Chapter 5: Signature

6.3K 144 0
                                    

Sora's POV:

Mas naunang umuwi si Bea kaysa sa Ate niya. Tuwang tuwa itong dumating.

"Sora! Tanggap na ako sa trabaho ko ! Yes!!" Nagtatatalon niyang sabi.

"Congrats Bea!"

"At dahil diyan! Mag mo-mall tayong dalawa."

"Ha? Mall? E hindi ka pa nga nagsisimula sa trabaho mo e. Mall agad ang nasa isip mo."

"Ay. Hayaan mo na. Ngayon lang ito. Bukas simula na ako sa trabaho hindi na ako makakapag malling dito tsaka pinangako ko sa sarili ko na kapag nandito na ako sa Maynila mag mo-mall muna ang gagawin ko. Sige na. May pera naman ako dito oh. Libre ko naman ih. Magbihis ka na. Dali.!"

Hindi na ako tumanggi pa . nagbihis na agad ako. Alas tress na ng hapon ng makarating kami sa mall. Kabago bago palang namin dito pero parang kabisado na ni Bea ang lugar.

"Oh. Tignan mo Sora."
Papasok na kami ng mall ng makita niya yung isang Poster.

"Sakto tayo. Mag peperform ang "Overload" mamayang alas kwatro sa ground floor ! Yiih! Dream come true! Makikita ko na din si Richard! Tara na!"

Kulang nalang ay kaladkarin niya ako papasok sa mall. Grabe. Ganyan ba siya ka obsessed sa mga artista?

Una naming ginawa ay ang kumain. Pagkatapos ay bumili ng damit niya sa department store. Para daw yun sa trabaho niya. At ang huli ay manuod ng performance nila. Nakipagsiksikan talaga kami sa mga tao para doon kami sa harapan makanuod.

"Ayiih! Go Richard! Go Sean ! I love you Elyx! Gwapo mo Miko! Ang cute mo Papa Dale!" Pang che cheer ni Bea. Siya na talaga.

Mga one hour lang yung appearance nila. Pagkatapos nilang mang intertain. Ay nagpa fansign sila. Hetong si Bea hindi maawat. Ibang klase talaga siya.

"Bea, magbabanyo lang ako ha."

"Ok. Dito lang ako."

Iniwan ko siya dun na nakapila. Kanina pa ako nagpipigil ng ihi ko. Hindi kasi ako maka alis kanina sa unahan dahil sa siksikan ang mga tao.

Saan ba ang banyo. Kanina pa ako naiihi.

Restroom

Ayun. Sa wakas. Nahanap din kita. Pumasok na ako sa c.r. kaso pagtingin ko napakaraming naka pila. Block buster din. Hindi naman ako pwedeng maka singit.

Alam kong may c.r. pa dito sa mall kaso malayo pa ata. Hindi ko na kaya.

Male Restroom

Teka..
Nilinga linga ko yung paligid. Wala naman masyadong nakatingin. Pumasok ako ng dahan dahan sa loob. Walang katao tao. Nako. Pwede na dito. Hindi ko na talaga kaya. Sinara ko ang pinto ng c.r. Nilagyan ko din ng sign sa labas. At pumasok sa cubicle.

Wow. Nakakarelax. Hooh. Akala ko hindi na ako makaka abot. Finlash ko na. Lalabas na sana ako ng biglang may narinig akong ingay galing sa labas. Mga tilian yun. At narinig kong may pumasok sa banyo.

Hala. ! May tao. Patay. Paano ako lalabas nito. Baka mamaya dumami pa sila. Naramdaman kong parang may bukas na gripo. Siguro naghuhugas na siya ng kamay.

Bigla kong binuksan ang pintuan ng cubicle. Hindi nga ako nagkamali. Naghuhugas nga siya ng kamay. Pumikit ako.

"Woah ! What the.."rinig kong sabi niya.

"Sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry."

Tumingin ako sa kanya.

Nakapamewang siya at naka ngisi.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon