Tahimik sila sa loob ng kotse. Si Edward, diretso lang sa pagdrive samantalang si Kristine naman ay nakatingin sa may bintana para tanawin ang mga nadadaanang lugar. Napansin nya na hindi lumiko si Edward sa lugar ng bahay nila. Tiningnan nya ito, ngunit hindi nya maarok ang tumatakbo sa isip ng lalaki. Kaya minabuti na lamang nya na tumahimik at hayaan si Edward sa gusto nitong gawin.
Malayo na sila sa bahay nila. Maya ay tumingin sya sa wrist watch nya at napansin na 12am na. Dahil hindi din naman nya alam kung saan sila pupunta ay pumikit na lang sya para umidlip sandali.
Riiingg... Ringgg...
.
..
...
....
.....
After 3 minutes...
.
..
...
....
.....
Riiingg... Riiinnggg...
Kinapa ni Kristine ang celphone nya na nasa loob ng bag na katabi nya.
"Hello, Kristine Tan speaking, who's on the line" sagot ni Kristine na nakapikit pa ang mga mata na halata pang bagong gising.
[Bakit hindi ka umuwi kagabi? Nasaan ka ba? At mukhang kakagising mo lang. Tanghali na] sabi ng nasa kabilang linya.
"Ta-tay s-sa townhouse ako natulog" sagot naman ni Kristine na mukhang naguluhan bigla.
Nang maimulat nya ang mata nya ay napansin nito na wala sya sa townhouse. Kulay teal ang pintura ng silid, hindi nya alam kung nasaan sya. Napabangon ito sa pagkakahiga sa kama. Pilit nya inalala kung ano ang nangyari kagabi. Ang natatandaan lang ay kasama nya si Edward. Ngayon lang nito napagtanto na hindi pala sya inihatid sa bahay nito. Pero biglang sumagi sa isip nya kung nasaan na nga ba sya dinala nito. Hindi naman sa praning sya pero tiningnan pa din nya ang suot nya at umiling na parang nagsabi sa isip nya na imposible yung iniisip nya.
[Ano bakit ba hindi ka naimik? umuwi ka na ng bahay nag-aalala na ang nanay mo. Akala nya nakipagtanan ka na kaya Andrew]
"Tay naman hindi na kayo nasanay sa akin. Ang tanda ko na para sa tanan na yan noh. Sige na may meeting pa ako, bye Tay" sabay off ng phone.
Dali-dali itong tumayo at lumabas ng kwarto. Napawow naman ito sa laki ng bahay na kinaroronan nya.
"Bahay ba ito? Bakit ang laki naman yata" nagpalinga linga ito sa paligid hanggang sa nakita nya ang hagdanan pababa. "...ang yaman siguro ng nakatira dito. Sabi pa nito habang pababa ng hagdanan.
Saan ba ako dinala ni Edward?
Lakad lang sya ng lakad. Kakalibot sa buong bahay. Gandang ganda siya sa buong bahay.
"Kung ako siguro ang titira dito. Ang yaman ko siguro."
Lumabas siya ng bahay hanggang sa naisipan nya na tawagan si Edward, na dapat sana ay kanina nya ginawa. Kinuha nya ang phone nya na nasa loob ng bag at saka nagsimulang tawagan si Edward.
"Talaga naman, nagpalit ba sya ng number, cannot be reach na naman. Wag nya sabihing iniwan nya ako dito" sabi nya sa sarili nya.
"Gising na po pala kayo, ma'am"
Napalingon siya sa likuran nya. Isang may edad na babae na sa tingin nya ay edad kwarenta ang nagsalita.
"Good morning po, nasaan po ba ako?" tanong naman ni Kristine sa matandang babae.

BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"