*bzzt . . . bzzt . . .*
From: 0915*******
kinuha ko na ang mga gamit mo sa kwarto mo. By the way dito ka na maglunch. I cooked your favorite pasta.
Napangiti si Kristine sa nabasang pasta sa nareceived na text.
Papauwi pa lamang siya galing sa meeting at iniisip niyang dumaan muna sa isang restaurant para maglunch. Papalabas na siya ng building ng maalala niya bigla na may nakalimutan siyang mga papeles na kailangang pirmahan.
Kaya imbes na sa bahay na tutuluyan nya pansamantala siya tumuloy ay nagpadaan na muna sya sa resort na pag-aari nya.
Dito sya sa resort sa San Juan Batangas tumuloy ng malaman nya na nagdadalang tao siya. Isa ito sa mga ilang property na nabili nya mula sa ilang taong pagtratrabaho.
Habang nasa byahe ay nireplyan nya ang nagtext na, dadaan lamang siya sa resort saka sya uuwi.
Nang makarating siya sa resort. Ay ginawa nya ang dapat gawin at nagbilin na din siya sa mga staff na dapat gawin dahil medyo matatagalan siya bago muling makabalik at maasikaso ang resort dahil malapit na siyang manganak.
Eight months na ang batang nasinapupunan niya. Kailangan na muna niyang huminto sa pagtratrabaho.
Marami siyang ibinilin sa mga empleyado. Ngayon lang din kasi nya natutukan ang resort simula ng ipatayo nya ito dahil mas priority niya ang flower shop dahil malapit ito sa bahay ng mga magulang nya. Ngunit simula ng dumating sya dito ay madami na syang ipinabago kaya kahit paano ay dumami ang mga customers nila.
*bzzt . . . bzzt . . .*
Hindi niya namalayan na nireplyan na siya ng katext kanina.
Nang matapos ang mga ibinilin at mga tinapos na trabaho ay nagpahatid na muli siya sa driver para makauwi at makakain.
Malapit lang naman ang bahay na lilipatan niya. Pwede na nga niya itong lakarin pauwi pero mas gusto na nyang sumakay.
Simula kasi ng mabuntis siya ay parang madali siyang mapagod. Minsang nga ay mas gusto nyang matulog na lamang dahil may mga pagkakataon na sa hindi nya malamang dahilan ay tamad na tamad siyang magkikilos.
Madali siyang nakarating ng bahay na pansamantala nyang tutuluyan. Ayaw sana niyang umalis pa ng resort, pero hindi na siya makatanggi ng hilingin ito sa kanya ng taong tumulong sa kanya sa pinagdadaanan nyang stage. Malaki ang utang na loob nya sa Ginang.
Sinuportahan sya nito sa mga gusto nyang mangyari. Kahit na alam nya mismo sa sarili nya na dapat ay ipinaalam nya sa Tatay ng anak nya na buntis siya. Di sana ay dalawa silang nag-aalaga ng kanilang magiging anak.
Agad siyang bumaba ng kotse. Gutom na gutom na siya sa pasta. Gusto na niyang kumain.
Magdo-doorbell na sana siya sa gate ng mapansin nyang bukas ang pinto ng gate. Kaya pumasok na lamang siya.
Naglakad siya papunta ng pintuan ng may nadinig siyang nagtatalo mula sa loob ng bahay. Hindi nya maintindihan ang usapan ng mga ito kaya lumapit pa sya papuntang pintuan para makinig sa usapan.
May mga pagkakataon talaga na nagiging tsismosa siya. Tutal hindi rin naman nya alam kung tama bang pumasok na siya sa loob ng bahay gayong mukhang nagagalit ang may-ari ng bahay.
"Hayaan mo munang mapag-isa yang hinahanap mo. Kaya umuwi ka na sa bahay mo at pati tahimik kong buhay ginugulo mo dahil sa mga kalokohan mo. Magpapakita din sayo si Kristine kapag handa na siya. Hindi porke't tinapos mo ang relasyon mo sa isa pwede ka na ulit bumalik sa taong iniwan mo. Hindi ko alam kung bakit nagmana ka sa Tatay mo mag-isip masyadong makasarili. Umuwi ka na" pagalit ang tono na wika ng isang babae.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"
