maring niyan"
Sabi ni Buding.
"Ee.. Ayoko namang maghantay dito at ayoko ding maging pabigat."
"Sora. Hindi ka pabigat dito. Wag kang mag alala, tayong tatlo lang naman ang tao dito kaya wag kang mag isip na pabigat ka. Oh sige ganto nalang. Habang wala ka pang trabaho, ikaw na muna ang bahala sa mga gawaing bahay tapos bibigyan nalang kita ng allowance. Isipin mo nalang na sweldo mo yun. Ok ba yun?"
Ok lang sa akin. Ayaw talaga nila akong pagalain dito. Kung sa bagay kakatungtong ko nga lang pala dito. Ano bang malay ko. Isa pa, nakakatakot ngang maggala dito lalo na sa mga napapanuod ko sa mga balita.
"Oh siya. Matulog na tayo dahil may pasok pa ako sa trabaho."
"Cge po."
Magkasama kami ni Buding sa Isang kwarto. Inayos lang namin saglit ang gamit namin at nahiga.
"Dapat ibahin ko na din ang palayaw ko."
Sabi ni Buding. Mukhang nainggit sa kanyang ate."Beatrice L. Dimaculangan. Bea nalang kaya? Ano sa tingin mo Sora. Bea nalang ano? Mas maganda sa pandinig."
"Oo. Bea nalang."
"Oh sige sige. Simula bukas ako na si Bea"
Sabay halkhak nito."Matulog na tayo."
Yaya ko sa kanya. Tinext ko na din si Inay na nakarating na kami sa bahay ni Ate Biday/Brenda.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...