"Galing mo na pala magluto, mommy Tin" sabi ni Edward na patuloy pa din sa pagkain.
Napangisi naman si Kristine na animo ay nag-aasar. Hindi ito nakaligtas sa paningin ng lalaki. Kasi parang sinasabi nito na sabi-ko-sayo-e look.
"Kung hindi ko pa alam na yung mga tao mo sa resort ang pinakanagdusa ng nag-aaral ka magluto ang sama mo kaya magluto non, tubig na lang nasusunog pa." dagdag pa nito.
"Psh. . . Ang yabang mo naman. Hindi nga ako talentado sa pagluluto pero at least kaya ko na. Hindi na ako nakakahiya sa kusina." napanguso si Kristine. Magkaugali talaga si Edward at ang nanay nito. Ang ayaw pa naman nya ay pinag-uusapan ang mga bagay na hindi siya magaling. Nakakawala ng self confidence.
"Joke lang mommy Tin," nagpeace sign pa ang lalaki dahil pansin nito na nagbabago na ang mood niya. " . . . Kasi naman ngayon mo lang ako pinagluto, e marunong ka na palang magluto. Hinayaan mo lang na ang ipinakain mo sakin yung mga PWEDE NA na luto mo" pinagdiinan pa talaga nito ang salitang PWEDE NA? Ayos ha.
"Ipinagluto na kita noon. Yung beef brocolli sa resort" sagot naman nya na patuloy pa din sa pagkain.
Napaisip naman ang lalaki. Ibig pa lang sabihin ay si Kristine ang nagluto ng pagkain ipinadala sa kanya noon. Buong akala kasi nya ay ang kanyang ina ang nagluto nito. Imbes na sagutin niya ang sinabi ni Kristine ay ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Hindi naman kasi niya nakain ang pagkain na yun. Mananahimik na lang siya imbes na humaba ang usapan at mapunta ito sa away. Naku ganon pa naman ang ugali ni Kristine, masyadong matampuhin.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila. Mga walang nagsasalita hanggang sa matapos silang kumain. Si Kristine na ang nagligpit ng kanilang pinagkainan. Habang si Edward naman ay nagpunta sa kwarto nito.
Nang matapos si Kristine sa ginagawa ay nagpasya na siyang magpaalam kay Edward para umuwi. Gusto nya sanang katukin ito sa silid nito. Pero may kung ano sa utak nya. Ayaw niyang magtungo doon dahil sa pakiramdam nya na bawal na syang magpunta doon. Iniisip pa lang niya na magtungo sa silid na yun ay parang hindi na siya makahinga. Paano ba naman, ang daming bad memories ng bahay na ito sa kanya. Sa bahay na ito tumira sina Edward at Alice ng makipaghiwalay ang lalaki sa kanya.
'Psh, aantayin ko na lamang siya sa may living room' sabi nya sa sarili.
Nang maupo siya sa may sofa ay nakita niya sa center table ang ilang piraso ng folders na nakapatong dito. Naroon na din ang folders na ibinigay ni Michelle kanina. Kumuha siya ng isa sa mga ito at tiningnan ang mga nasa loob. Inisa-isa nya ang bawat folder upang mawala ang inip habang inaantay na bumaba si Edward. Ngunit parang wala naman na yatang balak bumaba ang lalaki.
'Dalawampung minuto, kapag hindi ka pa bumaba, aalis na ako ng walang paalam' sabi nya sa sarili na patuloy pa din ang pagscan sa mga folder na hindi nya maintindihan. Wala din naman syang balak intindihin ang mga ito dahil ginagawa nya lang itong pampalipas oras.
"Tsk" nasambit nya ng matabig nya ang ilan sa mga folder. Kinuha nya ang mga ito, upang ibalik sa dating kinaroroonan, hanggang sa makita nya ang isang clearbook na nakalagay sa may ilalim ng center table.
'Kasama ba ito sa nalaglag?' tanong nya sa sarili. Hindi naman kasi maayos ang pagkakalagay ng clearbook. Upang makasiguro siya ay inopen nya ito upang tingnan ang bawat pahina.
'Teka. . .'
'Mga drawings ko 'to ha. Bakit na kay Edward ito?'
Isa-isa nyang binuklat ang bawat pahina. At halos lahat ng mga nasa pahina ng clear book ay pawang mga drawings nya tuwing nai-stress sya sa buhay nya. O di naman kaya ay iginuguhit nya ang mga nararamdaman nya ng panahon na ginawa nya ang pagguhit pati na din ang mga gusto nya o paborito.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"