Matapos ang away nila ni Edward ay hindi na sila nagkibuan. Badtrip sya sa nangyari at ganoon din ang lalaki. Wala ding gusto o nagtangkang lumabas ng kwarto. Kapag nagkakatinginan silang dalawa ay napapasimangot na lamang siya.
Bwisit naman kasi. . .
Kaya nga sila nagpunta sa reunion ay para magsaya daw. Yun ang sabi ni Edward pero ang nangyari ay nag-away pa din sila. Sa kanyang pagmumuni muni ay inisip niya kung may mali siyang ginawa para kahit paano ay makahingi siya ng tawad. Pero wala din naman siyang maisip na mali niya. Sadya lamang na OA kung makareact si Edward.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa may sofa. Kailangan nyang makalabas ng kwarto. May kailangan pa siyang sunduin.
"Kukunin ko lang si Yuan, baka inaantok na yun" paalam nya ng nakasimangot.
"Si Chron muna daw ang mag-aalaga sa kanya. Kaya walang lalabas hanggat di tayo okay."
"Hindi ko pwedeng iwan ang anak natin kay Kuya Chron. Mahiya ka naman sa tao." binigyan niya ito ng nakamamatay na tingin.
Dere-deretso sya may pinto. Ngunit naging mas maagap si Edward na harangan ang daan palabas.
"Tin, sorry" seryosong sabi nito sabay abot ng sunflower na bulaklak sa kanya.
Saan galing yun? Hindi naman sila lumabas ng kwarto ah. Salubong pa din ang kilay nya ng kunin niya ang bulaklak dito. Ano 'yon dahil lang sa isang sorry iniexpect ba nito na magkakabati na agad sila.
"Sa tingin mo mapapatawad agad kita sa isang sorry lang?"
"Hindi, pero para sa akin bati na tayo" he grinned at her.
Lahat na lang ba pilitan? Parang jinojoke lang nya ang galit ko sa kanya.
Napasimangot sya sa nakuhang sagot. Hindi naman importante kay Edward ang mga nararamdaman nya. Hindi na din siya nagreklamo sa sagot, wala na din naman kasing kwenta. Hindi rin naman matindi ang away nya. Pagdating sa lalaking ito nagiging sunud-sunuran siya. Pero kung dati natutuwa o kinikilig siya sa mga pagmamando nito. Ngayon naman ay nahihirapan siya para kasing hindi na tama. Baka bumigay na naman siya. Hindi niya na matupad ang pinangako sa sarili na hindi na siya babalik pa sa dati.
Pinagdaup ni Edward ang mga kamay nila. Napatingin siya sa mga kamay nilang magkahawak. Mali ito sa isip niya ngunit yung buong sistema ng katawan nya nagsasabi na tama na ito. Parang sinasabihan siya ng kanyang five sense oragan na tama ang lahat ito. Na pati ang puso nya ay nagsabing hindi naman masamang ibigay yung buong kapatawaran para sa mahal mo. Na kahit itanggi pa nya na mahal pa din niya ang taong nanakit sa kanya.
Heaven ang pakiramdam kapag si Edward ang kasama nya.
"Nandito na sila Edward," biglang may sumigaw mula sa palhgid.
Nasa isang bar ngayon sila.
"Pasensya na kung nawala ako kanina," ngumisi si Edward sa mga kaklase. Hindi pa din nito binibitawan ang kamay nya.
"Okay ka na ba Kristine?" tanong ni Chron na nakalapit na pala sa kanila.
"Oo, kuya Chron, teka nasaan pala si Yuan? Sabi ni Edward na sayo daw."
"Na kay Ate Weng na." nginitian sya nito, "nakatulog na sa sobrang pagod. Tuwang tuwa sya sa tubig."
"Sayang naman, hindi ko man lang nakita." may panghihinayang na sabi nya.
"Honhon, bukas naman makikita din natin si Yuan magswimming. Bonding day kaya natin bukas," sabat naman ni Edward kaya napasimangot siya, epal e.
"May mga pics at video naman ako ni Yuan. Ibibigay ko sayo yung copy paguwi natin sa Manila."
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"
