Sora's POV:
Isang linggo na ang nakakalipas nang mangyari iyon. Tama nga si Ate Brenda, nakalimutan kaagad ng mga tao yung eskandalo na kinasangkutan ko.
Hindi ko na din sinasagot ang mga tawag at text ni Sam at Richard.
Ayoko muna ng gulo. Gusto ko munang lumayo sa kanila.
Buti nalang at nakapasok ako bilang waitress sa pinagtatrabahuan ng anak ni Mang Nestor.
"Sora. Pasuyo naman ako. Ikaw muna ang kumuha ng order ng mga costumer" sabi ni Nesti. Siya yung anak ni Mang Nestor.
Kinuha ko naman ang listahan at tinungo ang table na may nag aantay na costumer.
"Good day sir. May I take your order?" Natatakpan ang mukha nito ng menu. Siguro namimili pa siya ng kakainin.
Ibinaba niya ito at isang pamilyar na mukha ang nasilayan ko. Kahit naka disguise siya alam ko ang itsura niya.
Tinignan niya ako ng masama.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag at text ko?" Seryoso niyang tanong.
*dub dub
Si Richard Collin.
Tinignan ko din siya ng seryoso.
"Sir. Busy po ako kung hindi po kayo kakain dito maluwag po ang pinto at makakaalis na kayo." Siguro nasabi na sa kanya ni Mang Nestor kung saan ako nagtatrabaho.Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at may ilagay na envelop.
"Attendance is a must." Hindi niya ako hinintay na magsalita dahil umalis na siya.
Tinignan ko yung ibinigay niya sa aking envelop. Binuksan ko yun at binasa ang nilalaman.
"Birthday Party?"
Chard's POV:
One week without her is like a hell!
Araw araw na akong nakakatanggap ng sermon at reklamo ni Ate Jane.
Yeah.
Siya ulit ang nag aasikaso sa akin.
Pero umaalis alis din siya dahil sa business niya.
Minsan nga uuwi ako ng condo ng ako ang may bitbit ng gamit ko.
Ang hussle.
Ayoko naman kumuha ng ibang p.a.
Gusto ko si Sora lang.
Kaso, ayaw na talaga niya.
Nalaman ko kay Mang Nestor na may trabaho na siya sa isang restaurant kung saan nagtatrabaho din ang anak niya.
"Iinvite din natin si Sam." Sabi ni Ate Jane. Nag aayos siya ng invitation card para sa birthday celebration ko.
Ayoko nga pero mapilit.
Buong buhay ko daw ay hindi ako nagpaparty kaya dapat wag ko daw palampasin ito kaya naman siya ang nagplano ng party.
Tinignan ko siya ng masama.
"What? No! Alam mo namang hindi ko yun kaibigan.""Kapag hindi natin siya ininvite baka magtaka ang mga fans niyo. "
"I don't care! Hindi mo siya isasama and thats final!"
Sige nga, itry mong isama sa special na araw mo yung taong karibal mo. Sinong hindi maiinis?
Sora's POV:
"Birthday party? Kyaah!! Sama ako." Pagkadating ko sa bahay ay nabanggit ko ito kay Bea.
"Bea. Exclusive ang party kaya hindi ka pwede." Sakto naman ang dating ni Ate Brenda.
"Ibig sabihin ate, kasama ka?" Ngumuso ito at nalungkot.
"Panigurado nandun yung 'Overload'." Mahal na mahal niya talaga yung grupong iyon ano?
"I'm sorry sis. But.. If you want, I have a extra invitation card!" Nilabas ni ate yung hawak niyang invitation. Ang laki ng ngiti ni Bea ng makita ito. Nagtatatalon pa ito sa saya.
"Ayiieehhh!! Makikita ko na sila! Halika Sora, magtingin tayo ng damit na susuotin. Malapit na to e."
Hindi siya excited.
Nagtungo kami sa kwarto at kinalkal ang mga damit niya.
Formal amg dapat suotin sa party. Sa makalawa pa naman ito, sadyang atat lang itong kaibigan ko.
"Ano ba yan? Wala namang magandang suotin dito. Malapit na ang party." Tumingin siya sa akin.
"May masusuot ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Wala pa naman."
"May pasok ka bukas?"
"Meron."
"Anong oras ang uwi mo?"
"Seven."
"Good. Bibili tayo ng susuotin natin."
Napakamot ako nalang ako sa ulo. Basta pagdating sa idolo niya, gagawin niya lahat. Pagsinabi sigurong tumalon siya sa tulay, tatalon ito.
--***--
"Bilisan mo Sora. Ilang oras nalang oh?"
"Sandali lang, mag a-out lang ako." Nandito siya sa restaurant at hinantay talagang matapos ang duty ko.
Hindi talaga siya excited.
"Baka kasi magsara yung mall hindi na tayo makakapili ng susuotin."
"Heto na. Tapos na. Tara na." Hinila na niya ako palabas at sumakay ng taxi.
Wala pang sampong minuto ng marating namin ang mall. Dumiretso kaagad kami sa isang botique.
"Good evening maam, ano pong hanap nila?" Tanong ng sales lady samin.
Si Bea ang nakipag usap sa sales lady dahil busy ako sa pagtingin ng mga damit na naka display dito.
"You're invited huh?" Napalingon ako sa gawi ng nagsalita.
Anong ginagawa niya rito?
Himala, hindi siya naka disguise.
"Sam? Anong ginagawa mo dito?" Nginitian niya ako.
Invited din ba siya? Kaya ba siya nandito ay para tumingin din ng susuotin sa party?
"Kuya. What do you think?" Sabay kaming napalingon sa babaeng nagasalita. Kasama niya pala ang sister niya.
"Sinamahan ko si Samantha magshopping." Wow. Hands on kuya.
"Hi Ate Sora. You're here din pala." Bati sa akin ni Samantha. Siguro kinse anyos na ito.
"Ah. Kasama ko yunv kaibigan ko nagtitingin din ng damit. May dadaluhan kasi kaming party."
"Ah. I see. Sige kuya at ate, iwan ko muna kayo. Magsusukat pa kasi ako." Umalis siya sa harap namin at nagtungo sa sales lady.
"Akala ko, tumitingin ka din ng susuotin para sa party ni Richard bukas." Sabi ko.
"As if invited ako." Ang sama talaga ng ugali ng Richard Collin na yun. Hindi man lang niya ininvite si Sam. Galit padin siya dito.
"So, how are you? Bakit hindi mo sinasagot ang mga calls ko sayo? Iniiwasan mo ba ako? Dahil ba sa sinabi kong gusto kita?" Ang dami niyang tanong ano ba ang uunahin ko?
"Ha? Ah. E. Busy lang ako kaya wala na akong oras para tingnan pa ang cellphone ko. May trabaho na kasi ako." Pagdadahilan ko.
Nagkaron ng kaunting katahimikan.
"Sora, yung sinabi ko sayo. I mean it. Gusto talaga kita. " Ano bang sasabihin ko?
"Sora? "
Tumingin ako sa kanya pero hindi ako makatingin sa mata niya.
Naiilang ako.
"Can I court you?"
*dub dub
Anong sasagot ko?
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...