Chapter 48: Harapan Na

4.5K 112 0
                                    

Sora's POV:

"Sigurado ka na ba Sora?Nandito kami sa pier. Nagpahatid ako kay Bea buti nalang at wala siyang trabaho ngayon.

"Ngayon pa ba ako aatras. Isa pa, gusto ko ng matapos lahat ng ito. Ayoko ng patagalin pa. Gusto kong malaman ang lahat mula sa Bibig ng Nanang ko."

"Basta kapag may nangyari na hindi maganda nandito lang ako para icomfort ka. Magsabi ka lang."

"oo naman. Salamat Bea. Sige. sasakay na ako baka maiwanan pa ako."

"Good luck sayo Sora. "

Lalakad na ako pasakay ng Barko ng may humawak sa kamay ko.

Anong ginagawa niya dito.

"Sir Stanley?"

Hindi ko pa siya kayang tawaging Tatay.

"Sora. Sasama ako sayo."

Gusto kong tanungin kong anong ginagawa niya dito pero halata naman kung anong gusto niyang mangyari.

Mas maganda nga siguro kung kasama siya para mas malinaw ang lahat.

Para marinig ko ang panig nilang dalawa.

"please?" Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang siya na sumunod sa akin.

Sa loob ng barko ay hindi ko siya Pinapansin hanggang sa makarating kami sa pier.

Hinahayaan ko lang siyang sumama sa akin.

Umaga na ng makarating kami sa bahay sakay ang tricycle.

"Sora? Pinsan! Anong meron at napauwi ka?" Masiglang bungad sa akin ni Chito. Napakunot ang noo niya ng makita ang lalake na nasa likod ko.

"Pinsan, sino siya? Bisita mo ulit? Aba. Ginagawa mo atang Hotel ang bahay natin ah?" Biro man iyon ay hindi ko magawang ngumiti o tumawa. Seryoso ang pakay ko ngayon.

"Chito. Ang aga aga naman.." Lumabas ng pinto si Tiyo Berto. Napatingin siya sa akin at Kay Sir Stanley.

Napansin kong naikuyom niya ang kamao niya.

"Anong ginagawa mo dito? Sora? Bakit nandito yan?" Bigla nalang itong nawalan ng balanse.

"Tiyo Berto!" Lumapit ako para alalayan siya.

"Tay! Ok lang ba kayo? " Tumango lang siya pero nakatingin padin siya kay Sir Stanley.

"Kilala niyo ba siya Tay?" Tanong ni Chito.

"Oo. Kilala ko ang hayop na yan." Napatingin si Tiyo sa akin.

"Ano bang nangyayari dito? Bakit.." Napatingin siya sa amin.

"Sora? Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka.."

Tumayo ako ng tuwid.

"Nanang.. ano po kasi.." Napansin kong hindi na nakatingin si Nanang sa akin kundi sa taong nasa likod ko.

Bakas sa mukha ni Nanang ang pagkagulat at galit.

"Marieta."

"Walanghiya ka! anong ginagawa mo dito! Hinayupak ka! wala kang kwentang tao.." Biglang lumapit si Nanang at pinagsusuntok sa dibdib si Sir Stanley.

"Nang tama na po yan! Nang, huminahon na po kayo."

Ngayon ko lang nakita si nanang na umiyak ng ganito. Buong buhay ko ay nakita ko siyang matapang at palaban.

"I'm Sorry Marieta. Patawarin mo ako." Inaawat ko na si Nanang sa ginagawa niya pero tuloy padin siya sa pagsuntok dito.

"Matapos ang lahat lahat! Iniwan mo kami! Tapos ngayon magpapakita ka!" Marami pa siyang natanggap na mura at masasakit na salita galing kay nanang.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon