Chapter 60: Date

5.2K 109 0
                                    

Sora's POV:

Ang ganda ng lugar puro puno.
Parang nasa malayong probinsya at..

Malamig.

"A..anong lugar to?" Tanong ko sa kanya habang niyayakap ko ang sarili ko.

Malamig nga kasi.

May kinuha siya sa back seat at inilagay sa balikat ko.

Jacket pala to.

"The little baguio.Tagaytay." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Let's go? Simulan na natin ang date." Tumango ako at naglalakad lakad kami.

Ang ganda talaga dito. Nilibot namin ang lugar.

Dumaan pa kami sa hanging bridge. Medyo nakakatakot kasi inuuga niya yunv tulay. Parang bata.

Pumunta kami sa palace in the sky.

Wow.

Ang tanaw na tanaw ko ang paligid.

Matapos nun ay kumain kami sa malapit na kainan dito.

Nung bandang hapon ay nagpasya siyang mag zipline kami.

"Hindi ko ata kaya Chard, nakakalula." Tanging mga tali lang yung soporta sa amin kaya natatakot ako.

"Kaya mo yan. Nandito naman ako." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ok na boss, ready na ba kayo?" Ang bilis nilang naikabit sa katawan namin yung mga safety gear. Humiga na kami. Ganto daw ang posisyon e.

"Sure ka ba dito?" Tanong ko kay Chard. Mesdo nanginginig ako sa kaba.

"Trust me ok?Safe to." Hinalikan niya yung kamay ko na hawak hawak niya.

"Baka pwedeng umatras kasi na... Aahhh!!" Naipikit ko nalang ang mata ko sa takot.Wala na hindi ko na nagawang umatras dahil umandar na ito at mabilis na parang lumilipad sa ere.

"Hey, Sora. Open your eyes para makita mo yung paligid." Narinig kong tumatawa siya sa reaksyon ko.

"Ayoko. Nakakatakot." Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko.

"Sige na. Please?" Unti unti kong minulat ang mata ko.

Tumingin sa paligid at sa ibaba.

"I told you " ngumisi ito at ilang segundo lang ay narating namin ang kabilang dako ng zipline.

"Enjoyed?" Tanong nuya sa akin habang tinatanggal ng mga staff yung mga gear na nakakabit sa amin. Tumango lang ako.

Hinawakan niya ako sa mukha.

"Don't be scared, as long as I'm with you, walang mangyayaring masama." Unti unti siyang lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko.

*dub dub
*dub dub
*dub dub

"Let's go?" Madilim na ang paligid. Hindi ko namalayang ganto na pala kami katagal sa lugar na ito.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Nope. May last pa tayong gagawin." Napakunot ang noo ko.

Halos malibot na namin ang lugar ano pa ba ang kulang?

"Ikaw ah? Namimihasa ka na sa paghawak ng kamay ko." Walang oras yatang hindi niya hawak ang kamay ko. Pansin ko lang.

"Paulit ulit ka ano? Para masanay ka nga." Inirapan ko nalang siya. Ang daming palusot.

Sa ilang minuto naming paglalakad ay may naaninag akong tent na maliwanag at may mga tumutugtog pa.

Mas lalo akong namangha ng makalapit kami dito.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon