Chapter 6: What?

5.8K 137 0
                                    

Sora's POV:
Dalawang araw ko lang inasikaso yung mga requirements. Mag aantay pa ako ng ilang araw bago ako magsimula.

Kringg..

Tinignan ko ang cellphone ko. Si Bea ang natawag.

"Hello?"

"Hello Sora."

"Oh Bea.? Bakit ka napatawag?"
"Ah. Pwede ba ako makisuyo sayo? Naiwan ko kasi yung pouch ko jan sa kwarto natin. Importante lang. Pwede padala ako dito sa radio station?"

Sinabi niya sa akin yung address ng lugar. Hinanap ko naman agad yung pouch na sinasabi niya at dinala ko sa kanya. Naexcite lang siguro yun kaya nakalimutan niya ito.

Agad naman akong nagtungo sa kaniya.
Nakarating na ako. Dito din pala nagtatrabaho si Ate Brenda. Magkaiba lang sila ng palapag ng gusali.

Ang laki ng building. Wow.
Pumasok na ako ng gate at nagsabi sa guard. Pinapasok naman niya ako.
Tinext ko si Bea. Sabi niya antayin ko daw siya sa baba. May ginagawa pa kasi siya kaya hindi siya makababa muna. Inantay ko nalang siya.

Naglalakad ako ng nakayuko kaya hindi ko napansin na nakabunggo ako.

"Ay sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry."
Nang iangat ko ang mukha ko. Isang pamilyar na mukha ang nakita ko.

"You again?" Mayabang niyang sabi.
"Huh?" Ah. Oo siya yung pumirma sa damit ko.

May kinuha na naman siya sa bulsa niya. Pentel pen. Nilayo ko na sarili ko.

"Oh? Bakit? Di ba ito ang gusto mo? Akin na ang damit mo pipirma ako."

"Hindi. Hindi ko naman hinihingi ang pirma mo e." Medyo napalakas ang sabi ko kaya may nakarinig na mangilan ngilan. Di ko naman sinasadya yun.

"Hindi.. Hindi kasi kita kilala." Mahina kong sabi.

"What? You don't know me,? Haha. Saang planeta ka ba galing at hindi mo ako kilala? Alam mo ba sa ginawa mong iyan napahiya ako?" Sabi niya sa akin habang binubulong niya ito.

"Its ok . Picture ba ang gusto mo?" Malakas niyang sabi. Tingin ko sinasadya nya yun para marinig siya ng mga dumadaan.

"Hi..hindi din. Wala akong Camera. Excuse me." Sabay alis ko sa harapan niya. Hindi ko na siya nilingon. Kung si Bea baliw sa kanya, ako naman ay hindi.

"Sora!"

Tawag sa akin ni Bea. Mabilis naman akong nagtungo sa kanya.

"Sora pasensiya ka na ha."

"Ok lang. Heto oh." Iniabot ko sa kanya yung pouch niya.

"Sige Bea. Uuwi na ako."

"Ok. Salamat talaga Sora."

Pagkaabot ko sa kanya nun ay umuwi na ako agad baka makita ko na naman yung lalaking yun. Aaminin ko. May itsura siya pero hindi ganoong lalaki ang gusto ko, masyadong mapresko.

Chard's POV:

"Usapang Showbiz, isang tv singer-actor, ini-snob ? Ayon sa source, itong singer-actor daw ay akmang pipirmahan ang damit ng isang babae ngunit pinigilan siya nito dahil hindi daw niya ito kilala. Ayun pa sa source, sinigawan pa daw ni singer-actor ang babae dahil sa hindi siya kilala nito..Lumalaki na ata ang ulo ng singer-actor na ito. Ang ating clue kung sino siya? May bago lang naman siyang soap-opera at isa din siyang member ng sikat na banda."

Click! *tv's off botton

Showbiz nga naman oh. May dagdag pa. May mabalita lang.

"Ano na naman bang ginawa mo ?" Tanong sa akin ni Ms.Jane.

"Huh? Nothing ? Tingin mo ako yung tinutukoy sa blind item na yan?"

"Of course yes! Sino pa ba?" Napahawak nalang siya sa sentido niya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong bata ka. Tatanda na akong walang asawa nito e.! Kailan ka ba titino ? Ilang taon ka palang sa showbiz Richard tapos ganyan ka na?" Ayan na naman siya sa kadramahan niya sa buhay. Tss..

"Ok ate. Sorry. Ok? Sorry." Naku naman. Pagnakita ulit kitang babae ka patay ka talaga sa akin. Pinapahiya mo ako.

"Anyway, sa susunod na araw may makakasama ka ng P.A. mo." Sabi ni Ms. Jane habang hawak niya yung Tablet niya.

"What? I don't need a P.A. nandiyan ka naman " tinignab niya ako ng masama.
"Yun na nga. You don't need ? Pwes ako kailangan ko para sayo. Kaya wag ka ng umangal. Sa ayaw at sa gusto mo may P.A. ka na." Ako naman ngayon ang napahawak sa sentido ko.

"Is it a girl?Boy?Bakla?Tomboy?"

"A girl."

"What? Ate. Bakit babae ? Baka mamaya niyan fan ko pala yan at obsess sa akin."

"Don't worry my little brother hindi mo siya fan. Naconfirm ko na yan sa source ko." Matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi niya?

"Mr. Richard, kayo na po sa next scene."
Tumayo na ako at pumunta na sa labas ng tent ko. Nagsho shooting kasi kami.

My Probinsyana Girl(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon