Chapter 7 : Friends?

5.6K 47 1
                                    

"Eh kung umaalis ka na lang kaya sa bahay ko para walang gulo" sigaw ni Kristine dahil sa sobrang asar. Itinaas nito ang kamao, nais niyang suntukin si Edward, nahawakan ito ng lalaki.



"Huwag ka ngang sumigaw" hindi pa din nito binibitiwan ang kamao ni Kristine. "... Nakakasakit sa tenga yang boses mo ang aga aga nagbubunganga ka tss" sabay bitaw sa kamao nito



"Eh bakit ka ba kasi nandito sa BAHAY ko?" ipinagdiinan pa nito ang salitang bahay.





"Nandito ako dahil inalagaan kita magdamag, hindi pa ba obvious Miss Tan?" inilapit muli nito kay Kristine ang mukha nya.





Pinamulahan naman ng mukha si Kristine na parang nailang, kaya iniwas na lang nya ang kanyang tingin sa mukha ng kasama. Lagi na lang kumukulo ang dugo niya sa lalaki. Para itong demonyo sa paningin niya. Hindi niya pa makalimutan ang pagnanakaw nito ng first kiss nya idagdag pa ang pagyakap nito sa kanya sa bar. Kapag malapit siya sa lalaki ay nai-invade nito ang kanyang personal space.




Tulad ngayon, gumising siya na katabi niya sa higaan ang lalaki. Dahil sa lagnat ay wala na siyang maalala pa. Nagagalit siya dahil pumasok ito ng walang pahintulot sa kwarto niya. Hindi naman niya kailangan ng tulong.




"Eh, bakit ka nakahiga sa  kama ko?" deretsong sagot ni Kristine, na naiilang pa din. Kung inalagaan siya, dapat ay alaga lang bakit may pagtabi pa sa kama.




Hindi pa nga siya nagkaka-boyfriend, kinukuha na ng lalaking ito ang mga first na dapat sa magiging future boyfriend niya.




"Ingay mo" hinawakan pa nito ang baba ni Kristine at ngumisi na parang nakakaloko.




"Ano nga?" sabay tulak nito. Ilang na ilang pa din ito. Ngayon lang sya nakaencounter ng taong siraulo.





"Ayaw nga kasi kita iwan, paano kapag na-dead ka, tapos minulto mo ako dahil nagpatay malisya ako na hindi ko alam na may sakit ka" bumangon na si Edward sa kama, ayaw na makipagtalo. ". . . dapat nga nag-thank you ka lang," ngumiti ito sabay gulo ng buhok nya.





"Ayaw ko ng ginagawa mo" bumaba na ang boses ni Kristine, nangingilid na ang mga luha. "Hindi ako sanay na may malapit sa akin na lalaki. Natatakot ako, hindi pa man ako nagkakaboyfriend kinukuha mo na yung mga first na dapat ibigay ko sa kanya" tuluyan na itong napaiyak, sinabi niya ang nasa isip. "Doon lang tayo sa kung anong relasyon natin, tenant - landlord. Walang ganito please"




Tiningnan siya ni Edward, nagtataka. Sumobra na ba siya? Gusto lang naman niya ng may makausap. simula ng dumating siya sa Pilipinas ay lagi siyang mag-isa. Ayaw naman niyang makipagkita sa mga kaibigan dahil maaalala lamang niya ang gusto niyang kalimutan.




Lumapit siya kay Kristine, tinapik-tapik ang balikat, " Sorry na, gusto ko lang naman makipag-kaibigan sayo. Wala akong mapuntahan, lahat ng kaibigan ko alam ang sitwasyon ko at ayaw ko na iyong maalala."




Naalala niya ang pag-iyak ni Edward sa bar. Masakit siguro ang mabroken hearted, ayaw niya iyon maranasan. Pinunasan niya ang mga luha gamit ang kamay at tumingin sa lalaki. Kita ang sinseridad  sa mukha nito. Ngayon lamang niya napagmasdan ang mukha ng tenant. Gwapo, may pagka-tan skin, matangos ang ilong, ang mata ay nakakabighani, ilang beses na siyang nalunod sa mga ito. Ang labi? Iniwas niya ang tingin sa lalaki, naalala na naman niya kung paano nito nakawin ang mga labi nito.




"Ayaw kong makipag-friends sayo" tanggi niya.


-*-


Nang sumunod na araw ay masama pa din ang pakiramdam ni Kristine. Pakiramdam niya ay hindi sya marerelax sa bahay. Kaya agad syang nag-ayos ng sarili. Balak niyang ubusin ang oras sa trabaho. Ayaw na din niya magstay ng matagal sa bahay, nasasawa na siya sa food delivery.



"Hi Ms. Tan, san ka pupunta?" sabi ng pamilyar na boses na na nasa likuran niya, matapos niyang ilabas ang sasakyan sa garahe. May dala itong supot na kulay brown.




Huminga ito ng malalim at isinara ang gate. Ang aga pa, para sagadin ang pasensya ko. Nang makalapit ito sa kanya ay binigay nito sa kanya ang supot na hawak, mainit pa. Tinaasan niya ito ng kilay. Aanhin niya ang pandesal?



"Para hindi ka magutom sa daan" ginulo pa nito ang kanyang buhok bago umuwi ng bahay.



Ginugol niya ang oras sa pagbisita sa mga shop niya.




Nang sumapit ng alas singko ng hapon ay umuwi siya ng bahay nila, para icheck ang mga magulang. Kukunin din nya kasi ang mga grocery list na kailangan bilin para sa buong linggo.




"Tita Tin, sama ako maggrocery, ha" sabi ni Maggie na hawak na naman ang kanyang celfone. Nakahiga na naman ito sa sofa, pangiti-ngiti na naman.


"Maggie, maiwan ka na dito. May ipapabili ka na naman sa tita mo kaya ka gumaganyan. Dito ka na lang at mag-aral ka hindi yang puro text ang ginagawa mo dyan." wika naman ng nanay ni Kristine sa apo.

"Lola naman eh, " nagpout pa ito sabay sabing "...duon na nga lang ako sa kwarto ko, ang dadamot nyo" nagbelat pa ito sa lola at tita, umakyat ng hagdan.

Bigla naman syang sinigawan ni Kristine "Huwag ka nang magdrama Maggie, isasama kita bukas para magtigil ka ng spoiled bratt ka"


Bigla bigla namang bumalik si Maggie na nakangiti na, doon tayo sa mall maggrocery ha" Ang bait talaga ni Tita," sabay yakap.


"Kristine, ha sinasanay mo yang batang yan, kaya lumalaking tamad yan eh." ang Nanay ulet niya.


"Hayaan na natin Nay, ang importante masaya sya. "

Matapos nyang maligo ay nagdrawing siya ng webtoon hanggang alas tres ng madaling araw. Kaya naman alas diyes ng umaga na siya nagising. Nang lumabas siya ng kwarto ay wala na ang mga magulang niya, tanging si Maggie na lang ang natira. Tulad ng dati nagtetext na na naman ito at nakahiga sa sofa.

Sinita na niya ang pamangkin, "May boyfriend ka na ba, matagal ko ng napapansin na  wala ka ng ginawa kundi ang magtext."

Napaayos ng upo ng dalagita, "Wala ah, palibhasa ang alam mo lang nagtetext kapag may hawak ng celfone. Nagbabasa lang ako ng ebook"



"Pasok. . .pasok" napalingon si Kristine sa boses ng ama na bagong dating, may bisita sila. "huwag kang mahihiya, parang bahay mo na ito." dagdag pa nito n hindi man lamang sila napapansin, nakatalikod ito sa kanila.




Isinandal ni Maggie ang ulo sa sandalan ng sofa matamlay na tiningnan ang bisita, habang siya ay lumapit sa ama para tulungang mag-estima ng bisita.



"Oh?!" halos magkasabay sila ng sabi ng bisita



"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kristine sa bisita, kapapasok lang sa loob ng bahay.



"Magkakilala kayo?" tanong ng ama na nagpabalik-balik ng tingin sa kanila.



"Tatay, kaibigan yan ni Kuya Chron, si Edward."












CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon