Chapter 35 : Yes Or No?

4K 22 5
                                    

Isa akong SINUNGALING!

Andaming pagkakataon para umamin sa kung ano ang katotohanan. Alam nya na nahihirapan si Edward sa sitwasyon na napasukan nito. Hindi sya ang mahal nito. Pero pinipilit nya na itama ang mga nagawa nya. Nakikita naman niya ang mga paghihirap nito para ibalik ang pagtitiwala na nawala sa pagitan nila.

Masaya sya dahil sya ang pinili nito. Kahit sa maling paraan ay nakuha nya ang gusto na makasama ang taong mahal nya. Sa isang banda ay nagui-guilty sya sa pagtatago ng isang katotohanan.

Pareho lang naman sila ni Edward. Dahil sa LOVE nagiging bipolar.

Kung ang lalaki ay handang magpakabaliw para kay Alice. Sya naman ay pinanindigan ang isang kasinungalingan para lang sya ang makasama at piliin ng lalaking mahal nya. Alam nya na hindi magtatagal at malalaman din nito ang katotohanan. Umaasa lang siya na magkaroon ng himala. . .

Kung sakali man na dumating ang pagkakataong ito. Sya na ang mahal ni Edward.

Hindi naman siguro masama ang mangarap. Gagawin ko ang lahat para ako naman ang mahalin ulit ni Edward, isip nya.

Isang linggo na rin ang nakakaraan simula ng umalis si Alice at pagsasaayos ng relasyon nila. Sa mga araw na nagdaang iyon ay puno sya takot. Hindi sya mapagkatulog, kung makatulog man siya gising naman ang diwa nya. Lagi pa din syang dinadalaw ng takot na anumang oras ay magbago ito ng desisyon at muli ay iwan sya nito.

Idinilat nya ang kanyang mga mata. Agad nyang nakita ang isang sunflower sa tabi nya. Napangiti sya. May mga bagay pa din sa kanya na hindi nakakalimutan ni Edward.

Paborito nyang ulam, kulay, lugar, mga mugs na kinokolekta ko, palabas sa TV, pati na paboritong kanta.

Lahat yun natatandaan nya at ipinapakita nya na ang mga simpleng bagay na mahalaga para sa kanya ay nasa alaala pa din nya.

Masaya si Kristine pero . . . ang puso nya ay may kung anong bagay na nasasaktan. Gustuhin man nyang pagkatiwalaan ng buo ang mga ginagawa ni Edward ay may kung anung bagay sa puso nya na nagsasabi na huwag syang magpakasiguro.

Napapraning na sya sa mga bagay. Hindi nya gustong magsinungaling. Hindi rin naman nya ideya ang ganung bagay. Kaya naman ngayon ay nahihirapan na sya sa mga bagay na napasukan nya.

Napatingin sya sa may sofa. Nakahiga doon si Edward at natutulog.

Lagi itong ginagawa ng lalaki. Binabantayan sya nito sa pagtulog. Wala naman syang sakit pero kung tratuhin nya ito ay para syang imbalido.

Umupo siya mula sa pagkakahiga. Kinuha nya ang sunflower na nakalapag sa kanyang kama at tiningnan nya ito.

Hindi siya karapat-dapat na tratuhin ng ganito ni Edward. Hindi siya ang dapat pinagtutuunan nito ng pansin kundi ang taong mahal nya si . . .

Alice.

At mukhang kahit kailan ay hindi niya mapapalitan sa puso nito ang babaeng mahal nya. Ilang beses na nyang laging tinitingnan ng lalaki ang larawan nito.

Pikit mata na lamang niyang tinatanggap ang mga nakikita niya.

Para ito sa kaligayahan ko. Kaya hindi ako bibitaw. Si Edward lang ang gusto kong makasama habang buhay at wala ng iba.

"Gising ka na pala. Ano ang gusto mong kainin?" napatingin sya sa kinaroroonan ng lalaki. Gising na ito at nakaupo na sa sofa. Binigyan sya nito ng matamis na ngiti.

Tiningnan nya lang ito. Simula ng siya ang piliin ng lalaki ay hindi na nya malaman kung paano papakitunguhan ang taong kaharap nya.

Ngingiti ba sya kapag nginitian sya nito?

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon