"Richard?" Sabay pa kaming lumingon sa likod.Ang bilis naman niyang magpalit ng damit. Lumapit siya sa amin.
"Na..na..natasha." Nauutal nitong sabi. Pinilit niyang maging normal ang kilos sa harap ni Natasha.
"Oh! Hi! Long time no see."
"Ha..ha?" Bingi ba siya o tanga lang? Di niya ba narinig? Ang linaw kasi ng pagkakarinig ko e.
"You. You know me?"
"Of course. Ikaw ang lead actor Sa drama natin dito e. Isa pa, nagkita na tayo before. You are my boyfriend's bestfriend, right?"
Aray ko po! Natasha naman! Dahan dahan lang sa pagsasalita. Ang sakit kaya nun.
" I see." Nakita kong nagbago yung mood niya habang si Natasha nakangiti padin sa amin.
"Hon! I'm here!" Kumaway siya sa likod namin. Lumingon ako. Si Sam papalapit sa amin.
Oh no. Gulo to.
Napansin kaagad ako ni Sam, lumingon sya kay Chard pero hindi ito tumingin sa kanya. Awkward sa isa't isa.
Magkakaharap kasi ang magkakaribal.
Nang makalapit ay nagbeso silang dalawa.
Ang sweet.
Yung katabi ko naman, bitter.
"Hi Sora." Bati niya.
"Hello." Napansin kong nabo-bored na ang amo ko.
"Pauwi na ba kayo?" Tanong ni Natasha.
"Oo Natasha, pauwi na kami." Ako na ang sumagot.
"Really? Ah. Can we have a dinner first? Hindi ko kasi kayo nakabonding nung welcome dinner." Hala ka.
"Ano kasi.."
"Please Sora? Richard?" Si Ateng nagpapacute. Hirap tanggihan nito.
"Hon, di ba bestfriend mo si Richard, help me na yayain sila na magdinner, please?" Aray ko po. Naglalambing siya kay Sam at ang cute nilang tignan. Tinignan ako ni Sam.
Alam ko yung feeling.
Crush kaya kita.
Ang sakit lang ah.
"Ah. Hon. Hayaan nalang natin sila, maybe next time. Pagod na siguro si Richard. Di ba?..Chard?" Naiilang man ay naitawid padin niya.
Tumingin ng masama si Richard kay Sam. Salubong ang kilay at parang umaapoy ang mata. Tinignan ko naman si Natasha na parang nalungkot.
"Ok. Let's have a dinner." Tumingin ako sa kanya.
Seryoso ba siya? Baka mamaya.. Ano.. Masaktan lang siya.. Kasi nga.. Di ba? .. Sweet.. Couple.. Tapos siya.. Ay bahala na nga!
"Really? Yes! Ok! Let's go! May alam akong magandang restaurant." Excited na sabi ni Natasha. May pagkabata siya kung kumilos pero cute namang tignan. Hindi kasi siya OA.
"We're here!" Tama nga siya. Ang ganda ng restaurant. May mga taong nakatingin sa aming apat. Parang nakakita sila ng artista.
Ay oo nga pala, artista pala itong tatlo. Nakita kong kanya kanya sila ng kuha ng nga cellphone at pinicturan kaming apat.
Ay tatlo lang pala sila. Nadamay lang ako.
Yung iba naman ay hindi makatiis kaya lumalapit sila sa tatlo at nagkikipag selfie. Buti nalang at may dumating na mga waiter para maging bouncer ng iba habang dumadaan kami.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...