Sam's POV:
Hindi man niya sabihin pero alam kong may gusto din siya kay Sora.
Halata sa kilos niya.
Mukhang naka move on na siya kay Natasha.
Mag hahapunan na ng matapos ang shooting namin. I decided to go home. Doon nalang ako kakain.
"Hijo!" Salubong sa akin ni Mommy.
"Mom." Hinalikan ko siya sa pisngi. Ang ganda talaga ng nanay ko.
"Ang aga ata ng uwi mo?" Tanong ni mommy.
"Maaga pa ba to? Haha." Pabiro kong sagot. Minsan kasi madaling araw na ako umuuwi or minsan hindi na ako umuuwi. May sarili naman akong condo. Pero para sa akin, mas masaya pag kasama ko ang pamilya ko.
Eventhough step dad ko si Daddy Stanley, itinuring ko na siyang tunay na ama. Mabait siya sa akin. Mahal na mahal din niya si Mommy kaya walang problema sa akin.
"Anong meron?" And speaking of Daddy. He is here.
"Oh Sam. Good to see you here."-Dad.
"Hi dad."
"Maaga ka ata ngayon?" Nagkiss siya kay Mommy.
Ang sweet.
Thats why I love to go home.
Full of love and sweetness.
Dinaig pa ako.
"Maganda ang takbo ng kompanya kaya maaga ako." Daddy Stanley is the one who handle our Hotels. Mas gusto niya kasing magfocus si Mommy sa pagiging housewife at sa passion nito--ang pagiging artista.
Well, galing din naman sa marangyang pamilya si Daddy Stanley.
"Buti nalang at nagluto ako ng Beef Steak."
"Wow! Really? Thats my favorite huh!"
"Naku kuya, masisira ang diet mo." Lumingon kami sa nagsalita. Si Samantha pababa ng hagdan. Agad naman siyang nagkiss kay Daddy at sa akin. Ginulo ko lang ang buhok niya.
"Ok lang, madadaan naman sa gym yan. Haha." Nagtawanan kami.
"You look blooming Anak. Tell me, inlove ka ba?" Si Mommy talaga. Walang nakakaligtas sa mata niya.
"Teka? Di ba may girlfriend ka na? Si Natasha.?" - Dad.
"Dad. Huli na kayo sa balita. Break na sila ni Natasha." -Samantha.
Hay naku. Laging updated si Bunso. Hilig kasing manuod ng t.v.
"But that smile of yours, alam kong may something yan. Tell me my son. Are you inlove? Who's this lucky girl ? Huh?"
Napakamot nalang ako sa ulo.
"You know what? Gutom na ako. Tara kain na tayo." Pumunta na kami sa kusina. Inihanda nadin ng mga kasambahay ang aming hapunan.
Hanggang sa hapag ay hindi padin ako tinantanan ng mommy ko.
"Kuya,Napanood ko yung viral video mo with Natasha and a girl. Di ba siya yung dinala mo sa party?" Tanong ni Samantha. Napaka showbiz talaga ng kapatid ko. May balak atang maging showbiz reporter ito.
"Really Samantha? What happen?" May pag aalalang tanong ni Mommy.
"Mommy. You won't believe. Napaka war freak nung Natasha biruin mo, sabunutan niya yung date ni Kuya.."
"Samantha?" Pagpipigil ko. Hindi kasi magandang pag usapan yun sa hapag kainan.
"Sorry."
"What's her name again?" Tanong ni Daddy.
"Sora po." Sagot ko.
"Sora? Parang probinsyana naman ng name niya." Komento ng kapatid ko.
"Anong buong pangalan niya anak?" Tanong naman ni mommy.
Parang interesadong interesado sila.
"Sophia Raniel Makamandag mom." Nakita kong natawa ang kapatid ko pero mas nagulat ako ng mahulog ni Daddy yung baso niya. Nabasag tuloy.
"Honey. Ok ka lang ba? Manang. Pakilinis naman to oh?" Agad namang nilinis ng kasambahay namin.
May nasabi ba akong mali?
Nakita ko kasi yung expression ng mukha niya.
Gulat na gulat.
"Dad? Are you alright?" Tanong ni Samantha. Napansin din niya.
"Alam mo ba kung saan ang probinsya niya?" Napakunot noo ako.
"Hindi dad. Hindi ko natanong. Kapag nagkita kami itatanong ko. Bakit dad? "Lumikot ang mata niya.
"Ahm. Ah. Wala naman. Pamilyar lang sa akin yung apelyido niya. I'm sorry. Kumain na tayo." Nagpatuloy naman kami sa pagkain.
"Better to invite her dito sa bahay para naman makapagkwentuhan kami. Hindi ko siya masyadong nakausap nung party." Sabi naman ni mama.
"Yeak kuya. Actually, the first time I saw her parang magkakasundo kami. I like her." Napangiti ako sa sinabi ng kapatid kong iyon.
"Sure. Ipapakilala ko siya sa inyo." Tinignan ko si Daddy.
Hindi ko alam pero parang may naramdaman akong kakaiba.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...