"Kristine gising na" napamulat siya ng mata ng madinig ang boses ng ina.
Anong oras na ba?
Tumingin siya sa may side table ng kanyang kamA kung saan naroon ang isang malit n alarm clock. Six-thirty na pala. Ang haba naman ng itinulog ko? Dahan-dahan siyang naupo mula sa pagkakahiga. Ginulo niya ang buhok gamit ang dalawang kamay.
Simula ng magkaroon ng gulo sa pagitan nila na ni Edward ay ngayon na lang ulit siya magkaroon ng payapa at mahimbing na tulog. Tahimik siyang nakaupo sa kama na wari ay may malalim na iniisip. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari ng nagdaang gabi.
"Mahal na mahal kita Mommy Tin. Sorry kung matagal kong narelized na ikaw ang mahal ko. Sorry kung lagi kitang itinutulak palayo. Pagkatapos ay hihilahin pabalik. Nabulag ako sa nakaraan ko noon. Pero ngayon sigurado na ako. One last chance lang Tin, kahit ito na lang."
Muli niyang ginulo ang buhok. Bakit ba naniniwala na naman ako sa sinasabi ng ungas na yun? Wala ka talagang kadala-dala. Magulo pa sa utak mo ang pag-iisip na mayroon ang lalaking yun. Papaasahin ka na naman niya for sure. Sabi ng isip nya.
Hindi na naman siya makapaniwala nalumalambot na naman ang puso nya kay Edward.. Bumigay na naman siya.
Grr. . .
"Kristine wala ka bang balak lumabas ng kwarto? May meeting ka ngayon di ba? Asikasuhin nyo muna ni Edward ang anak nyo bago kayo pumasok sa trabaho." sabi muli ng kanyang ina na tapos na ang ginagawang pagpasok ng mga damit sa closet.
Yung baby ko nga pala.
Natauhan siya na inalog pa ang ulo. Pati ang anak ko nakakalimutan ko dahil sa pag-iisip sa siraulong yun.
"Nasaan po si Yuan" tanong niya na sa wakas ay nagising na ng tuluyan.
Ibinalot niya ang sarili sa kumot. Ang siraulong Edward, hindi man lang siya naisipang bihisan. Nakakahiya. Pumasok siya sa banyo upang maligo. Kailangan niyang magmadali dahil marami siyang kailangang gawin sa trabaho. Maiiwan na naman ang kanyang anak sa mga magulang.
"Kasama sya ng lola Claire nya." sagot ng kanyang ina.
Napatigil sya sa pagsasabon ng katawan. Hindi niya alam na nasa kanilang bahay ang ina ng lalaki.
" . . . inihabilin sa kanya ni Edward ang anak nyo habang nag-aaway kayo. Ano na naman ba ng pinag-awayan nyo at nagkakagulo na naman kayo?"
"H-hindi po kami nag-aaway. Masakit lang po ang ulo ko kagabi kaya nag-aalala si Edward." tanggi nya na alam na hindi maniniwala ang ina sa mga sinabi nya.
Lagi naman kaming nagkakagulo ni Edward.
"Nagsisigawan kayo kahapon. Ang tagal nyo sa kwarto at ng pumasok ako kanina ang gulo ng kwarto mo. Hindi yun gawain ng maysakit."
Hindi na sya nangatwiran pa sa sinabi ng ina. Tama naman ito, kaya itinuloy na lang niya ang pagligo.
""Kristine, ang hiling ko lang sa inyong dalawa. Sana huwag kalakihan ng anak nyo ang mga away nyo. Matatanda na kayo, para umaktong mga bata. May anak na kayo." paalala pa nito sa kanya.
Alam na niya ang ibig sabihin ng ina. Katulad din ito ng sinabi sa kanya ni Jessica kahapon. Hindi na nga din niya mabilang ang mga nagsasabi nito sa kanya. Mga payong kay daling sabihin at ipayo ngunit napakahirap gawin. Wala namang tao ang gugustuhing laging may kaaway. Tulad ng sabi nya noon gusto na nya itong patawin. Kahit anong pilit ay hindi niya magawa.
Madami na ding pagkakataon na sa tingin nya ay oras na para patawarin ito. Na dapat ay kalimutan na lamang niya ang lahat ng sakit na nararamdaman nya at magsimula ulit sila ng panibago.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"