Natasha's POV:
"Sam! Open this door!" Sinundan ko siya hanggang sa room niya kaso nakasara na ito.
Pilit akong kumakatok.
We need to talk.
We need to fix this.
Ayokong mawala siya sa buhay ko.
Mahal na mahal ko siya.
"I'm begging you Sam. Please?! Open this door!" Kinakalampag ko na ang pinto pero hindi parin niya binubuksan. Wala na din akong paki alam kung may makakita man sa akin sa ginagawa kong ito.
Ilang minuto na ay wala pading nagbubukas ng pinto.
Hindi pwede!
Ayokong magkahiwalay kami.
Ayoko!
Sinubukan ko din siyang tawagan pero ayaw niyang sagutin ang phone niya.
Sa huli, umalis nalang ako at pumunta ng beach.
Tinawagan ko ang personal assistant ko para bilhan ako ng alak.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang humaharang dito habang nakaupo sa buhanginan at umiinom ng alak.
Hindi nga lang hard pero mapagtyatyagaan na. May shoot pa kasi ako bukas.
Pero ok na din ito kaysa wala.
"Why?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa langit.
Bakit ganito?
Ang sakit sakit.
Ilang bote lang iyon pero may tama nadin.
Akala ko ba hindi ito hard?
Nakakaramdam ako ng hilo pero nagawa ko pading tumayo.
Ngayon naman ay gusto kong maglublob sa dagat. Gusto kong malamigan ang katawan ko.
Chard's POV:
Tama ba yung ginawa ko kanina?
Oo. Tama lang iyon. Kulang pa nga dahil sa maraming taon ang nawala sayo. Taon na sana ikaw ang nasa posisyon ni Sam. Ikaw dapat ang boyfriend niya.
Parang ang panget lang ng timing ko. Nasaktan kasi siya ng sobra.
Nasaktan kadin naman ng sobra ah?
Oo nga. Patas lang.
Nagpasya kong mag inom ng alak kahit kaunti. Pampatanggal ng sakit kahit konti lang din.
Balit ganun? Gabi na pero may gusto pading maligo sa dagat. Delikado kaya ang ganun lalo na pag madilim.
Gusto kong makita ng maayos kung sino yung maliligo.
"Natasha?" Nanlaki ang mata ko at waring nawala ang tama ng alak sa aking sistema ng maklaro ko na si Natasha nga ang nasa dagat.
Teka nga?
Wag niyang sabihing magpapakalunod siya?
Oh no!
Hindi pwede!
Mamahalin ko pa siya.
"Natasha!" Sigaw ko. Mukhang hindi ata ako narinig kaya lumusung nadin ako sa dagat at dali dali akong tumungo sa kanya.
"Natasha!" Hindi pa din niya ako nililingon. At ng makalapit ako sa kanya ay hinila ko siya.
"Ano ba! Let me go! I just want to..
"Pinutol ko na ang sasabihin niya."No I won't let you go!" Mas malakas ako sa kanya kaya wala siyang nagawa ng madala ko siya sa pampang.
Hinawakan ko siya sa magkabilang braso na nakaharap sa akin.
"What do you thing you are doing? Huh? Magpapakamatay ka dahil sa lalaking iyon? You're wasting your life because of him? My goodness Natasha! Hindi sagot ang magpakalunod sa dagat para mawala ang sakit sa puso mo." Pilit niyang tinatanggal ang pagkakawak ko sa braso niya. Sa wakas, nagtagumpay naman siya.
"What are you saying ha? Anong magpapakamatay? Do you think na gagawin ko yun? Are you crazy?"
Ha?
"E bakit ka lumusong ng dagat?" Pag aalala kong tanong.
"Gusto ko lang magpalamig. At hindi ko balak tapusin ang buhay ko sa dagat."
Pahiya ako dun. Ang OA ko kasi.
"I'm sorry I thought.." Umupo siya sa buhanginan. Umupo na din ako.
"I'm sorry. Nag alala lang ako." A minute of silent.
"I want him back."
Ouch.
" Hindi ko alam ang gagawin ko pag wala siya. He is my life. " Tumingin siya sa akin.
Ako dapat yun.
Ako dapat yung life mo.
"But I'm here Natasha." Seryoso kong sagot sa kanya.
"Ako dapat yun e. Ako dapat yung nasa posisyon niya hindi siya. Ako." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Natasha, listen. Give me a chance to show my feelings for you. Let me prove that I'm the one who can be with you, forever." Kinuha niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko dito.
"I can't Richard. I can't."
Parang nabasag yung puso ko sa sinabi niya.
Well, basag na nga pala talaga ito at ngayon ay basag na basag.
"Hindi ka niya mahal Natasha. Sinabi na niya yun. Sa umpisa palang ako na ang nagmamahal sayo." Tumingin siya ng masama sa akin.
"Wag mong sabihin yan. Naniniwala akong mahal din niya ako. Gusto lang niya siguro ng space. Maayos din namin ang relasyon namin. Kaya please, tigilan mo na ako Richard." Tumayo siya at aktong aalis na ng nagsalita ako.
"Paano kung ako yung humarap sayo two years ago sa tv at nagsabi ng nararamdaman ko ? May chance ba ako? May chance ba noon na maging tayo?" Lumingon siya sa akin at nagsalita.
"Wala Dahil hindi pa man nagbibigay ng bulaklak at stuffs si Sam sa akin ay gusto ko na siya. Sinabi ko sa sarili ko na siya lang ang lalakeng mamahalin ko." Tumalikod na siya sa akin pero nakahinto padin ito.
"Salamat pala sayo. Kung hindi dahil sa pagpapaabot mo kay Sam ng mga stuffs na iyon, hindi ko siya magiging boyfriend. Thanks for being the bridge."
Iniwan niya akong nakatulala.
Wala akong pag asa ni isang porsyento.
Ouch!
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...