Dalawang linggo din bago nakabalik ng bahay nila Kristine si Edward. Sinigurado kasi nito na wala na itong virus upang hindi mahawa ang kanilang anak.
Inis na inis pa nga siya ng gabing bumalik si Edward sa bahay nila dahil parang fiesta sa dami ng pagkain at may bisita pa. Si Jessica at si Chron. Ang iingay ng mga ito at nagkaroon pa ng konting inuman kaya mas lalong umingay ng nalasing ang tatay nya.
Hindi na sya nakihalubilo sa mga ito sapagkat kahit na nakipagbati na sya kay Edward. May pakiramdam sya na anumang oras ay baka may gagawin itong kakaiba. Assumera na kung assumera ngunit, di ba gusto ni Edward na maging TAYO ulit sila kaya malamang baka magsimula na muli itong suyuin at ligawan sya.
Kaya ngayong nandito na uli si Edward sa bahay nila ay hindi nya mapigilang hindi mag-expect at makapag-muni-muni ng mga posibleng mangyayari. Isa lang naman ang plano nya. Kailangang pahirapan nya ito at ipaintindi rin na hindi sila pwedeng magtuloy sa TAYO. Di ba nga iiwasan na nya yung love na walang idinulot sa kanya kundi ang sakit.
Napailing sya sa pumapasok sa utak nya. Naeexcite sya sa mga da moves na maaaring gawin ni Edward at may pa hard to get pa syang nalalaman pero ang ending ayaw nya dn pala.
Obvious naman na pagdating kay Edward naaaning sya at hindi sya makapagdecide agad kung ano nga ba ang gusto nyang gawin. Kakaiba talaga ang epekto ng lalaki sa kanya.
*********************
Nang mga sumunod na araw ay pilit siyang umiwas kay Edward. Kahit nasa iisang bahay sila umuuwi at hindi maaaring hindi sila magkitaan sa loob ng bahay ay siya pa din ang gumagawa ng paraan para hindi sila magkausap. Maaga syang natutulog o di naman kaya ay kunwaring may kausap sa phone o may ginagawang trabaho sa bahay. Kaya sa tingin nya kapag nagtatama ang mata nila ng lalaki ay parang ito na mismo ang umiiwas.
Para sa kanya ay mas maganda ng set up ang nangyayari, iwas sa sakit ng puso nya. Tutal para din namang nakalimutan na ni Edward ang mga sinabi nito ng maysakit ito. O baka naman galit ito sa kanya? May nasabi yata siyang hindi maganda? Ayun nagdadalawang isip tuloy siya dahil mukhang ginawa na naman siyang uto-uto ng lalaki.
Lumipas pa ang dalawang linggo ng hindi nila pagkikibuan sa loob ng bahay. Nagtataka na din ang mga magulang ni Kristine pati na din si Maggie at ang nanay ni Edward sa naging silent treatment ng dalawa. Gusto nilang magtanong sa kanila ngunit walang naglakas ng loob dahil parang magkaaway nga ang dalawa sa paningin nila. Ang nasa isip nila mas mabuti na ang silent war kesa naman sa maingay at biglang may lumilipad na mga bagay sa loob ng bahay o di kaya ay nagkakasakitan ang mga ito.
Naging awkward ang buong bahay sa nangyayari sa kanila. At dahil nga sa hindi maipaliwanag ng mga kasama nila sa bahay ay nagpasyang magliwaliw muna ang mag-asawang Tan at si Maggie sa mall. Araw yun ng Byernes at isinama ni Kristine si Yuan sa flower shop.
Ngunit nahihirapan naman si Kristine sa pag-aalaga ng anak kahit may katulong ito sa pag-aasikaso kay Yuan. Mukhang may sumpong kasi si Yuan at wala na itong ginawa kundi ang umiyak at hindi malaman ang gusto. Maghapon na nyang karga ang anak dahil sa ayaw nitong magpababa.
Pati ang anak nya nakikisabay sa pagkatopak kay Edward.
"Good afternoon ladies" napalingon siya sa taong biglang pumasok sa flower shop.
Napadpad yata sa lugar nya ang taong kinababadtripan nya. Ano 'to matapos ng matagal na walang usapan eto sya at bigla biglang dadating sa shop nya na todo ngiti. Asar.
"Baby ko." tawag pa nito kay Yuan at mas unang binati ang anak nila na kasalukuyang nakahilig ang ulo sa balikat nya at salubong ang kilay.
Ni wala nga yata itong balak na batiin sya. Parang di sya nag-eexist.
BINABASA MO ANG
CHANCES
Storie d'amoreAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"
