Chapter 24: Manila

4.9K 115 1
                                    

Chard's POV:

Mukhang ilang na ilang siya sa akin kanina sa bukid.

"Ok kalang pare? " Pauwi na kami galing sa bukid. Maggagabi na din.Hindi ako sanay kaya nakaramdam ako ng sakit sa katawan.

"Medyo masakit ang katawan ko."

"Hindi ka sanay kaya ganyan. Dapat kasi hindi ka na nagtulong. Baka mamaya masermonan pa ko ng pinsan ko dahil isinama kita. "

"Wala yun bro. Ako bahala sa pinsan mo. " sabi ko sa kanya.

"Ano bang tingin mo sa pinsan ko?" Tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko.

"What do you mean?" Napakamot siya sa ulo.

"Pare naman, wag mo naman akong inglesin. Alam mo namang hirap ako sa ganyan."

"Ah. Sorry. Ano bang ibig mong sabihin sa tanong mo.?"

"Kung ano ang palagay mo sa pinsan ko? Maganda ba siya sayo? May pagtatangi ka ba sa kanya? Parang gusto mo ba siya? Gustong maging nobya, ganun."

Ano nga ba ?

Hindi ko naman matatanggi na may itsura naman siya lalo na siguro pag naayusan siya.

Simple kahit minsan masungit.

Mabait at magalang sa magulang. Family oriented.

Parang si Natasha..

"Ano pre?" Nagising ang diwa ko.

Ano ba yung pinagsasabi ko. Bakit nasama si Natasha.

"Hindi ko alam brod."

"Ganun? Akala ko pa naman.."

"Ano yang pinag uusapan niyo diyan? Hali na kayo dito at kakain na tayo."-Tiyo Berto.

Dahil sa lutang ang isip ko hindi ko namalayang nandito na kami sa bahay.

*sms tone

I grab my phone at my pocket and read the text message.

~~~
Jane Collin
+63905******1

Go back here in Manila. I already convinced them.

~~~

"Nasa hapagkainan tayo, bawal ang telepono." Saway ni Aling Maring sa akin.

"Sorry po." Agad ko namang binalik sa bulsa.

"Kailan kayo pupunta sa Sta. Maria? Maganda ang dagat doon. Malinaw ang tubig." Tumingin sa akin si Sora.

"Hindi na po kami matutuloy doon kasi po babalik na po kami ng Manila." Nanlaki ang mata ni Sora sa gulat. Ganun din sina Aling Maring, Chito at Tiyo Berto.

"Ha? Teka. Ilang araw palang kayo dito. Aalis na kaagad kayo? " Tanong ni Tiyo Berto.

"Oo nga Pare, hindi pa nga tayo nakakapagbonding ng maayos." -Chito

"Kung importante, sige makakaalis na kayo." -Aling Maring.

"May kailangan lang po akong ayusin, wag po kayong mag alala, babalik po kmi dito."

Sora's POV:

Babalik na kami sa Maynila.

Nalulungkot ako. Hindi pa kasi kami nakakabonding nila Nanang ng maayos.

"Sora." May iniabot sa akin si Chito na langis.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya.

"Masakit ang katawan ng amo mo, hilutin mo." Nakaramdam ako ng init sa mukha.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon