Chapter 3 : First Kiss

6.9K 52 1
                                    

Kriiiing.....!!!



Nag-alarm ang phone ni Kristine. Pikit mata niyang kinapa ang kanyang telepono na nakapatong sa may side table ng kama. In-off niya ang alarm. Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay nanatili siya sa pagkakahiga, nakatingin sa kisame. Ilang sandali ay tumayo siya at inayos ang kanyang kama. Lumabas sa kanyang kwarto saka nagtuloy sa may banyo na katabi ng kwartong tinulugan nya, upang maghilamos at magtoothbrush.



Bumalik siya ng kanyang silid upang kuhanin ang kanyang celfone, saka bumaba sa may unang palapag ng bahay. Lumapit siya sa may center table at kinuha ang laptop na nakapatong dito at inilapag sa bar counter sa kusina. Pagka-on nya ng laptop ay nagtimpla na ng kape. Hindi na sya nag-abala pa na tingnan ang loob ng ref dahil puro tubig lang naman ang laman. Minsan sa isang buwan lang siyang pumupunta sa townhouse na ito. Tulad ng nakagawian ay mag-oorder siya sa drive-thru para sa flower shop na siya mag-almusal. Uubusin ang kape bago pumunta sa shop.


Humigop siya ng kape. Nang biglang may lumabas sa banyo.  Halos manlaki ang mata niya  sa nakita.



"Aaaaahhhh!!!" sigaw ni Kristine at ng lalaking hindi niya kilala nasa harapan nya.


Bagong labas ito ng banyo at mukhang bagong paligo. Napatakip si Kristine sa kanyang mukha dahil nakatapis lang ng puting tuwalya sa pambabang bahagi ng katawan ang lalaki. Maliban pa doon ay nahagip din ng mga mata nya ang abs ng lalaki. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakita ng mahalay na suot ng isang lalaki sa personal.


"Sino ka?!" sabay nilang tanong sa isa't-isa.



"Ikaw ang sino?" pagtataray na wika ni Kristine, nakaiwas siya ng tingin habang tinatakpan ang mata gamit ang kanang kamay "...anong ginagawa mo dito sa bahay ko? nakuha mo pa talagang makipaligo"

"Miss, ako ang dapat magtanong nyan?! Ano ang ginagawa mo dito sa bahay ko? Rapist ka no?" ngumisi ang estranghero na parang nakakaloko.



Napatawa pa ito sa reaksyon ng babaeng nasa harap nya ngayon, mukhang ngayon lang ito nakakita ng katawan ng lalaki kung umasta.


"Wow, ako pa ba ang mukhang rapist? Pwede bang lumayas ka na dito sa pamamahay ko. Magdamit ka na din," singhal nito sa lalaki.



Napatawa ang lalaki sa asta niya, "Okay I admit, hindi ka naman mukhang rapist, pero kung gusto mo din naman eh hindi na ako papalag para hindi ka mahirapan." sabay kindat nito sa kausap ng magtama ang kanilang paningin.


Napaurong si Kristine sa mga tinuran ng estranghero. Sa takot ay agad niyang kinuha ang kanyang celfone na nasa ibabaw ng bar counter. In-open nya ito at hinanap ang numero ng Police Station na malapit sa kanilang lugar at agad niya itong tinawagan. Matapos ang tatlong ring ay nasagot agad ang tawag nya. Tinaliman niya ng tingin ang lalaki na para bang nagsasabi na humanda ka, lagot ka sa akin.

"Hello police station, may irereport po akong manyak, pum ~"
bago pa matuloy ng babae ang sasabihin ay naagaw ng lalaki ang kanyang celfone at agad itong pinatay. Galit na galit itong tumingin sa kanya.

"Siraulo ka ba?" singhal ng lalaki kay Kristine, "Ire-report mo ako sa police, eh ikaw itong basta-basta na lamang sumusulpot sa inuupahan ko." galit na din ito sa babae.

Tinalikuran siya ng lalaki at umakyat sa ikalawang palapag, hawak pa din ang kanyang celfone. Mahirap na, baka ituloy nito ang pagtawag ng pulis. Ilang sandali ay bumalik ito na nakabihis na ito ng puting t-shirt at jogging pants na kulay gray. Dalawa na din ngayon ang celfone na hawak, isa sa lalaki at ang isa ay kay Kristine. In-open nito ang teleponong pagmamay-ari at may tinawagan. Sinamaan nya ng tingin ang babae matapos ilagay ang telepono sa tenga. Nakakunot ang noo nito.




CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon