Sunday. Yeah. Alam ko. Restday niya at restday ko din.
"Saan ka pupunta?" Nanunuod ako ng spongebob habang naka upo sa sofa. Ang boring. Tinatamad ako.
"Sir. Sunday po ngayon at rest day ko po kaya aalis po ako." Reading ready na talaga siyang layasan ako. Nakangiti pa. Masaya siya. Tumayo ako at humarap sa kanya.
"Hindi. Hindi ka aalis." Kumunot ang noo niya.
"Pero sir. Pahinga ko po ngayon."
"Pag sinabi kong hindi ka aalis, hindi ka aalis." Oh di ba? Lakas kong mang inis.
"Ano ba kasi yun, sir? Bakit hindi niyo po ako pinapaalis? Wag niyong sabihin na pagsasamantalahan niyo ako." Nag cross arm siya na parang tinatakpan yung hinaharap niya.
"What? Tingin mo papatulan kita?" Ang kapal din niya. Tingin niya sa akin magkakainterest ako sa kanya? Tss. Yung mga model nga na may crush sa akin di ko pinapatulan , siya pa kaya?
"Gusto kong mag general cleaning ka sa condo ko." Nanlaki ang mata niya.
"Ha? Paglilinisin mo ako dito?"
"Bakit? Di ba parte yun ng contrata mo sa akin."
"Oo nga po pero sunday ngayon at restday ko." Pinipilit niya talaga yung restday niya.
"Bakit pag monday t,o saturday ba nakakapaglinis ka dito? Hindi di ba kasi lagi kitang kasama sa taping at rehearsal ko." Tama naman ako.
"Matagal na ding hindi nalilinis to kaya simulan mo na." Wala na siyang nagawa kaya kumilos na siya. Haha. Ang sarap niya talagang inisin. Inuna niya yung kwarto ko habang ako naman ay nunuod muli sa tv. Sinusulyapan ko siya kung tama ba ang ginagawa niyang paglilinis. Ngayon ay nililinis niya yung bookshelf ko. Maalikabok nga yun kasi di ko nagagamit. Nakapatong siya sa upuan pero hindi padin niya maabot yung pinaka tuktuk ng bookshelf.
*dugdug
Parang kinabahan ako sa ginagawa niya. Tumitingkayad kasi siya para lang maabot yun. Napansin kong gumagalaw yung upuan at parang ma a out of balance aiya kaya hindi ko napigilan at tumungo ako sa pwesto niya .
"Aah!" Sigaw nito buti nalang at maagap ako kaya nasalo ko siya. Ay mali pala. Nasalo siya ng katawan ko dahil napahiga ako sa sahig habang nakapatong siya. At sa hindi inaasahang pangyayari ay nahalikan niya ako. Maagap din siya kaya napatayo siya.
"So..sorry sir!"
"Ouch. Ang likod ko. Aww. " ang bigat kasi niya.
"Naku sorry po talaga." Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko.
"Pwede ba sa susunod ay mag ingat ka naman." Tumingin ako sa kanya at nakahawak siya sa labi niya. Tss. Alam ko na. Medyo namula siya.
"Wag kang mag alala, wala sa akin yung halik na yun. Sanay na ako. "
"Sorry po talaga. "
"Ok sige. Aalis muna ako at dapat pagbalik ko ay maayos at malinis na itong condo ko ha. Kundi lagot ka sa akin." Umalis na ako ng condo ko feeling ko naiilang na siya sa akin.
Tumungo ako ng mall pero nakadisguise naman ako. May wig at eyeglasses ako dito sa kotse ko kaya sinuot ko muna yun bago ako nagdrive. Heto ang gusto ko dito. Malaya akong nakakapaggala pag naka disguise ako.
Mall
Bibili ako ng cellphone. Pero hindi para sa akin kundi para kay Sora. Naalala ko kasi yung nangyari sa van nung nakaraang araw. Hindi ako natutulog nun kaya narinig ko yung kwentuhan nila ni Mang Nestor. Kahit ganto ako kasalbahe sa kanya, may mabuting puso naman ako ano lalo na pag pinag uusapan ang pamilya. Mukhang mahal na mahal niya talga ang pamilya niya. Buti pa siya ano? Samantalang ako , mayaman nga kulang naman sa attensyon at pagmamahal. Puro nalang sila bisiness. Tss.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...