Chapter 40: Not Again

4.4K 94 0
                                    

Chard's POV:

"Ay grabe sya oh?tsk! Tsk! "

"Oo nga. Hindi na nahiya."

"Ay naku, kung ako kay Natasha hindi lang yan ang aabutin niya. "

"Malandi kasi siya. Alam niya ng may jowa nakikisawsaw pa."

Nandito ako sa shooting. Sa pagdaan ko ay may napansin akong kumpol ng mga kababaihan. May pinapanood yata sila sa phone. Narinig ko din ang pangalan ni Natasha.

Curious ako kaya lumapit ako.

"Sir Richard" mga staff pala namin ito.

"Ano yang pinapanood niyo?" Bigla kasi nilang tinago yung phone sa likod nila.

"Wala sir. Wala lang ito. Funny videos lang. Hehe" sagot naman ng isa sa kanila.

"May I see?"

Nagsisikuhan pa sila kung ipapakita nila.

Inilahad ko ng kamay ko at tinaasan ko narin ang kilay ko. At sa wakas ay pinakita na nila sa akin.

Si Natasha at Si Sam..

At si Sora?

Malinaw ang video. Sinasabunutan niya si Sora.

"Sir, di ba p.a. nyo po yung babaeng yan?"

"Kahapon po yan sa may resto sa Makati.. Nakita po kasi ni Natasha na nagde-date sila."

"Ang sabi sa news siya daw yung third party"

Napakuyom ang kamay ko.

"Sir, yu..yung phone ko.."

Naiinis ako.

Sa sobrang galit ko ay naitapon ko yung cellphone ng staff.

"Sir!" Tinignan ko sila ng masama. Bago ako umalis sa harapan nila.

Hindi pa nagsisimula ang shooting kaya hinanap ko si Natasha.

At nahanap ko siya sa dressing room niya. Mini-make up-an. Tumingin siya sa akin mula sa salamin na nasa harap niya.

"Iwan mo muna kami ateng." Utos niya sa nagme-make up sa kanya.

"If you asking me to love you, I'm sorry to tell but.."

"Buti nalang talaga hindi ko tinuloy." Nagulat ata siya sa sagot ko. Tumayonsiya at humarap sa akin.

"What?"

"Buti nalang at hindi kita naging girlftiend. Ngayon ko lang nalaman na ganun pala ang ugali mo." Napanganga siya sa sinabi ko.

"Wow! Ganyan ka ba kapag binabasted ka? Bitter?" Hinawakan ko siya sa braso niya ng mahigpit.

"Don't you dare to hurt Sora..again or else kakalimutan ko na babae ka." Tinanggal ko din iyon agad.

"D*mn! Ano bang meron sa Sora na yun at gustong gusto niyo? My goodness! Buti nalang at hindi ko siya kinaibigan."

"Buti nalang at hindi dahil ngayon alam ko na ang ugali mo. Mukha kalang anghel sa harap ng camera pero demonyo kadin pala." Iniwan ko siya matapos kong sabihin iyon.

May bad side din pala siya.

Nahagip din ng mata ko ang lugar ni Sam. Pinuntahan ko din siya.

Naabutan ko siyang mag isa sa tent niya.

"Richard"

Hindi ko natiis kaya kinuwelyuhan ko siya.

"Layuan mo si Sora." Nanggigigil kong sabi habang siya naman ay Nagsmirk sa akin.

"Hindi mo na siya p.a. kaya wala kang karapatang palayuin ako sa kanya." Lalong hinigpitan ko ang hawak ko sa kwelyo niya.

"Pagkatapos kay Natasha si Sora naman. Ano bang trip mo?"

"Hindi ko pinagtitripan si Sora." Tinignan niya ako sa mata.

"Gusto ko si Sora." Binitawan ko siya at sinuntok sa tyan. Napausog siya ng kaunte.

Ano? Gusto niya si Sora?

Tss.

Bakit ba pag may nagugustuhan akong tao gusto din niya?

Not again.

Not Sora.

Tumayo siya.

"Gusto ko siya. Hindi na ito tulad ng kay Natasha. Kung kinakailangang ipaglaban ko siya gagawin ko."

Sora's POV:

May video na kumakalat ngayon sa internet.

Video namin ni Natasha. Yung part na sinasabunutan ako.

Nakablured yung mukha ko pero halata padin na ako yun.

May nababasa nadin akong mga comment na masasakit.

Slut
Ahas
Mang aagaw
Kabet
Panget
Walang kwenta
Whore

At kung ano ano pa.

Nandito ako sa kwarto ko at nagkukulong ngayon.

Alam na din ni Bea ang nangyari sa akin. Siya pa ba? Wala naman akong maitatago sa kanya e.

"Sora. " Nandito pa si Ate Brenda. Siguro magpapa alam lang siya sa akin. Binuksan ko ang kwarto ko.

"Ok ka lang ba dito?" Tumango ako kahit hindi naman talaga.

"Ganun talaga sa showbiz, kahit sila may kasalanan sila anv kinakampihan lalo na kapag sikat sila. Hayaan mo, lilipas din iyon at makakalimutan din nila. Isa pa. Hindi ka naman nila kilala."

May punto naman si Ate Brenda sa sinabi niya.

Hindi nila alam ang buong kwento.

"I have to go baka malate na ako. Bye. Cheer Up Sora."

Pagka alis ni Ate Brenda ay may tumatawag sa phone ko.

Si Mang Nestor.

"Hello? Mang Nestor?"

[Sora. Kamusta na? Pasensya na kung hindi kita nareplyan nung nakaraang araw nagdadrive kasi ako. ]

"Ok lang po yung Mang Nestor. Bakit po kayo napatawag?"

[Nakausap ko na ang anak ko at naghahanap padin sila ng Waitress sa Trabaho niya. Narecommend ka na niya. Baka ilang araw mula ngayon ay co-contact-in ka nila.] Napangiti ako sa sinabi ni Mang Nestor. Ang bait niya talaga.

"Salamat po Mang Nestor. "

[Oh sige. Ibababa ko na, may gagawin pa kasi ako.]

"Sige ho. Salamat po ulit" pagkababa ko ng phone ay inayos ko na ang mga papel ko.

Mabuti na yung ganto.

Atleast maypagkakalibangan ako.

At yung sinabi sa akin ni Sam.

Hindi ko pa alam.

Crush ko siya pero hindi ko inisip na magkakagusto siya sa akin.

Hindi ko din alam kung ipagpapatuloy ko pa ang pagkakaibigan namin o lalayuan ko siya.

Baka kasi sugudin na naman ako ni Natasha.

Nadala na ako sa ginawa niya.

Ikaw ba naman ang mapahiya sa madaming tao.

Kahit sino ayaw ng ganun.

Haayy...

Ano ba ang gagawin ko?

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon