Chapter 51: Problema?

2.2K 34 5
                                    

"Nasaan ka na ba?" tanong ni Edward sa kanya sa kabilang linya.

Nakasakay si Kristine ngayon sa kanyang kotse at binabagtas ang daan papuntang opisina nina Edward. Usapan nila na sabay silang magla-lunch ngayon. Isinama kasi ng lalaki ang anak nila sa opisina.

"Malapit na ako" sagot nya na nakatingin pa din sa daan.

"Ang tagal mo naman hon, inip na kami ni Yuan" reklamo na naman ng kausap.

"Psh . . . Uulitin ko na naman ba ang rason ko?"

"Oo na" matamlay na sagot ng kausap "may unexpected na client ka"

"Alam mo naman pala. Sige na abala ka masyado bye."

Niclick nya ang end button at tinanggal ang headset sa tenga nya. Nagfocus sya sa pagmamaneho.

"Good afternoon Ma'am Kristine" bati sa kanya ng mga empleyado ni Edward pagkadating nya sa building ng kompanya ng lalaki.

Nginitian lang niya ang mga ito. Hindi niya magustuhan ang pagpunta-punta nya sa opisina ng lalaki. Pakiramdam nya ay lagi siyang napapagtsismisan kahit wala naman siyang naririnig sa mga empleyado.

"Good afternoon Ma'am Kristine, pasok na po kayo. Kanina pa kayo inaantay ni Mr. Mendoza sa loob" sabi ng secretarya ni Edward ng makita sya.

Tulad ng ginawa nya kanina ay nginitian lang niya ito. Saka tuloy tuloy na pumasok sa loob ng opisina ni Edward.

"Wow fiesta" laking gulat nya ng makita ang napakadaming pagkain na nasa may center table ng sofa.

Ibinaba ni Edward si Yuan sa crib nito saka humarap sa kanya ng nakangisi.

"Hindi ka kasi nagbreakfast kanina kaya ayan madami yung inorder ko para sayo" umupo siya sa may sofa at tiningnan ang mga pagkain. Sisig, kare-kare, inihaw na bangus.

"Bibitayin na ba ako? Parang huling hapunan lang ah." muli siyang tumayo upang pumunta ng banyo at maghugas ng kamay.

Bago sya umupo ay sinilip nya muna si Yuan na natutulog.

"Anong ginawa ngayon ni Yuan?" tanong nya kay Edward na pinaglalagay sya ng kanin sa plato.

"Makulit pa din. Walang kapaguran sa paglalaro."

"Nasaan yung plato mo?" tanong nya ng mapansin na iisang plato lang ang nasa mesa.

"Kumain na kami ni Yuan kanina. Kaya ikaw na lang ang papakainin ko" ngumisi ulit ito na nagpataas ng kilay nya.

"Pinapunta mo ako dito para panuodin akong kumain ng lunch mag-isa?"

"Syempre hindi. Magmemeryenda ako habang ikaw kumakain ng lunch mo" nakangisi pa din ito mas lalo pa nyang itinaas ang kilay nya.

Tumayo si Edward mula sa pagkakaupo at lumabas ng opisina. Ilang minuto din itong nawala at ng bumalik ito ay may dala siyang paper bag na may nakadrawing na logo ng Jolibee.

Napailing siya ng malaman nya ang nasa loob nito kahit hindi pa nito nakikita ang laman noon. Takte lang ayaw na nya magrice.

"Kain na tayo?" abot tainga ang ngiti nito ng umupo muli sa tabi nya.

Hindi nya mapigilan ang mapalunok ng makompirma nya ang loob nito.

Jollibee Champ. Kitang kita nya ang kamatis na nakapalaman dito. Takte lang parang patay gutom lang ang peg ng binuksan ito ni Edward. Gusto din nya nun pero iisa lang ang binili ni Edward. Ni hindi man lang ito bumili ng dalawang champ para meron din siya.

"Kain na hon? May meeting ka pa ng 5pm di ba?" waaah kinagat na nya ang champ.

"Wa-wala akong gana kumain" napailing siya nakakaasar. Coffee plus champ equals to heaven. Wala syang gusto kainin kundi champ lang.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon