Chapter 54: Babae

4.2K 91 0
                                    

Sora's POV:

Day off ni Bea kaya pinuntahan ko siya sa kanila. Nagkwentuhan lang naman kami sa mga bagay bagay ng maghapon.

Maggagabi na nung napagdesisyunan kong umuwi.

Pag uwi ko ay sumakay ako ng taxi papunta sa subdivision na tinitirhan ko ngayon.

Simula nung tumira na ako doon panay nadin ang pag uwi doon ni Sam at Lagi kaming nagbobonding na tatlong magkakapatid.

Sinunod ko na din ang sinabi ni Tatay na magresign sa trabaho dahil pag aaralin niya ako ng college.

"Sora!" Pagbaba ko ng taxi ay mukha agad ni Sam ang nakita ko.

Kiniss ko siya sa pisngi. Normal na yun, walang halong malisya. Kapatid ko na siya di ba?

*Beeeeppppppp!!!!!!

Pareho kaming nagulat ni Sam sa businang iyon kaya napalingon kami sa sasakyan kung saan nanggaling ang tunog na yun.

"huh?" Wala namang tao sa sasakyan na nakita namin.

"Gabi na ah? Tara na sa loob. Wag mo ng pansinin yan baka sa kabilang bahay lang yan." Tumango ako at sinundan siya papasok sa loob.

Nang marating namin ang sala ay nandoon si Tita G at may kausap siyang dalawang babae.

"Oh Sora. Finally You are here!" Nakipagbeso ako kay Tita G.

"Bakit po tita G? Anong meron?"

Tumingin si Tita G kay Sam.

"You don't told her?" Tanong nito kay Sam.

"I'm Sorry Mom. I forgot." Napakamot ito sa ulo niya.

Naguguluhan naman ako.

It's ok. Anyway Sora.I want you to meet Ms. Lea and Sushmita. Sila ang mag aayos sayo sa Birthday Party mo."

"po? Party?" Gulat kong sabi sa kanila.

Parang kailan lang nung umattend ako ng party ngayon naman para sa akin?

"Naku Tita G. Hindi na po kailangan. Ok na po sa akin ang kainan nalang." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

"Sa tingin mo papayag kami ng Daddy mo? Syempre hindi. We want your birthday to be a super special day. Yung hindi mo makakalimutan sa buong buhay mo. We want you to be the star of that day." Napangiwi ako sa sinabing iyon ni Tita G.

"Isa pa hayaan mong sa paraang iyon ay makabawi ang Daddy mo sayo.Di ba?" Nakangiti niyang sabi.

"Hindi naman po kailangang engrande.."

"Ano ka ba Sora, kailangan iyon dahil ipapakilala ka namin as our daughter sa lahat ng aattend doon. " Ipapakilala?

Kailangan pa ba iyon?

Para sa akin, masaya na ako na ganto kami. Nakilala ko ang Tatay ko. Yun lang.

"Come hija. " Niyaya niya ako sa Sofa at doon ay kinausap kami ng dalawang babae. Tumingin ako kay Sam at nakangiti lang ito.

May magagawa pa ba ako?

Syempre wala na.

Haay...

Chard's POV:

"Si Richard Collin ba yan?"

"Yata? Baka siya."

"Papicture tayo."

"wag na. baka hindi tayo pansinin."

Matapos kong makita ang pangyayaring iyon ay dumiretso ako sa bar na malapit dito. Hindi pa masyadong maingay at magulo dahil siguro sa maaga pa.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon