Sora's POV:
"Sora. May naghahanap sayo." Naghuhugas ako ng mga plato sa kusina ng restaurant ng lapitan ako ng manager namin.
"Sige po maam." Nagpunas muna ako ng kamay at tinungo ang taong naghahanap sa akin.
Sino kaya?
"Sora. Pwede ba tayong mag usap?"
Dalawang araw na ang nakakalipas nung huli kaming magkita sa bahay nila.
"Sir. May trabaho pa po ako." Ayokong maging bastos sa harapan niya pero sa palagay ko hindi pa ako handang kausapin siya.
"Anak. Please? Gusto kong makabawi sayo. Payagan mo namang gawin ko iyon sayo. Please?"
anak?
Ang sarap pakinggang may tumatawag sa aking anak.
"Gusto kong magpakatatay sayo. Gusto kong bumawi sayo."
sana naisip muna niya yun bago niya kami iniwan ni Nanang.
Hindi niya alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan namin ni Nanang.
mahirap maging single parent.
"Hindi pa po ako handang tanggapin kayo sa buhay ko. Excuse me po, May trabaho pa po ako." Ayokong umiyak sa harap niya kaya tumakbo ako papunta sa likod ng restaurant at doon ko binuhos lahat ng hinanakit ko sa kanya.
Matapos kong umiyak, nakapag desisyon na ako.
Uuwi muna ako ng probinsya at kakausapin ko si Nanang.
Chard's POV:
"Wooh! Tapos na din sa wakas! Makakauwi na tayo sa Pilipinas." -Elyx.
kakatapos lang ng concert namin dito sa Dubai. Nagpahinga muna kami sa Hotel.
Hindi ko alam na ganun na pala kami kasikat. Parang yung mga KPOP lang.
"Asus. Gustong gusto umuwi dahil na mimiss mo na ang mga chicks mo! haha." Pang aasar ni Dale sa kanya.
"Oo na. Ganun na nga. Bakit? Ako lang ba? Tanungin niyo kaya yung in love diyan" Mga loko loko talaga itong mga to. sabay sabay kasing tumingin sa akin.
"Ano na bang score niyo ni Sora, Pre? ha?" Lumapit si Sean sa akin at tinapik ako sa balikat.
"Wala pa. Hindi pa ako nanliligaw sa kanya."
"wwooohh!" sabay sabay nilang sabi.
"Ang hina mo naman Chard. "-Mico
"Baliw. Hndi sa ganun. Sinabi kong liligawan ko siya pagkatapos ng concert natin dito." Nagtawanan naman sila.
"First time ko maka encounter ng suitor na nagpapaalam kung kelan manliligaw. haha."- Dale.
Binato ko nga ng unan.
"joke lang. pikunin."
"ahm.. Chard, paano kung malaman mo na may nanliligaw sa kanyang iba?" -Elyx.
Tinignan ko siya ng masama. Yung tingin na sana hindi niya nalang sinabi iyon.
"ano ka ba pare, wag ngayon.." May binubulong si Sean sa kaniya pero hindi ko naman maintindihan.
"Sinabihan ko na siya na bawal siyang magpaligaw. Ako lang dapat." Nagkatinginan silang lahat.
Napakunot ang noo ko. May hindi ba sila sinasabi sa akin?
"Ang weird niyo. "
"ha? Bakit naman kami naging weird? e matagal na kaming weird. hehe." -Dale.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...