Chapter 42 : Dont Wanna Try

4.1K 21 4
                                        

"Kailan ba ang balik ng Boss nyo?" yamot na tanong ni Edward sa isa sa mga empleyado ng resort.

Tatlong araw na ang nakalipas ng huli silang magkita ni Kristine. Yun pa ang araw na sunduin ito ng biyenan daw.

Naglakad-lakad na lamang siya sa dalampasigan. Nasasawa na rin kasi siya sa sagot ng mga tauhan ng babae. Wala man lamang siyang makuha na matinong sagot.

"Sir, nasa bakasyön pa kasi si Ma'am Kristine."

"Hindi pa daw po siya pwedeng bumalik sa trabaho sabi ng biyenan nya"

"Bawal po istorbohin si Ma'am Tin, yung manager na lamang po ang kausapin nyo."

Ilan lamang ito sa mga idinadahilan sa kanya ng mga ito. At sa tingin na nga niya ay hindi na siya siniseryoso ng mga empleyado sa resort. Dahil paulit-ulit na ang mga tanong niya. Nagmumukha na siyang gago sa mga pinaggagagawa niya at mga tanong nya.

Ang laki kasi nyang gago . . . Hinayaan nya na mapunta si Kristine sa Edward na yun. Ngayon tuloy lumalabas na ang anak nya ay pag-aari na ng iba.

Ang gulo ko kasi . . .

Gustung- gusto na niyang makausap si Kristine sa sitwasyon nila. Huli man siya na mabawi ang babae, kailangan naman nyang ipaglaban ang karapatan nya bilang ama ng kanilang anak.

"Mr. Mendoza" napalingon siya sa babaeng tumawag sa kanya.

"Bakit?" tanong niya na salubong ang kilay.

"Pinapabigay po ni Ma'am Kristine" napatingin siya sa paperbag na inabot sa kanya ng babaeng empleyada sa resort.

Wow, matutuwa ba siya? Dahil naaalala siya ng babaeng hinihintay nya. Hindi ito ang gusto nya tss. . .

"Salamat . . . Nandyan na ba siya?" muli niyang tanong, kahit paano ay nabuhayan siya.

Nakaramdam siya ng init na nagmumula sa loob ng paper bag. Siguro ay pagkain ang laman nito, isip niya.

"Wala pa po, pinadala lang po yan sa driver, sige po alis na po ako"

"Sandali . . ." pigil nya sa babae, " . . . samahan mo naman akong kainin 'to pwede?" yaya nya dito na itinaas pa ang hawak na paperbag.

Pumayag naman ang babae. Pumunta sila sa isa sa mga restaurant ng resort at doon naupo. Inilabas niya ang pagkain na ibinigay sa kanya ni Kristine. Hindi nya rin naman ito mauubos dahil marami ang pagkaing ipinadala nito sa kanya. Umorder na din siya ng kape para sa kanya , at ipinag-order niya rin ng iba pang makakain ang kasama.

Beef brocolli . . . Napangiti siya ng mabuksan ang tupperware. Mas maganda na kasi ang itsura ng pagkaing nasa harap nya ngayon. Kesa nung mga panahon na tinuturuan niya itong magluto.

"Malapit lang ba sa resort ang bahay ng biyenan ng Boss nyo?" tanong ni Edward sa babae na isinubo na ang pagkaing niluto ni Kristine.

"Opo, sir Mendoza" sagot muli ng babae sa kanya na tuloy lang sa pagkain.

Mukhang sanay na ito sa pagluluto ni Kristine at tuloy-tuloy lang itong kumakain.

"Kapangalan nyo po pala ang asawa ni Ma'am Tin"

Awtomatikong napakuyom ang mga palad nya.

Kung sakaling makikita niya ang Edward na yun. Tiyak na lantang gulay na ito bago nya tigilan.

Tango na lang ang naisagot nya. Tiningnan niya ang babae habang kumakain. Nawalan na kasi siya ng ganang kumain. Lalo pa at maisip lang niya na laging ipinagluluto ni Kristine ang Edward na yun. Tss . . .

"Pwede ko bang malaman ang address ng biyenan nya?" tanong muli niya.

Napahinto sa pagkain ang babae.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon