"Kristine, dun tayo." turo ni Jessica sa isang boutique.
Agad naman syang sumunod sa kaibigan. Wala naman kasi syang magustuhan sa mga nakikita nya. Kaya kahit saan na lang sya dalhin nito. Sayang din naman kasi ang libreng food ng kaibigan. At matagal tagal na din silang hindi nagkikita.
"Bagay ba?" tanong nito sa kanya pagkalabas ng fitting room.
"Masyadong maiksi" sagot naman nya pagkakita sa suot.
Muling bumalik sa fitting room ang kaibigan. Sya naman ay umikot sa loob ng boutique para tumingin ng mga damit.
"Tin, lunch muna tayo" napatingin sya sa kaibigan na ngayon ay suot na muli ang damit at hawak ang mga pinamili nito.
Isinoli nya ang hawak na damit. Saka lumapit sa kaibigan. Gutom na kasi sya kaya siguro hindi din nya maenjoy ang shopping moment nila.
"Dun tayo sa favorite Resto ko" nakangiti nyang yaya sa kaibigan.
"MagGreenwich na lang tayo. Hindi ka ba nagsasawa kay Edward?" kunot noong sabi nito sa kanya saka hinila sya papasok ng fastfood.
"Pero... alam mo-"
"Oo alam ko, pero hindi ko trip yang trip mo. Lagi na lang tayong andun. Nakakasawa na." pagtataray na naman ng kaibigan.
Kaya naman wala na syang nagawa kundi umorder. Sa kape lang sila nagkakasundo. Napabuntong hininga na lang sya, wala na syang magagawa. Masarap din naman ang mga pagkain dito, isip pa nya.
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik sila sa pagshoshopping. May mga nabili na din si Kristine. Ngunit hindi naman sa kanya kundi sa parents at sa mga pamangkin nya. Pinagtatawanan pa nga sya ng kaibigan dahil mas iniuuna pa nya ang ibang tao kesa sa sarili nya. Hindi na lang nya ito pinansin dahil masaya din naman sya sa mga ginagawa nya.
"Bagay sayo yan" pinanindigan sya ng balahibo sa nagsalita sa may tenga nya. Takte lang eh, ramdam na ramdam nya ang hininga ng taong nasa likod. Kung magugulatin lang sya panigurado, sapak ang inabot nito.
"Bagay ba?" nagmake face pa ito na parang hindi kumbinsido sa sinabi ng taong nasa likod nya "... parang magmumukha akong manang kapag sinuot ko 'to. Mas maganda yata kapag mas maiksing dress" sabay harap sa kausap na todo ngiti.
"Subukan mo lang magmaiksi, para naman matuwa ako sa kakasapak ng mga titingin sayo," sarkastikong sagot nito sa kanya.
Hinalikan nya si Edward sa labi sabay ngiti abot tenga. Gusto nyang tawanan ang nobyo sa naging reaksyon nito pero pinigilan nya. Tinap nya ang balikat nito saka iniwan ito sa kinakatayuan.
Samantalang si Edward ay napangiti matapos makarecover sa halik na ginawa ng nobya. Hindi nito inaasahan na hahalikan sya ng dalaga.
"So... Gusto mo talagang manapak ako?" sabi ng lalaki na hinabol ng tingin si Kristine.
Pero, imbes na humindi ay she mouthed the word 'Oo' na may nakakalokong ngiti pa din. Kaya hinabol sya ng nobyo palabas ng boutique.
"Ginagalit mo talaga ako Honhon" nakangiting sabi ni Edward ng muling makalapit sa nobya.
"I love you" abot tenga pa din ang ngiti ni Kristine.
"Naaaning ka na naman, i love you too. Payakap nga" he chuckled sabay yakap ng mahigpit sa nobya. Saka hinalikan sa buhok si Kristine.
"Ang sweet nila" sabi ng mga tao sa paligid nila.
Natawa sila ng napansin nila na nagpi-PDA na pala sila sa loob ng mall.
"Bakit ka nandito?" tanong niya sa nobyo. Matapos nilang maghiwalay sa pagkakayakap.
"Nakita ko kayo ni Jess na pumasok dyan" tinuro nito ang boutique. "...dumaan ako sa restaurant kanina ipagte-take out kita ng pagkain. Kasama ko nga si Chron nagCR lang" paliwanag pa nito.

BINABASA MO ANG
CHANCES
Storie d'amoreAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"