Chapter 34: Saan Ka Sasaya?

3.9K 15 6
                                        

"Sa . . .  san mo ako dadalhin?" sambit nya ng makita nya si Edward na humatak ng kanyang braso.

Imbes na sagutin sya ng lalaki ay hinigpitan nito ang pagkakahawak sa mga braso nya. Natatakot sya sa kung anong pwedeng gawin nito sa kanya. Dinala sya nito kun saan nakapark ang kotse nito. Gusto nyang bumitaw mula sa pagkakahawak na lalaki ngunit hindi nya nagawa. Tuwing gumagawa sya ng paraan para makabitaw ay lalong humihigpit ang hawak nito. Lalo lamang syang nasasaktan.

Binuksan ni Edward ang passenger seat. At buong lakas syang itinulak para makapasok sa loob ng kotse. Umayos sya ng upo, wala na rin naman syang magagawa. Kaya hindi na din sya umalis mula sa pagkakaupo nya. Hahayaan na lang nya ang gustong mangyari ng lalaki.

Tutal ay mukhang hindi rin naman magtatagal kung ano man ang pag-uusapan nila.

Inantay nyang sumakay sa passenger seat ang lalaki. Tahimik lamang sila. Walang may gustong magsalita. Hindi nya na rin natanong kung saan sila pupunta. Mukha rin namang wala itong balak sabihin kung saan sila pupunta.

Ang seryoso kasi ng mukha ni Edward.

Sa destinasyon na tinatahak nila ay parang alam na nya kung saan ang tungo nila. Dito nangyari ang pinakamasayang araw nila ni Edward. Na naniwala sya sa bawat pangako.

 Sabi nya noon. . . sigurado sya na ako ang gusto nyang makasama habang buhay. na gusto nyang makasama ako hanggang sa pagtanda. Pero anong nangyari?

Bakit nag-iba na sya ng plano?

Nakakainis isipin na kaya lang sya sunud ng sunod ay dahil naguiguilty sya. Nagi-guilty sya sa isang bagay na hindi totoo. At sa isiping yun ay lalo lang siyang nasasaktan kasi alam nya na hindi yun para sa kanya. Hindi yun pagmamahal na katulad ng nararamdaman nya. Isa lamang itong AWA.

AWA para sa mkagaya nya nauto sa mga pangakong walang kasiguraduhan. Hindi na ba talaga magbabago ang puso nya.? GInawa nya lang akong panakip butas. Ngayon na nagbalik na ang mahal nya basta basta na lang sya nitong iiwan. Kung mahal pala siya ni Alice bakit hindi nito agad nalaman. Hinayaan lang nito na madamay sya sa problema nila.

"Sorry Tin" nagbalik sya sa katinuan ng magsalita si Edward at hawakan nito ang pisngi nya. He wipe her tears. 

Umiiyak na pala sya ng di nya alam habang nakatingin sa kasama. Agad nyang tinabig ang kamay ng lalaki para punasan ang sariling luha.

"San mo ba ako dadalhin?" tanong nya habang nakatingin sa bintana at tinatanaw ang mga tanawin na nadadaanan nila. "Alam mo din ba na hindi maganda yung ginawa mong pagtulak sa akin? Gusto mo ba talagang may mangyaring di maganda para mawalan ka na na ogligasyon. Iuwi mo na ako sa bahay" dagdag nya .

Alam nya na mali ang ginagawa nyang pagsisinungaling pero kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam nya kapag alm nya na nasasaktan nya si Edward kahit kasinungalingan pa ito. Kahit papaano napapaniwala nya ang sarili na nag-aalala sa kanya ang lalaki. Pero lahat ng iniisip nya mali at hindi totoo. Minsan nga akala nya ay nababaliw na sya kakaisip. Gusto nyang madivert ang sarili . Yung hindi sya nag_iisip ng problema. Kung pwede lang na ibalik nya ang oras.

Inihinto ni Edward ang sasakyan. at tiningnan sya nito ng seryoso. Kung noon ay napakadali para kay Edward ang mga nasa isip, ngayon ay hindi na nito maintindihan ang mga nasa sa isip nya. Marahil sa sobrang dami ng tumatakbo sa utak nya ay hindi nya na ito mabasa.

"Ang laki ng kasalanan ko sayo. . .Ni hindi ko nga alam kung saan ko sisimulan ang mga pagkakamali ko para itama ito. Naging makasarili ako. Hindi ko naisip ang mga mararamdaman mo. Pero Tin minahal kita. . . nung niyaya kitang magpakasal totoo lahat yun. Akala ko nakamove on na ako kay Alice. . .dahil kapag nariyan ka tinulungan mo ako na makalimutan sya. Nakakaramdam ako ng selos kapag nakikita ko na may kasama kang iba. Gusto kong makasama ka lagi. Hindi kumpleto ang araw ko kapag di kita nakikita. Akala ko yun na ang sign na nakamove on na ako pero hindi pala. mas matimbang pa din sya. Pinilit ko namang paglabanan an nararamdaman ko. pero di ko kaya"

Napatingin sya kay Edward umiiyak ito?

May posibilidad nga ba na minahal talaga sya ni Edward?

"Naghiwalay na kami ni Alice, bumalik na sya sa States ngayon. Sabi mo sa akin noon na alamin ko kun ano ang gusto ko. Tin . . . alam ko na ang gusto ko ngayon. Pwede pa naman tayo di ba? Gusto kong mabuo ang pamilya natin. Ayokong lumaki syang kagaya ko. Aayusin natin ang buhay natin. Magiging masayang pamilya tayo. Hindi ko sinasadya na mahalin kita noon. Kaya maaari pa na bumalik tayo sa dati . . . please Tin, isa pang chance"

"Pero Edward. . . Hindi tayo pwede . . ." naguluhan sya sa mga sinabi ni Edward.

Bakit sya nakipaghiwalay kay Alice? Hindi naman nya inakala na seseryosohin ni Edward ang sinabi nya. Mahal nila ang isat isa. Hindi sila pwedeng maghiwalay dahil sa batang hindi naman nag_eexist.

"Huwag kang mag_alala, sigurado na ako ngayon sa gusto kong mangyari"

"Pero. . . hindi . . . a . . .ko . . ." sasabihin na sana nya ang totoo, pero parang may bumara sa lalamunan nya at hindi nya masabi ang totoo.

Natutunan nya naman akong mahalin noon di ba? Kaya kaya kong mabalik pa din kami sda kung anu ang meron kami. Hindi ko na ito papalampasin pa. 

Ngunit sa isang parte ng utak niya aysy nagsasabing mali iyo at kailangan na niysng umamin. Kung patatagalin pa niya ang pagsisinungaling ay mas lalo lamang na lalaki ang problema.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon