Chapter 37: Susi

4.7K 103 0
                                    

Chard's POV:

"What?"

[Ano bang kalokohan ang ginawa mo ha? At nagdecide siyang mag resign?] Kausap ko sa phone si Ate Jane.

Sinabi niya sa aking tumawag sa kanya si Sora at nagresign na bilang p.a. ko. Galit na galit si Ate sa akin habang kausap ako sa phone. Siguro kung nandito siya sa condo ko ngayon, kanina pa ako nakatikim ng bugbog mula sa kanya.

[Kung ano man ang ginawa mo sa kanya, ayusin mo.] Binabaan niya ako ng phone.

Bwisit.

Paano na ito.

Sino nalang ang magbibitbit ng mga gamit ko?

Sino nalang ang mamamlantsa ng damit ko?

Sino nalang ang maglilinis ng condo ko?

Sino nalang ang magluluto sa kakainin ko?

Sino nalang ang mag aalaga sa akin?

Sa kakaisip ko hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

*alarm clock

Ano ba yan.

Hindi ko makapa yung alarm clock ko sa side table ng kama ko.

"Sora! Patayin mo nga itong alarm clock! Ang sakit sa ulo." Nagtalukbong ako.

At sa wakas matapos ang isang minuto ay nawala din ang nakakarinding tunog.

Tumayo ako at pumunta ng kusina.

"Sora? Anong breakfast ko ngayon?" Minulat ko ang mata ko.

Nagresign na nga pala siya nakalimutan ko.

Tumingin ako sa sala.

Nandito pa yung mga damit niya.

Tinignan ko ang schedule ko. As usual. Full sched na naman ako.

Kinuha ko ang phone ko at dinial ko ang numero ng direktor ko.

"Hindi ako magsho-shoot." Sabay baba. Hindi ko na kailangang mag explain. Wala din silang magagawa kung hindi ako makakapunta.

Yung iba naman ay tinext ko nalang. Pinacancel ko lahat ng schedule na meron ako ngayon.

Gusto kong magpahinga.
Tumayo ako at pumunta sa loob ng kwarto.

"I need you."

Tama ba ang sinabi ko?

Oo. Kailangan ko talaga sya.

Ang hirap kumilos pag wala siya. Hindi  ako sanay.

Sora's POV:

"Bea. Mauna na ako." Maaga akong nagising. Babalik ako sa condo.

Hindi para bumalik sa trabaho kundi para kunin ang naiwan kong mga damit at isauli itong cellphone na binigay niya.

Bibili nalang ako ng bago at mumurahin lang.

"Saan ka pupunta?"

"Kukunin ko yung mga gamit ko sa condo ni Chard."

"Paano pagnandun siya?"

"Wala siya. Maaga umalis yun. May kopya ako ng schedule nya kaya alam ko. Sige na. Una na ako."

Sumakay ako ng taxi at tumungo sa condo niya.

Buti nalang at alam ko ang password ng condo niya kaya madali nalang sa akin ang makapasok.

Pumasok ako sa loob ng condo niya. Nadatnan kong napakakalat ng lugar.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon