Chapter 46: Shocking

4.4K 98 3
                                    

Sora's POV:

"Dad? Anong kalokohan ito? Hindi nakakatuwa."-Sam

"Honey? Ano ba yang pinagsasabi mo?" -Tita G.

May kinuha siya sa suit case na bitbit niya at may kinuha na envelope. Nilapag niya ito sa lamesa.

"Naghire ako ng Private investigator at Pina-background check ko si Sora. Nalaman ko na Nanay niya si Marieta Kamandag..."

Pangalan ni Nanang iyon.

"Yung neregalo mong necktie, pina DNA test ko yung finger print mo." Binuksan ni Tita G. Yung envelop.

"Positive?" Napahawak siya sa bibig niya at nangingiyak.

"Mommy? Anong positive?" Naguguluhan pa din si Sam.

Kahit ako naguguluhan.

"100% na nagmatch ang DNA natin, Sora." Hindi ko namalayang may umaagos na luha na pala sa mata ko.

"Pero, ang sabi po ng Nanang ko patay na ang tatay ko."

"Ate Sora, hindi nagsisinungaling ang DNA Test. "-Samantha.

"No. Dad! You're lying! Hindi totoo yan!"

"Nagtrabaho bilang kasambahay sa Pamilya namin si Marieta. Naging malapit kami sa isa't isa hanggang sa nagkagustuhan kami. Nagkaroon kami ng relasyon at may nangyari sa amin. Isang araw, sinabi niya sa aking buntis siya at panagutan ko ang bata.." Naiiyak na si Sir Stanley.

"Honey.."-umiiyak nadin si Tita G.

"Kaso natakot ako nung mga panahong iyon. Mga bata pa kami at hindi pa ako handang maging ama. Natakot ako sa responsibilidad. Ayoko ding itakwil ako ng mga magulang ko..." Ayoko ng makinig.

Ayoko na!

Tumakbo ako palabas ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag ni Sam at Sir Stanley sa akin.

Tatay ko si Sir Stanley?

Hindi ako makapaniwala.

Hindi ko alam kung ano ang ibibigay kong reaksyon sa kanila.

Magiging masaya ba ako dahil nalaman kong buhay pa ang tatay ko o magagalit ako dahil hindi niya pinanagutan ang nanang ko?

Hindi ko alam!

Gulong - gulo ako.

Nangmakalabas ako ay nagpara agad ako ng taxi.

Sa loob ng taxi ay humagulgol na ako. Wala na akong paki alam kung ano ang iisipin ng driver sa akin.

Sam's POV:

Sa mga narinig ko ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko.

hahabulin ko sana si Sora kaso nakasakay na siya ng taxi.

Bumalik ako sa bahay. At nakita kong nasa salas na sila.

Hindi ko pa din magawang maniwala.

Yung step dad ko,

Siya ang ama ng babaeng nagugustuhan ko.

"Kuya." Hindi ko pinansin ang tawag sa akin ni Samantha dahil nakatoon lang ang mata ko step dad ko.

"I'm sorry hon. Sorry kung hindi ko nasabi sayo ito. " hinawakan siya ni mommy sa likod.

"It's ok hon. Past is past. " napalingon siya sa akin.

"I'm sorry Sam." napahawak nalang ako sa sentido ko.

"why?! Bakit sa dinami rami dad, si Sora pa?!" napasabunot nalang ako sa buhok ko.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon