Chapter 21 : Mahuhulog

4.7K 33 2
                                        

"Kamusta ka naman dito?" tanong ng kapatid ni Kristine sa kanya.

Sinundo ni Edward ang kapatid nyang si Krystal para magdala ng mga gamit nya at para magreport sa nangyayari sa mga trabaho nyang naiwan, kasama din nito ang kanilang ama.

"Okay lang naman ako dito Ate, walang iniintinding trabaho." sagot naman niya habang nakatingin sa ledger na dinala ng kanyang kapatid.

Ilang linggo na silang magkasama ni Edward sa bahay. Halos araw araw ay magkasama sila, malapit na nga yata silang magkapalit ng mukha. Wala silang ginawa kundi ang magjogging sa umaga, magtennis, gumala at tumugtog at kumanta sa gabi bago matulog. Binilan siya ng lalaki ng keyboard instrument. Kaya naman madalas siya nito yayaing tumugtog. Minsan naman ay nagisketch siya kapag gusto nyang mapag-isa.

"Pero, maiba tayo Kristine, may nararamdaman ka na ba kay Edward?" tanong ng kapatid nya.

"Ate naman... Kakalabas ko lang sa gulo tapos yang iniisip mo gulo na naman?" iritadong sagot nya.


"Eh paano yan? Tumatanda ka na. Wala ka bang balak mag-asawa?"


"Ate" saway nya dito na may mataas na tono.


Tiningnan lang siya ng kapatid na parang nag-aantay ng isasagot nya.


"Ate huwag mo na nga igiit pa yang pag-aasawa na yan. Kung makakaisip man uli akong magpakasal. Sisiguraduhin ko wala akong kahati. Yung ako lang talaga at walang reserba tss..." yamot na paliwanag nya sa kapatid.

"So ibig sabihin hindi pwede si Edward kasi may reserba aka girlfriend sya?" nacurious na tanong ni Krystal.


"Bakit ba bumalik na naman kay Edward ang usapan?" kumuha sya ng isang folder sa table. Saka binasa.

"Wala naman kasing ibang lalaki na pwedeng idikit sayo maliban kina Edward at Andrew. Dahil naevict na si Andrew sa pagiging prince charming mo. Si Edward na lang ang natira. Hindi-"


"Ano ng balita kay Andrew?" pinutol nya ang sinasabi ng kapatid.

Gusto nyang malaman kung ano na nga ba talaga ang totoong nangyayari sa kanila. Kung hinanap ba sya nung nagrun-away bride sya o kung ipinaliwanag ba nito ang tungkol kay Cherry sa mga magulang nya. Wala naman kasi siyang mabalitaan sa nangyayari sa mga taong naiwanan nya, dahil hindi naman nagkwekwento si Edward sa kanya.


"Sis... Kalimutan mo na si Andrew, kahit mahal ka nya may responsibilidad na sya."


"Ate tanggap ko na. Hindi naman ito mangyayari kung kami talaga di ba?" nginitian nya ang kapatid. "You know me Ate Krystal mas pinapagana ko ang utak ko kesa dito" tinuro nya pa ang puso nya.


Pinagmasdan lang sya ng kapatid. Parang nag-iisip ito ng tamang sasabihin sa kanya.

"Baby sis, alam ko naman na hindi mo ganun kamahal si Andrew. Nabubulagan ka lang sa mga sinasabi ng tao sa inyo na bagay kayo. Hindi man kami kasing talino mo, pero alam namin na nung sumugal ka pagpapakasal kay Andrew o nung makipagboyfriend ka sa kanya. Sya na talaga ang pinili mo makasama. Hindi dahil sa sobra mo syang mahal kundi sa kadahilanang ayaw mo ng sumugal pa ng iba kasi ayaw mo ng bagahe sa puso. Gusto mo sa gitna ka lang lagi para hindi ka masaktan ng sobra." mahabang paliwanag nito.

Napakunot ang noo nya. Hindi nya nagustuhan ang sinabi ng kapatid. Hindi nya din makuha ang punto nya. Mahal naman nya si Andrew, pero bakit parang hindi pa sapat sa kapatid nya yung pagmamahal nya sa ex nya. Ano bang alam niya sa nararamdaman ko?


"Trust me baby sis. Kapag nagmahal ka nagiging tanga ka. Kasi nakakatanga ang love. At sa nakikita ko wala pa ding pagbabago sayo. Ni hindi ko nga pansin sa itsura mo ngayon na may problema ka." dagdag pa ng kapatid.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon