Chapter 6 : Hang Over

6.1K 48 1
                                    

Madaling araw na, hindi pa din dalawin ng antok si Kristine. Gusto niyang murahin ang taong nakahiga sa kanyang sofa. Hindi niya alam kung paano niya naiuwi at nabuhat mag-isa ang lalaki pauwi ng bahay niya. Sa bahay sana nito niya gusto iuwi ang lalaki ngunit hindi niya makita ang susi sa bulsa nito. Ang spare key naman ng town house na pinaupahan niya kay Edward ay nasa bahay ng mga magulang niya.


Tinaliman niya ng tingin si Edward na mahimbing na natutulog sa sofa. Kung hindi lang ito best friend ni Chron ay hindi niya palalampasin ang mga ginagawa sa kanya.


Sumikat na ang araw, nanatiling mahimbing ang tulog ng lalaki. Nakapag-order na siya ng b pp moeakfast meal sa Jolibee at nakapag-almusal at kape na rin siya. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa dibdib. Nakaupo siya sa one seater sofa, nakatingin sa natutulog. Magdamag na siyang gising at masakit ang ulo.

"Good morning señorito," bati niya ng makita si Edward na dahan dahang iminulat ang mata.

Ibinaling ni Edward ang tingin sa kanya. Umupo ito sa pagkakahiga at hinawakan ang ulo, masakit. Pilit inaalala kung ano ang nangyari kagabi, hindi niya alam kung ano at paano ang dahilan kung bakit nasa  harap niya ang kanyang landlord. Hindi man lang niya napansin na wala siya sa sariling bahay.

"Bakit ka ba nandito?" tanong nito kay Kristine.

Nadinig nyang may inilapag na susi ang babae sa ibabaw ng center table. Susi ito ng sasakyan. Hindi niya alam kung bakit ito ibinibigay sa kanya.


"Siguro naman may kunsensya ka? Papalagpasin ko na lahat ng mga ginawa mo sa akin kagabi. Pero sana naman linisin mo yung kotse ko na sinukahan mo kagabi. Dont worry nalinis ko na din naman yun, kaya ikaw na ang mag deep clean."


"Ano bang nangyari kagabi, wala akong maalala" tiningnan niya si Kristine, litong lito.


"Sa sobrang kalasingan mo sa bar, ako na ang nag-uwi sayo sa bahay. Pinaliguan mo lang naman ako ng suka pati na din ang kotse ko. Ang bigat mo pa" reklamo niya.



Noon lang napansin ni Edward na marumi ang kanyang damit at amoy suka. Marami pang sinasabi ang babae, hindi niya maintindihan parang mabibiyak ang kanyang ulo. Hang over. Nang ilinga nya ang paningin ay doon din niya napagtanto na wala siya sa bahay niya.

"Pwede bang umuwi muna?" tanong nito, suko na sya sa talak ng babae.

"Pwede naman, kung may susi ka" tinaasan pa siya ng kilay.

Kinapa niya ang bulsa, wala doon ang susi at pati na din ang celfone. "Fuck."

Kinuha ni Kristine ang celfone niya, at nagtawag ng locksmith. Hindi pa tapos ang tawag sa telepono ay inagaw na ito ni Edward.



"Pakipalitan ng smart door lock with finger print" sabi nito sa telepono sabay ibinalik sa kanya.

"Ikaw magbabayad sa locksmith ha, ikaw ang nakawala ng susi"


"Oo na," napahawak ulit ang lalaki sa ulo, saka ito naglakad papuntang hagdanan. Pinigilan siya agad ng babae.


"San ka pupunta?" takang tanong nito.


"May bag pa akong naiwan dito. Makikiligo muna ako, bago ko dalhin sa carwash ang kotse mo."


Ano yun? Gagawin nya lang ang gusto nya.


Muli ay naalala nya ang unang pagkikita nila ni Edward. Mabilis n nag-init ang kanyang mukha, namumula na siya ngayon. Kahit panandalian lang niya nakita ang abs ng lalaki ay tumatak ito sa isip nya. Noon lang siya nakakita ng ganoong katawan. Bahala na nga siya sa gusto nyang gawin, basta linisin nya ang kotse ko.



"Saan ba dito ang carwash?" tanong ni Edward habang pababa ng hagdan, may hawak itong puting towel at tinutuyo ang buhok. Nakashort pants na din ito ng kulay itim at puting t-shirt. Kinuha nito ang susi sa center table bago lumabas, nilapitan naman siya ni Kristine, na hindi maayos ang lakad. "Anong nangyari sa paa mo?"


"Na-sprain lang naman, kakabuhat sayo kagabi" reklamo nito, ngumuso pa. "Bumalik ka agad dito pagkaiwan mo ng kotse sa carwash. Ikaw na yung makipag-usap sa locksmith" sabi nito sabay abot ng phone nya sa lalaki pati na din ang susi ng bahay. "Password apat na zero"


"Aalis ka?" tinaasan niya ito ng kilay.


"Magpapahinga lang ako sa kwarto, sa dami ng abala mo kagabi, mukhang magkakasakit pa  yata ako. Basta ingat sa kotse ko." iniwan nya na ang lalaki at nagtuloy sa kwarto.



Matapos madala ni Edward ang kotse sa carwash ay nagtuloy siya sa botika upang bumili ng gamot, masakit pa din ang ulo. Nagpunta din siya ng grocery bago umuwi ng bahay. Bumalik siya sa bahay ni Kristine, kasama ang mga pinamili. Inilapag niya ang pinamili sa ibabaw ng dining table, napansin nya doon ang paper bag ng Jolibee at may nakadikit doon na sticky note na kulay dilaw.


For You,
Quits na tayo sa breakfast

Binuksan nya ang loob ng paper bag, may macaroni soup doon at two piece chicken joy at isang extra rice. Mabait din naman pala si Ms. Tan, isip nya


Binuksan niya ang ref at nakitang yelo at tubig lang ang laman nito. Binuksan din nya ang mga cabinet at naghanap ng paglulutuan. Nakita nya ang isang maliit na rice cooker na naka-box pa ganoon don induction cooker at mga non stick na cookware set.


Wala siyang nahanap na bigas. Doon nya napagtanto na hindi nagluluto ang babae, malamang ay sa bahay ng magulang nito ito kumakain. Nagluto na lang siya ng sinigang na baboy. May rice naman na doon sa paper bag ng fast food.


Nang makatapos sya magluto ay binuksan niya ang pagkain na ibinigay sa kanya ni Kristine. Tinawagan din niya ang kanyang celfone gamit ang telepono na ipinahiram ng kanyang landlord. Sinagot naman ito ng staff ng bar, sinabing naitabi ng barista ang kanyang telepono, nagpasalamat pa siya bago ibaba ang tawag.


After lunch ay tumawag ang locksmith upang sabihin na nasa harap na sila ng bahay.  Napangiti siya dahil hindi na niya kailangang magdala ng susi sa tuwing aalis ng bahay. 

"Ms. Tan," tawag ni Edward sa labas ng kwarto ni Kristine, hindi ito sumagot. Nakailang katok at tawag pa siya pumasok. Nilapitan niya ito at marahang tinapik para gumising. Napansin niya na namumutla ito kaya naman hinawakan niya ang noo nito, inaapoy ito ng lagnat.



Nakunsensya ang lalaki sa pagkakasakit ng landlord. Siguro nga ay ang laki ng pahirap ng ginawa niya dito. Hindi niya naaalala ang nangyari noong lasing siya. Ganoon naman siya, kaya kapag gusto niya makakalimot ay isinasagad niya ang pag-inom hanggang hindi na siya makaalala.


"Sorry," banggit niya sa natutulog na si Kristine matapos niya itong lagyan ng basang bimpo sa noo.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon