Chapter 45: Revelation

4.7K 112 1
                                    

Sora's POV:

Tama ba yung ginawa ko?

Baka kasi mabigo lang siya sa akin.

Gusto mo siya di ba? Oh heto na yun!

Oo nga. Nandun na tayo pero kasi nag aalangan ako. Paano pag ayaw ni Nanang sa kanya? O kaya magalit siya sa akin at hindi na ako pabalikin sa probinsya.

Ayokong mangyari iyon. Sila nalang pamilya ko.

Pauwi na ako ng may nagtext sa akin. Tinignan ko yung screen at nag appear ang pangalan ni Sam. Binuksan ko yun at binasa.

"Turn around?" Tumalikod nga ako at nakita ko siyang nakatayo sa likod. Mga ilang metro ang layo niya sa akin. Kumaway siya. Naka disguise siya kaya hindi siya napapansin ng mga tao.

Lumapit siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba may taping kayo ngayon?" Tanong ko. Bago siya magsalita ay may nilabas siyang bulaklak galing sa likod niya.

"Para sayo." Kinuha ko naman iyon.

"Para saan to?" Pagtataka ko.

"Di ba, sabi ko sayo liligawan kita?" Huh? Talaga? Pumayag ba ako?

Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko.

"Teka, saan mo ako dadalhin?"

"Basta. Sumama ka sa akin, I'm sure magugustuhan mo ito." Nakangiti niyang sabi sa akin at naglakad kami..

Ng magkaholding hands.

Parang ganun na.

Ilang minuto lang iyon at may narating kaming isang public park. Maganda pa din iyon kahit gabi na. Siguro dahil din sa mga iba't ibang kulay ng ilaw kaya ganun.

"Wow. Ang ganda naman dito."

"I told you, magugustuhan mo ito." Maya maya ay may grupo ng banda ang tumutugtog sa gitna nito.

Hinila niya ako palapit sa lugar na iyon.

"Dito ka lang." Tumango lang ako. Iniwan niya akong nakatayo samantalang lumapit siya sa kinaroroonan ng banda at may binulong.

Ilang minuto lang ay humawak na siya ng mic.

Kakanta ba siya?

Sa tingin ko, oo.

When I met You

There I was, An empty piece of a shell
Just minding my own world
without even knowin' what love and life we're all about
Then you came,
You brought me out of the shell
you gave the world to me
and before I knew, there I was so in love with you

Ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang kumanta.

Ang ganda ng boses niya. Lahat tuloy ng dumadaan dito sa park ay napapatigil para pakinggan yung boses niya.

you gave me a reason for my being
and i love what I'm feelin
you gave me a meaning to my life
yes Ive gone beyond existing
and it all began, when I met you.

Lumapit siya sa akin at dinala ako sa kinaroroonan ng mga tumutugtog.

Nakakahiya.

Dumadami na yung nanunuod. Akala mo may concert.

Nakatingin siya sa akin habang kumakanta.

I love the touch of your hair
and when I look in your eyes
I just know, i know I'm on to something good
and I'm sure, my love for you will endure
you love will light up my world
and take all my cares away
with the aching part of me.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon