Nandito kami sa taping ng gagawing music video ng grupo niya.
"Hey bro.musta?" Nakipag bro-shake sa mga ka member niya. Tinitignan ko bawat kilos niya.
Hmm..
Gusto kong manigurado.
Nakangiti siya! Masaya siya sa pakikipag hand shake niya sa mga ka grupo niya.
"Hi Sora!" Nagulat ako ng bumungad sa pagmumukha ko si Dale. Ang jolly sa grupo nila.
"He..hello."
"Ok ka lang? "
"Ha? Ah. Oo."
"Dale!" Nakakunot noong tawag ni Sir Richard sa kanya.
"Yoo! I'm coming!" Tinapik niya ako at tumungo na sa lugar nila Richard. Nang makalapit si dale at gawin ang bro-hand shake nila ay naka ngiti ito.
Tsk. Confirmed ka na! Haha.
Mga one hour bago mag start ang kanilang gagawing music video kasi nilagyan pa sila ng make up ng kanya kanya nilang make up artist. Pssh. Tuwang tuwa siya habang kausap yung mga ka group niya. Mukha silang k-pop group. Ang cute tignan.
Nanonood lang ako hanggang sa matapos yung music video nila. Nakatutok lang ako kay sir Richard. Tinitignan ko bawat galaw niya.
"Here." Inabutan ako ni Dale ng tubig. Hindi ko naramdaman na nandito na siya sa tabi ko.
"Thank you." Ngumiti ako.
"Ok ba yung music video? Maganda ba?" Para talaga siyang bata. Ang jolly niyang tignan. Hyper nito.
"Hmm. Oo. Cute. " kung tanungin ko kaya siya?
"Hmm. Pwede ba kitang matanong? "
"Oh. Yeah. Sure. Ano ba yun?" Itatanong ko ba? Baka mamaya ang awkward.
"Hmm.. Matagal na ba kayong magkakilala ni Sir Richard?" Nag isip muna to.
"Hmm. Hindi naman. Bago lang kaming grupo. Siguro months palang kami magkakilala."
"Aah.. Kala ko alam mo na." Pabulong kong sabi.
"Ha? Anong alam ko na?" Patay! Narinig pa.
"Ha? Ah. Ano... Wala. Wala yun. Kausap ko sarili ko." Inakbayan niya ako.
"Siguro may gusto ka sa kanya ano? Ayyiieehh.. " Tinignan ko siya. Nakaakbay padin siya sa akin. Pero wala namang malisya sa akin yun.
"Ha? Siya? Crush ko? Haha. Patawa ka. Hindi no!" Bakla kaya yang leader niyo. Pssh.
"Talaga? E bakit tinatanong mo sa akin kung matagal na kaming magkakilala? Naku. Alam ko na yang mga ganyan Sora. Diyan nagsisimula yan. Haha." Tawa pa nito. Baliw yata to.
"Pre. Kamay mo." Nagulat ako ng biglang ibaba ni Sir Richard yung kamay ni Dale sa balikat ko. Hindi ko namalayan yung presensya nya. Nasa likod pala namin siya.
"Ay. Sorry. Sige Sora, alis na ako." Ngumiti ako. Seryoso padin mukha niya. Siguro nagselos siya. Ayaw niya siguro ng may kaagaw sa attensyon ng mga kabanda nya.
Hmmm...
"Bakut ganyan ang tingin mo?" Tanong nito sa akin. Nakahawak kasi ako sa baba ko habang nakatingin sa kanya.
"Ah. Wala naman." Paano ko ba malalaman na confirm nga siya ng hindi niya nalalaman na alam ko na. Ano daw? Ay nakuh! Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"May problema ba?" Masungit niyang tanong sa akin. Naku. Baka mahalata niyang alam ko na ang pagkatao niya .
*light bulb!
"A..ano kasi, ah.. Yung kuko mo madumi." Ayon sa nalaman ko, kapag ang lalaki ay tumingin sa kuko ng nakatihaya ang palad ibig sabihin nun totoong lalake siya pero kapag sa kabilang pisngi ng kamay ay bakl daw ito.
"Huh?" Ayan na. Titignan niya na yung kuko niya. Ayun! Tinignan niya ng pabaligtad. Confirm nga!
"Hindi naman !" Teka, isa pa kaya para sure.
"Ah. Kanina, nakatapak ka ng dumi ng hayop." Kapag daw paharap ang pagtingin sa sapatos ibig sabihin lalaki siya pero pagpa talikod naman ay bakla siya. Tinignan niya naman ng paharap. Hala. Paano to.?
"Wala kaya." Umayos ito ng tayo.
"Ah. Ganun ba? Alam ko kasi.."
"Sandali nga, kanina ko pa napapansin e. Pinagtitripan mo ako ano? Tss."
"Ha? Hindi noh. Sir naman. Hi..hindi kita pinagtitripan." Pinapaamin lang kita by your gestures. Hehe.
"Bilihan mo ako ng energy drink sa convenience store." Tss. Utos na naman. Bilhin ko na kaya yung buong store na yun? Ay..wala nga pala kaming pera.
"Akin na po yung pambili." Inilahad ko ang kamay ko. Tinignan niya ito at hinawakan niya sabay hila papunta sa kanya.
Ohmo! Ilang inches nalang pwede na niya akong mahalikan. Nabigla ako sa ginawa niya. Parang bumilis ata yung tibok ng puso ko.
"Sagot mo muna." Bulong nito sa akin. Tinulak ko naman siya ng kaunte pero mahina lang, may mga tao kasi sa set baka mapagchismisan pa kami dito.
Inirapan ko lang siya at nagtungo na ako sa convenience store. Kainis! Ang yaman yaman niya pero pambili ng energy drink wala siya! Nakabili nga siya ng bagong phone. Nakakaasar. Matapos kong bumili ay sumaglit muna ako sa cr sa loob ng set. Naiihi na kasi ako.
"Hay naku naku. Pag naconfirm kong bakla ka talaga Richard Collin lagot ka sa akin." Hindi ko maiwasang masabi yun dahil sa inis ko sa atittude ng taong yun. Paibaba iba. Naghugas na ako ng kamay at tumungo sa kinaroroonan ng amo ko. May araw ka din.
BINABASA MO ANG
My Probinsyana Girl(COMPLETED)
FanfictionMeet Sophia Raniel Makamandag also known as Sora. Ang dakilang probinsiyana na gusto mag trabaho sa Maynila upang makatulong sa kanyang ina at makapag aral ng kolehiyo. Meet Richard Collin. Boy Band Leader ng grupong "OverLoad". Sikat na Artista di...