Ngayon ang araw ng ang kasal nina Andrew at Kristine. Hindi na siya makausap ng matino ng kanyang hair stylist at make up artist. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa din siya makapaniwala na ngayon na ang araw na pinakahihintay nya.
Si Andrew ang kauna-unahang lalaki na kanyang minahal. Hindi man ganun katagal ang kanilang pagsasama bilang magkasintahan ay ramdam nya na sapat na ito para makasama ito habang buhay.
"Tin tin tayo ng pumunta sa simbahan" sabi ng kanyang ama na kakapasok lang ng kanyang silid. "...ang ganda naman ng bunso ko" nakangiti ito ng makita ang suot niyang damit pangkasal.
Galing sa off the rack wedding botique ang suot ni Kristine. Off shoulder ang wedding dress ang kanyang suot balloon type ang kanyang skirt na may mahabang laylayan sa likod. Ang kanyang buhok ay nakabraided bun may tiarra din itong suot sa ulo. Para siyang isang prinsesa.
"Thank's Tay" ngiti naman nitong sagot sa ama saka ipinulupot nya ang kanyang kamay sa braso ng ama.
Naglakad sila palabas ng silid. Nawala ang kanyang kaba ng makatabi ang ama. Alam nya madami silang hindi pinagkakaunawaan ng ama. Sino nga bang magulang ang hindi sasakit ang ulo sa anak na tulad nya. Bata pa lamang siya ay anti-social na siya.. Hindi siya ang tipo na pasaway na madalas ay ginagawa ng mali. Ang mga bagay na ayaw ng tatay niya na gawin nya ay pilit nyang ginagawa. Ang pagiging working student nya since 2nd year high school. Galit na galit sa kanya ang tatay nya noon dahil mas gusto nya na mag-aral lang ito. Pero minabuti nya na magtrabaho. Hindi siya tumitigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto.
Mahirap sila noon at hindi sya ang tipo ng tao na tatanggapin na lang ang tadhana nyang maging mahirap. Nang makatapos sya ng paag-aaral halos hindi na sila mag-usap ng kaniyang ama. Mag-uusap lang sila kapag pinipilit sya nito na makipagdate o kaya naman ay lasing ito. Kahit ganoon ay mahal pa din nila ang isa't isa.
"Anak" tawag sa kanya ng ama. Nasa loob na sila ng bridal car papuntang simbahan.
"Hmmm?!" sagot naman nya na napatingin pa sa ama na mukhang tensyonado.
Napangiti sya sa ekspresyon ng ama. Halatang halata na ninenerbyos ito. Pero hindi na din sya magtataka dahil ang dalawang kapatid nya na babae ay hindi naman pinaalam na ikinasal sila dahil sa takot sa ama. Iba ang ugali ng tatay nila mataas ang standard at napakahirap iplease, sanay na din naman sila.
"Kristine Tan sa oras na pumasok ka sa loob ng simbahan. Ibibigay na kita kay Andrew" pinilit nitong ngumiti saka inayos ang tie. "Maging mabuti ka sa magiging asawa mo. Tulad ng pagiging mabuting anak mo sa amin ng nanay mo" hinawakan nito ang kanyang kamay.
Niyakap nya ang kanyang ama. Halos mapalundag nga ang puso nya ng sabihan sya na mabuting anak daw sya. Ito ang unang beses na pinuri siya ng Ginoo . Kadalasan, sinasabi ng tatay nya sa kanya isa syang 'alibughang anak na masama ang ugali'
"Minsan ko lang itong sasabihin sayo Tin tin. Ipinagmamalaki talaga kita"
"Tay naman hindi pa po ako nakakababa ng sasakyan papaiyakinmo na agad ako sayang ang make up"
***
Nagsimula na ang seremonya ng kasal. Lumakad si Andrew papunta sa altar, nakasuot ito ng puting tuxedo. Ilang sandali pa ay nagsimula na ring maglakad sa aisle ang mga abay sa kasal. Matapos ng paglakad ng flower girl ay biglang bumukas ang pintuan ng simbahan.
Kristine stand there for a moment. Wearing a simple but elegant wedding dress. Ninenerbyos sya na sobrang saya, mixed emotions nga yata ang tawag dito.

BINABASA MO ANG
CHANCES
Storie d'amoreAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"