Tahimik lang si Kristine habang nakasakay sa sasakyan ni Andrew. Gusto man niyang magback out sa kagustuhan ng ama, ay hindi niya magawa. Madaming beses na itong nangyari. Kung hindi ang tatay niya, ang nanay naman o kaya ay ang kapatid niyang babae. Lagi na lang siyang isine-set ng date ng mga ito.
Naawa ba sila sa pagiging single ko?
"Ilang oras lang to Kristine, kaya relax" bulong nito sa sarili. Napabuntong hininga pa siya ng malalim.
"Are you okay Kristine?" tanong ni Andrew habang nagdadrive, narinig siya nito n bumubulong sa sarili.
"Uhm, oo. . . okay lang ako. Medyo kinakabahan lang lang na nahihiya, alam mo na " ngumiti pa siya ng peke.
"Sorry nga pala, obvious naman na napipilitan ka lang na lumabas tayo" si Andrew. "...dont worry this is just a friendly date" sinulyapan siya nito saglit at bumalik din ang tingin sa harapan.
"Paano ka pala napapayag ng tatay ko? Sa gwapo mong iyan mukhang hindi mo na kailangan pa ng blind date." pagbabago niya sa usapan. Halata sa mukha niya ang pagtutol sa date na ito.
Imbes na nasa opening siya ng shop nya ngayon ay mas nauna pa ang pagde-date sa taong nirereto sa kanya ng ama. Wala naman siyang magagawa. Sermon ang aabutin niya kung tumanggi siya. Hindi kasi siya tinitigilan ng magulang kapag may husto ang mga ito na ipa-blind date sa kanya.
Napatawa si Andrew. " Napilit din kasi ako ng parents ko, Noong mga bata pa tayo sinabi ko sa Tatay mo na paglaki ko, ikaw yung pakakasalan ko," napatingin bigla ang dalaga sa sinabi niya dahil wala naman siyang naaalala. Nakatingin lang ang lalaki sa kalsada, busy sa pagdrive . "Kaya nung nalaman nila na single ako ngayon nasabihan ako na magkita tayo, baka daw may pag-asa tayong dalawa"
Nag-init ang kanyang pisngi, napayuko siya sa hiya. Iniisip pa lang niya ang nangyari noong kabataan nila (kahit hindi maalala) ay paniguradong umaasa ang magulang niya na magkakaroon ng bunga ang meeting na ito.
"Ikaw kaya ang first crush ko," dagdag pa ni Andrew na napapangiti na parang inaalala ang mga pangyayari noon.
Natahimik si Kristine, hindi niya alam kung anong isasagot. Iba kasi ang ka-date nya ngayon kaysa sa mga dating ipinadate sa kanya ng parents nya. Magkaibigan ang mga magulang nila, malamang na may mga alam na chismis ito tungkol sa kanya.
Napansin ni Andrew na hindi kumportable si Kristine sa sinabi niya kaya naman binago niya ang usapan.
-*-
Nagpunta sila sa isang sikat na restaurant. Matapos nilang mag-order ng steak ay nagkaroon ng mahabang katahimikan nagpapakiramdaman sila kung sino ang unang magsasalita.
"Wala ka bang balak magtrabaho sa ibang bansa" basag ni Andrew sa katahimikan.
"Hindi ko alam eh. Hindi kasi sumagi sa isip ko ang mag-ibang bansa, ayaw ko kasi ng inuutusan sa trabaho," pag-amin nya. "ikaw may balak ka pa bang bumalik sa US?"
"Depende, pero kung ako ang masusunod gusto ko na muna dito. Ten years na din ako doon, ang dalang ko pa umuwi. Ang mga classmate ko nga noong high school dito ay may mga sarili nh pamilya, parang napag-iwanan na ako" sabi ng lalaki matapos iabot sa kanya ang plato ng steak na kaka-slice lang nito.

BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"