Chapter 7: Ikaw?

5.7K 147 0
                                    

Sora's POV:

"Ready ka na ba sa work mo?" Tanong sa akin ni Ate Brenda. Ngayon kasi ang simula ko sa trabaho. Sasamahan ako ni Ate Brenda dun sa magiging Amo ko.

Nabanggit na sa akin ni Ate Brenda yung magiging trabaho ko. Mag p-P.A. daw ako ng Artista. Nakaka excite. Gusto ko kasing makanuod ng mga shooting. At kahit wala akong masyadong hilig sa Artista parang nagka interes tuloy ako.

Sabi din sa akin ni ate Brenda na full time P.A. daw ako kaya magdala na daw ako ng pang isang linggong damit dahil baka tuwing weekends lang ako makakauwi dipende pa yun sa kontrata ko sa magiging boss ko.

"Dala mo na ba ang mga kailangan mo ?", tanong muli sa akin ni Ate Brenda.

"Opo ate Brenda. Ayos na po ang lahat."

"Tara na."

Papunta na kami sa isang coffee shop. Doon kasi kami magkikita ng magiging boss ko. Nang makarating kami sa nasabing kapihan. Kumaway na si Ate Brenda at nagtungo sa magandang babae.

"Bakit dito mo pa naisipang makipag meet. Pwede namang sa network building nalang." Sabi ni Ate Brenda.

"Gusto kong marelax kahit saglit kaya dito na ako dumiretso." Tumingin siya sa akin. Ang ganda niya. Halatang alagang alaga ang kutis. Ngumiti ako ganoon din siya.

"Oh. Oo nga pala. Sora this is Ms. Jane Collin. Siya yung magiging Boss mo. Ms.Jane, siya si Sora."

"Hi sora." Iniabot niya ang kanyang kanang palad na agad ko namang tinanggap.

"Hello po Ma'am Jane." Ang lambot ng kamay niya.

"Ms.Jane nalang itawag mo sa akin or kung hindi ka komportable okay lang ang Ate." Ang bait naman niya.

"Ahh. Cge po Ms. Jane nalang po."

Umupo muna kami at may pinapirma lang siya sa aking document. Contrata ata yun. Syempre binasa ko muna bago ko pirmahan.

"Ok lang ba sayo na mag stay in ?"

"Opo Ms. Jane ayos lang po."

Nagbuntong hininga pa ito. Mukhang malalim ang pagbuntong hininga niya marami ata siyang pasanin.

"Madami ka atang problema pati sa paghinga mo malalim." Komento ni Ate Brenda.

"Sinabi mo pa. Madami talaga pero salamat at may makaktuwang na ako." Ngumiti siya sa akin.

"Paano ba yan. Iiwan ko na sayo si Sora ha." Para akong kinder na iiwan sa paaralan.

"Sige. Akong bahala sa kanya." Nauna ng umalis si Ate Brenda. Nagkakwentuhan kami saglit ni Ms. Jane. At pumunta na kami sa matutuluyan ko.

"Aah.. Sora, is it ok kung sa Sofa ka matutulog? Kasi yung kwarto dito isa lang. Para lang dun sa alaga mo. Sorry ha. Pero wag kang mag alala, idadagdag ko nalang sa sweldo mo."

"Nako Ms.Jane, Ayos lang po sa akin. Sanay nga po akong sa sahig lang natutulog e."

Sinabi na sa akin ni Ms. Jane ang mga gagawin ko.

"So, okay na tayo sa lahat, ngayon naman pupuntahan na natin yung aalagaan mo."

May sariling sasakyan ito kaya madali lang kami nakapunta sa pupuntahan namin.

Sa isang photoshoot studio kami nagpunta. At sa mga sandaling iyon kinukuhaanan daw yung aalagaan ko.

"Ok. Nice shot.! Thats all for today." Nagsikilos naman yung mga tao. Tapos na ata yung pictorial nila.

Busying busy ako sa paglilibot ang mga mata ko kaya hindi ko napansin yung kausap ni Ms. Jane .

"Sora, ito nga pala si Richard." Sabi ni Ms. Jane. Paglingon ko nakita ko na naman siya.

"Ikaw?" Sabay naming sabi. Napakunot ang dalawang kilay ni Ms. Jane at ang kumag naka ngisi.

"Ooww.. Magkakilala na pala kayo. Kailan pa ?"

"Siya yung tinutukoy ko sayo ate. Siya yung nagpahiya sa akin." Anong pinagsasabi nito.

"Ha? Wala naman akong ginagawang masama ah. Anong ako?"

Naku naman, unang araw ko palang mukhang d na ako tatagal.

"Ayoko sa kanya ate. Ayoko. Iba nalang." Bigla siyang hinampas ni Ms. Jane.

"Aray! Ano ba?!"

"Wala kang karapatang magreklamo. P.A. mo siya sa ayaw mo at sa gusto mo. And I don't care kung siya man iyon o hindi. Now, let me formally introduce to you your new Personal Assistant--Sora." Nagbuntong hininga ako ng maigsi at inilahad ang palad ko para sa pagpapakilala sa akin ni Ms. Jane kay Sir. Richard.

"Tatanggapin mo o tatanggapin mo?" Nanlilisik at madiing sabi ni Ms. Jane. Agad namang tinanggap ni Sir. Richard yung palad ko pero saglit lang yun.

"Good."

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon