"Ate Belen nandyan na ba si Edward?" tanong nya pagkadating ng bahay. Nagpaalam kasi ito na magoovertime sya sa trabaho. Inihatid lang nito ang kanilang anak at muling bumalik sa opisina. Pare-pareho kasing nasira ang schedule ng trabaho nila dahil sa nangyari.
Alas dos na ng madaling araw at kadadating lang niya galing sa isang music bar. Kasama nyang uminom doon ang kaibigang si Jessica. Matapos nyang makapagpiyansa sa presinto dahil ang baliw na si Alice ay nireklamo siya. Kung alam lang niya na papaabutin ito sa pulis eh di sana binugbog nya ito ng bongga.
"Kristine, ano bang pinag-uusapan ninyo ni Alice." pangungulit ni Edward kanina. Kalalabas lang nila ng presinto.
"Trip ko nga lang di ba" iritado nyang tanong paulit-ulit na kasi ang mga tanong. Kailangan ba na ipaliwanag nya na kung sampal lang ang aabutin ni Alice sa kanya ay kulang pa yun sa kabuwisitan na ipinadama sa kanya ng babae.
"Kristine, hindi biro ang magstay sa presinto para sa trip lang na pagsuntok. Ni hindi mo man lang ipinagtanggol ang sarili mo. Proud ka pa talaga sa ginawa mo" panenermon nito sa kanya.
Mainit na nga ang ulo nya pero parang di man lang makahalata ang kasama na gusto nya ng katahimikan.
Hinarap niya si Edward. Bakit ba siya ang kinukulit nito gayong si Alice naman ang nasaktan?
"Totoo namang sinapak ko sya. Kita din sa CCTV ang ginawa ko. Hindi yun kagaya ng ibinintang mo sa akin noon." katwiran nya.
" Knowing you hindi ikaw mananapak ng walang dahilan and knowing her mas may capability sya na magsimula ng gulo." mataas na tono na sabi ni Edward.
Ibig bang sabihin mas naniniwala si Edward sa kanya kesa dun sa loka-lokang babae?
"Lahat tayo may dahilan kung bakit natin nagagawa ang mga bagay na hindi dapat. May konklusyon ka na siguro sa sinabi ng ex mo sa kung ano ang pinag-usapan namin. Wala rin akong pakialam kung gumawa sya ng kwento para lang magmukhang mabait sa harap mo. Mahal ka nya at kaya nyang ipaglaban ka kahit makasakit sya ng iba." napabuntong hininga sya.
Masakit talaga na ikaw mismo ang magsabi na ang ex ng taong mahal mo ay mahal pa din ang taong mahal mo sa kanya mismo. Parang may masakit sa dibdib at gusto nyang magwala. Nakakawala ng kumpiyansa sa sarili. Na parang anumang oras ay pwede itong tumakbo palayo sa kanya. Nangyari na ito dati di ba? Siguro nga mas tama na sila na lang ang magsama at least hindi ganun kasakit. At kung may pagsisihan man sya dahil hindi nya ipaglalaban ang nararamdaman ay mas okay na yun dahil sanay naman na siyang maiwan mag-isa.
"Ikaw?" napatingin siya dito. " wala ka bang balak na ipaglaban ako kahit minsan? Ayaw mo na bang bigyan ng second chance ang tayo?" galit syang tiningnan ng lalaki. Alam kasi nito ang tinutumbok ng mga pinagsasasabi nya.
"Ang totoo, hindi ko na alam kung ano ang meron tayo. Sabi mo dati minahal mo sya at ako ang mahal mo. Pagkatapos naging mas mahal mo sya kesa sa akin at ngayon ipinararamdam mo na mas mahal mo ako kesa sa kanya. Natatakot ako Edward" napalunok siya parang hindi na niya makakayanan pang sabihin ang mga sasabihin nya pa. " natatakot ako na kapag ipinaglaban kita bigla mo na namang sabihin na mas mahal mo pala sya. Siguro dapat mong hanapin ang sarili mo. Dapat mong alamin ang gusto mo ng malayo sa akin. Hi-hindi ko ilalayo ang anak natin sa yo bibigyan kita ng araw para makita mo sya at makasama. Gusto kong magsimula tayo ng hindi nagpipilitan sa mga bagay na gusto nating gawin kasama ang isat isa. Let's give our selves some space" pinipilit nyang huwag tumulo ang kanyang mga luha.
Kitang-kita nya ang pagkagulat ng lalaki sa mga sinabi nya. Ito na yun eh, yung gusto nyang mangyari. Alam nya na hindi sya susundin ni Edward. Kailan ba ito sumunod sa gusto nya? Kaya walang nangyayaring pagkakasundo sa buhay nila kasi ayaw nilang magparaya sa sitwasyon. Wala silang pakialam kung pareho silang nahihirapan basta masunod ang kagustuhan nila.
BINABASA MO ANG
CHANCES
Любовные романыAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"
