Chapter 13 : One Week

5K 37 4
                                    

"Good night Tin" nakangiting sabi ni Edward ng ihatid nito si Kristine sa may tapat ng kwarto nya. Inabot ang mga paper bag na pinamili nila kanina.

"Teka, hindi ito sa akin" inabot pabalik ni Kristine ang mga paper bag na hawak kanina ni Edward.

"Para sayo yan, thank you gift para sa pagsama mo dito, at iwan ang pinakamamahal mong trabaho" ngumisi ito sa kanya.

"Babe, umuwi ka na lang sa bahay, hindi talaga ako mapakali lalo na at nandyan ka" sabi ni Andrew habang nag-i-skype sila ni Kristine.

Ikinuwento nito, ang hiling nito sa boyfriend ang pagpunta niya sa Batangas. Gusto man ni Andrew na tumutol sa desisyon ng girlfriend ay hindi niya magawa. Bago pa lamang ang relasyon nila at matalik na magkaibigan si Kristine at Edward. Malapit din ito sa magulang ng kasintahan, kaya kampante pa din siya.

Matapos mag-usap ay in-off ni Kristine ang laptop ay agad niya itong dinala sa labas para isoli. Nagpunta sya sa kwarto ni Edward, nakailang katok na sya hindi pa din ito lumalabas. Kaya minabuti na lang nya na pumasok para dun ilagay ang laptop.

Pumunta siya sa may ding area saka umupo at idinukmok ang ulo sa mesa.

"Good morning Tin, ang aga aga wala kang energy" biglang sabi ni Edward kaya napatingin sa kanya si Kristine, pero hindi pa din nya inaalis ang ulo na nakapatong sa mesa.

"I'm bored. I miss my work." walang buhay na sagot naman nito.


"Kulang ka lang sa exercise" hinatak bigla ni Edward si Kristine kaya napaayos ito ng upo.


"Bakit ka ba nanghahatak? Ang ganda na ng pwesto ko oh" pagrereklamo naman niya.

"Magjojogging tayo." ngumiti pa ito kay Edward.


"Wag ka nga, wala kaya akong rubber shoes." muling binalik ni Kristine ang ulo niya sa mesa.

"Hindi mo pa pala nakikita yung binigay ko sayo" tanong bigla ni Edward.

"Hindi pa" walang ganang sagot ni Kristine. Maya maya ay nagsmile ito na parang naintindihan na ang mga sinasabi ng kausap. "...you mean binilhan mo ako ng rubber shoes?" sabi nito na halatang excited

"Hindi walang rubber shoes dun" umupo si Edward sa tabi nito.


"Antayin mo ako dito ha, magpapalit lang ako" biglang tumayo si Kristine at nagtuloy sa kwarto nya.


After 30 minutes...

"I'm ready" nakatodo smile pa si Kristine ng bumalik sa dining room.

Tumayo si Edward na nag iba ang mood "Ikaw na lang, nawalan na ako ng gana" saka ito nagsimulang maglakad papuntang kitchen.


"HEY, NIYAYA MO AKO MAGJOGGING TAPOS NGAYONG NAKABIHIS NA AKO SASABIHIN MO YAN. HOW DARE YOU DO THAT!!" sigaw ni Kristine, na nainis na sa ginawa ni Edward.


"Magluluto pa ako, kaya ikaw na lang" iniwan na nito ng tuluyan si Kristine sa dining room.

Lumabas siya ng bahay dahil sa pakiramdam nya ay hindi sya makahinga. Naglakad lang sya papalayo sa bahay ni Edward. Ang gusto lang nya mangyari ay makalayo. Inaya siya para magjogging tapos ngayong nakabihis na ay saka sasabihin na hindi na tuloy.

Hindi nya namalayan na nakarating sya sa may park. sumandal sya sa isang puno don saka nagmuni muni.

"Nakakaasar! I HATE YOU BWISIT KA!!!" sigaw pa bigla ni Kristine.

"Miss, hindi mo ba napansin na may natutulog dito? Pwedeng wag ka maingay, istorbo eh" sabi ng isang lalaki na nakahiga sa kabilang dulo.

"Sorry po, nacarried away lang" hingi ng paumanhin ni Kristine, nahiya sa ginawa.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon