Chapter 8:Coffee

6.1K 154 0
                                    

Chard's POV:

Tignan mo nga naman ang pagkakataon oh. Akalain mo yun? At dahil napahiya ako nung nakaraang araw at napabalita pa, mag iisip naman ako ng gagawin para pahirapan siya. Oo na. Evil na kung evil. Kahit hindi sinabi kung sino yung sa blind item alam ko naman sa sarili ko na ako yun.

"Here." Iniabot ko yung cellphone ko.
"A..anong gagawin ko dito?" Tanong niya
"Tawagan mo si Mang Nestor. Sabihin mo sunduin tayo dito." Matapos ipakilala ni Ate sa akin tong babaeng to ay Iniwan na niya sa akin. May pag uusapan pa kasi kami ni Direk about dun sa pictorial para sa upcoming Magazine. At si Mang Nestor ay ang Driver ng aming grupo. May rehearsal kami after this. Hindi ko alam kung first time ba niyang makakita ng phone o tanga lang siya.

"Ano? Nadial mo na?" Iniabot niya sa akin yung phone ko.
"Hi..hindi ko alam kung paano gamitin niyan.Ibigay mo nalang sa akin yung number niya." Tapos nilabas niya yung phone niya na d'keypad. Ano ba naman ito?

"No need. Ako na lang ang tatawag.Tss."

Sora's POV:

Kasalanan ko ba kung hindi ako marunong gumamit nung phone na iyon? Tss. Mayabang. Akala mo kung sinong artista. Tss.

Pagkatapos niyang tawagan yung driver nila, pumunta na siya sa photographer niya at may pinakita sa kanyang mga picture. Ako naman andito sa sulok at inaantay siya. Haay. Wala na akong magagawa. Andito na ako at isa pa kailangan ko ng trabaho. Maganda din ang sweldo dahilan para makabayad na kami ng utang at maipa opera si Tiyo.

Matapos ng pag uusap nila. Lumapit siya sa akin.

"Tara na. Andiyan na si Mang Nestor." Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Huminto naman siya. At lumingon sa akin

"Teka."

"Bakit?"

"Asan na yung gamit ko?" Tanong niya sa akin.

"Ha? Anong gamit?" Tanong ko.

"What? Tanga ka ba? Ano tingin mo sa akin, walang dalang gamit?" Natanga pa.

"Wala ka namang nabanggit." Wala naman talaga e. Naka angry face ito. Tinungo niya yung dressing room niya at sumunod naman ako.

"Ayan. Bitbitin mo yan." Gusto kong magreklamo kaso hindi pwede, matindi pangangailangan ko. Binitbit ko nalang yung limang kahon na naglalaman ng mga sapatos niya tapos nakasukbit naman yung mala pang bundok niyang backpack at siya, ayun . wala man lang dala kundi sarili niya. Sumakay kami ng elivator pababa papuntang parking lot. Pagsakay namin. Tinignan niya ako.

"Ano pang tinitingin tingin mo diyan? Pindutin mo." Seryoso? Ang dami ko kayang dala.

"Ay oo nga pala, bago ka nga pala dito sa Manila. Wala nga palang elivator sa bundok. Haha." Pang aasar niya kaya siya na ang pumindot. Ang yabang. Nang makarating kami sa Parking lot may lumapit saming lalaki na nasa edad trenta. Siya siguro si Mang Nestor.

"Ako na ang magdadala." Kinuha naman niya agad yung dala kong mga kahon.

"Salamat po. Kayo po ba si Mang Nestor?"

"Oo hija. Ikaw ba yung p.a. ni sir Richard?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami patungo sa sasakyan.

"Ay opo. Ako nga po." Nang marating namin ang sasakyan ay agad na siyang pumasok sa loob. Papasok sana ako kaso pinigilan niya ako. Tinuro niya sa akin yung sa tabi ng driver seat. Naintindihan ko na yung gusto niyang sabihin at doon na nga ako umupo.

"Sungit." Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Tanong nito. Ang lakas naman ng pandinig niya at narinig niya pa talaga yun.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon