Chapter 27: Iyakin

4.5K 94 0
                                    

Ang ganda talaga niya kaya pala nagustuhan siya ni Chard kasi maganda talaga siya.

"Hi Hon. Surprise!" Nakangiti nitong sabi kay Sam. Tinignan ko naman si Chard at ayun nakasalong baba.

Nagbeso lang ito at umupo sa tabi ni Derek.

"This is a welcome dinner for Natasha. Kasama na siya sa drama natin." Nagpalakpakan ang lahat maliban kay Sam at Chard. Seryoso ang mukha ng amo ko at parang walang ganang nakikinig sa derektor niya.

"Welcome ma'am Natasha!"

"Thank you. Natasha nalang wag nyo ng lagyan ng Ma'am. Nakakatanda e. Hehe." Mahinahon at may class na sabi nito. Ang bait naman niya.

"Pasensya na kayo kung ngayon lang ako. May tinapos kasi akong pictorial."

"Ok lang yun. Walang problema."

Hindi na ako nakinig sa sinasabi nila ng dumating na ang order. Mukhang masarap itong mga ito.

Gutom na gutom na ako.

Susubo na sana ako ng biglang tumayo si Chard. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Uuwi na kami. Enjoy the dinner." Seryoso niyang sabi.

Ano? Uuwi na? Hindi pa nga kami nakakakain e.

Hindi ko pa nga naisusubo itong pagkain. Isusubo ko pa sana kaso..

"Sora, let's go."

Pero? Pero...

Nandun na e. Malapit na sa bibig ko yung kutsara.

No choice.

Binaba ko na yung kutsara at sumunod sa kanya.

Lumingon ako para sana tingnan yung mga kasama kong p.a. at ayun na. Sila na kumain ng parte ko.

Teary eyed

Napatingin din ako kay Sam. Nakatingin din siya sa amin. Nginitian ko nalang siya.

Sumakay kami sa sasakyan na dala niya. Wala kasi si Mang Nestor kaya siya na ang nagdrive. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya.

May balak ba siyang magpakamatay?

Kung meron, wag niya akong idamay. May binubuhay pa akong pamilya ano.

Tinignan ko siya. Deretso ang tingin niya sa kalsada pero alam ko sa kaloob looban ko na may iniisip siya. Ang seryoso ng mukha niya. Hindi ko na nagawang magtanong. Baka magalit lang siya. Ilang minuto lang ay itinigil niya sa gilid ang sasakyan.

"Bwisit!" Sigaw nito habang pinapalo ang manibela. Nakakagulat. Ibang Richard ang kasama ko.

Hindi ako umimik hinayaan ko nalang siya na maglabas ng sama ng loob.

"Dalawang taon! Dalawang taon na yun bakot hindi ko pa din siya makalimutan? Bwisit!" Kinakausap niya ba ako o yung sarili niya kausap niya?

Tama ba yung naririnig ko?

Humihikbi siya?

Umiiyak?

Dahil sa babae na yon ay umiiyak siya?

Ganoon ba niya ito kamahal?

Ilang minuto din siyang nakayuko sa manibela. Nakatingin lang ako sa may bintana ng sasakyan.

Nang naramdaman kong hindi na siya humihikbi ay nilingon ko siya. Nakatingin na siya sa harap at pina andar ang sasakyan pauwi sa condo niya.

Hanggang sa condo ay hindi niya ako inimik. Pumasok nalang siya sa kwarto niya.

--**--

"Ang ganda niya ano? Kyaaah! Kailangang makaselfie ko siya!"

"Ako kahit pirma lang niya ayos na!"

"Bagay na bagay talaga sila ni Sam Alarcon!"

"Oo nga. Perfect couple! Relationship goal!"

Shooting day. At tulad ng kahapon ay nandito din ang mga fans nila. Nadagdagan pa dahil sa fans ni Natasha.

Galing ako sa convenience store para bumili ng maiino habang ang amo ko ay nag sho-shooting.

Hindi ako nakatingin sa daan kaya may nabangga akong tao. Ang masaklap pa ay natapunan ko siya ng iniinom ko.

"Ay naku po! Sorry miss! Sorry! Hindi ko sinasadya. Sorry. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan e. Sorry talaga."

Kinuha ko yung panyo ko para tulingan siyang punasan yung damit na natapunan ko. Pag angat ng ulo ko ay siya pala.

Si Natasha.

Naku naman. Ang tanga ko talaga.

"It's ok miss. Magpapalit nalang ako. Kasalanan ko din, hindi ako nakatingin sa daan. Sorry."

Huh?

Tama ba ako sa narinig ko?

Kasi kung ibang tao yun magagalit siya sa akin o kaya ipapahiya ako sa mga tao dahil sa ginawa ko pero siya, heto at malumanay na hunihingi ng pasensya sa akin. Sino ba ako para hingan niya ng sorry? Isang hamak na p.a. lang naman ako.

"Naku. Natasha ayos ka lang ba? Naku. Yang damit mo nadumihan na." Hindi ko kilala kung sino ang lumapit sa amin pero feeling ko close sila ni Natasha.

"Hoy ikaw! Tignan mo ang ginawa mo sa damit ng amo ko! Alam mo bang limited edition yan at mahal ang bili diyan. Wala na nga yan ngayon e.!" Galit nitong sabi sa akin. P.a. din kaya siya katulad ko?

"Ano ka ba Ana, ayos lang to. Ipapalaundry lang ito ok na." Tumingin siya sa akin. Ang bait niya. Buti pa siya mabait pero yung p.a. nya ang sungit. Yung totoo? Sino ba ang amo sa kanila?

"Ako nga pala si Natasha Anderson. Heto naman si Ana, Personal Assistant ko. Pasensya ka na kung ganyan yan, OA lang talaga siya. Hehe." Nilahad niya ang kamay niya para makipag shake hands.

Anghel nga talaga siya. Kaya siguro siya nagistuhan ni Chard. Ang bait niya.

"Ahm. Ako nga pala si Sora, Personal Assistant ni Richard Collin." Tinanggap ko ang kamay niya.

Ang lambot. Sagana siguro to sa lotion at kung ano ano pang beauty products.

"Ay halika na Natasha, magpalit ka na baka mamaya tumagal pa yang mantsa sa damit mo." Hinila na siya ni Ana pero nagpaalam naman siya sa akin.

"Nice to meet you, Sora. See you around." Nakangiti siyang umalis.

Wow. As in Wow.

Ang bait bait niya.

Ang ganda niya pa.

Perfect nga siya.

Pero hindi ko lubos maisip na walang gusto sa kanya si Sam. Nasa kanya na kaya ang lahat ano pa bang hahanapin ni Sam? Kung naging lalake siguro ako, magkakagusto ako sa kanya.

"Saan ka galing?"

"Ay kabayo!" Ito kasing lalaking ito kung saan saan sumusulpot.

"Ha?"

"Bingi ka ba? O tanga lang?" Kilala niyo na kung sino yang tinutukoy ko.

Haay..

Bumalik na naman ang dating siya.

Ang sungit!

"May binili lang sa 7-11" nakakunot na naman ang noo nito.

"Tara na. Tapos na yung scene ko." Utos nito.

"Ah. Sige. Kukunin ko lang.." Hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi may nagsalita mula sa likod ko.

"Richard?" Sabay pa kaming lumingon sa likod.

Ooopps!

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon