Dumating sila sa Pilipinas.
Binaon nya sa kanyang pag-uwi ang pag-aalala sa dating kasintahan. Ilang beses na nyang sinabihan ang sarili na mali ang nararamdaman nya.
Simula ng malaman nya na nawawala si Kristine ay hindi na sya mapakali.
Ilang beses pa siyang tumawag sa shop nito kung nakauwi na ang dalaga. Nagpanggap pa siyang isang kliyente para kunwari ay gusto nyang makausap ang may-ari. Ngunit sa kasamaang palad ay laging si Krystal ang nakakausap nya.
Hindi na sya nakatiis sa mga patawag tawag nya. Tuwing umaga bago pumasok sa opisina ay inaabangan nyang magbukas ang main shop at tinitingnan kung nakauwi na si Kristine. Ngunit si Krystal pa din ang nakikita nya.
Imposible naman kasing pabayaan nito ang trabaho. Ito ang buhay ni Kristine. Nagsikap sya para magkaroon ng matatag na hanapbuhay. Hindi kapani-paniwala na basta na lamang nya itong iiwan.
Baka naman abala ito sa iba pa nitong trabaho? Madaming negosyo ang dating nobya. Baka iyon ang bago nitong pinagkakaabalahan.
Paano kung hindi?
Isipin pa lang nya ang mga kinahantungan ng pangyayari ay hindi nya maiwasan na hindi maguilty. Isa sya sa malaking dahilan kung bakit nawawala ngayon ang dalaga.
"How's work?" bati ni Alice sa kanya pagkauwi ng bahay.
"Okay naman, ikaw? Hindi ka ba nainip dito?" niyakap nya ito at hinagkan sa labi.
Niyakap din sya pabalik ng nobya.
"Nope, busy din naman ako sa paglilinis. Besides gusto ko na maayos na ang bahay. Para handa na pag-uwi ng baby natin"
Natahimik sya sa sinabi ng kayakap. Sumagi sa isip nya ang pag-aakala nya na magkakaroon na sila ng anak ni Kristine.
Paano nga kaya kung buntis talaga ito noon?
Magiging ganito kaya siya kasaya ngayon?
"Next week na pala yung punta natin natin sa bahay ampunan. Magiging one big happy family na tayo" sabi nya sabay hinigpitan ang yakap sa nobya.
Hindi na din sya makapag-antay na makumpleto ang pamilya nila.
"Nga pala tumawag si Mama kanina. Tawagan mo daw sya." napabitaw si Alice sa kanya ng maalala ang ibinilin ng ina ni Edward. " . . . ipaghahanda muna kita ng pagkain." dagdag pa nito sabay balik sa kusina para ayusin ang mesa.
Tinawagan nya agad ang ina na kasalukuyang nasa Batangas ngayon. Bumisita ito sa kaibigan. Pinatawag sya nito upang sumunod sila sa kinaroroonan ng ina. Importante daw ito, kaya um-oo naman siya. Magandang ideya rin yon para makapagbakasyon naman sila ni Alice.
Ngunit bago sila pumuntang Batangas ay balak nya munang kausapin si Krystal. Hindi siya matahimik sa pagkawala ng kapatid nito. Tingin nya ay kahit na wala na sila ni Kristine, ay responsibilidad pa din niya ang mga nangyari.
"Ano ba kasi ang nangyari sa inyo? Ayaw magsalita ng kapatid ko. At dahil dun nag-aalala kami. Lalo pa ngayon na nawawala sya." tanong ni Krystal matapos maglagay ng isang basong pineapple juice sa center table.
"Ang totoo nyan Ate Krystal, kasalanan ko ang mga nangyari. Akala ko sya na ang mahal ko pero hindi pala. Pinilit ko namang itama ang lahat." umpisa nya.
Ikinuwento niya ang tunay na mga nangyari. Kailangan na nilang malaman ang mga nangyari. Handa na naman siyang harapin ang mga susunod pang mangyayari. Ang mahalaga ay kahit paano ay makatulong siya para madaling mahanap si Kristine.
"Alam mo ba? Dissapointed ako sayo Edward. . . Ipinagkatiwala ko sayo ang kapatid ko pero sinaktan mo sya. Okay na sanang iwan mo na lang sya pero pinaasa mo pa sya . . . Alam ko na may mali din ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ang plano nya. . . Ang alam ko lang mahal ka nya kaya nya nagawa ang mga bagay na yun." mataas ang tono na sabi ni Krystal. Gusto nyang sampalin si Edward sa mga narinig pero minabuti nyang ikalma ang sarili. Makakatulong pa din ang lalaki para mahanap ang kapatid nya.

BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"