Chapter 59: Forgive and Forget

5K 104 1
                                    

Sora's POV:

Matapos ianunsyo ni Tatay yung tungkol sa akin, dinumig na ako ng mga reporter at may mga tanong sila.

Hindi ako sanay sa ganito.

May mga lumapit din na mga kaibigan nina Tatay at Tita G. Lahat sila binabati ako at kino-Congratulate ako.

Luminga linga ako at hinahanap si Richard pero hindi ko siya makita.

Asan na kaya siya?

"Sora, happy birthday." Hindi ko alam kung anong irereaksyon ko.

Huli naming pagkikita ay yung sinabunutan niya ako sa restaurant.

"Hmm..pwede ba tayong mag usap? Privately?" Ngumingiti siya ng konti.

Naiilang siya. Ganun din ako.

Hindi ko makakalimutan yung ginawa niya, napahiya ako nun e pero hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. Normal lang naman na magalit siya kasi kaka break lang nila nun ni Sam.

Tumango ako at doon kami sa may terrace nag usap.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"I'm sorry." Tinignan ko siya sa mata.

"Naging pathetic lang ako nung mga oras na yun kaya ko nagawa sayo yun, alam mo namang mahal na mahal ko si Sam di ba? Hindi ko naman akalaing magkapatid pala kayo kaya sorry talaga sa nagawa ko, I hope mapatawad mo ang I'm sorry talaga."

Huminga ako ng malalim.

Ganun nga siguro kapag nagmahal ka.
Magiging pathetic, paranoid,obssessed at iba pa.

Parang nagiging halimaw.

Niyakap ko siya.

Sino ba naman ako para hindi siya patawarin.

"Kalimutan nalang natin yun.Ika nga nila, Past is past. Forgive and forget." Kumalas ako at natanaw ko sa mata niya ang luha ng kaligayan.

"Thank you. Sora."

Chard's POV:

"Can we talk?" Tumalikod ako at sinundan naman niya ako papunta sa isang sulok. Yung walang makakakita sa amin.

Pagkatapos ng announcement, I decided to talk to him. Gusto kong maging clear ang lahat ngayon na.

"Alam mo na ang lahat ano pa bang pag uusapan natin?"

Alam kong nakakabakla itong sasabihin ko pero kailangan. Para narin sa katahimikan ng lahat.

"I just want to say Sorry." Ngumiti ito ng tipid sa akin.

Awkward.

"I know hindi maganda ang turing ko sayo specially nung kay Natasha." Tumingin ako sa kanya. At siya eto, nakatayo at inaantay ang susunod kong sasabihin.

"Are you sincere?" Nagsmirk ito.

Aba? Tingin niya hindi?
Loko to! Kung hindi ka lang step brother ng mahal ko hindi ko gagawin to.

"What do you think? "Umiling to.

Aba ! Talaga naman oh!
Bigwasan ko kaya?

"Haha. Just kidding. " Lumapiy siya sa akin at niyakap ako.

Walang malisya!
Baka machismis niyo ako.

Bro hug lang to uy!

"Finally. Tapos na ang tampo mo sa akin. I'm waiting for this day. The day that you will forgive and say sorry." Tinapik niya ang likod ko bago kumalas sa akin.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon