Chapter 56: Hold Hands

1.2K 33 12
                                        

“Sabihin mo ng obsessed ako Edward, pero hindi kita hahayaang mapunta sa kahit kaninong babae. Kahit gamitin ko pa ang anak natin, gagawin ko yun  basta wag ka lang mawala sa akin. Ipagdadamot kita  dahil simula ng minahal kita ay pag-aari na kita”


Hindi alam ni Kristine kung saang lupalop naggaling ang lakas ng loob upang masabi niya ang mga bagay na matagal na niyang kinikimkim. Matagal na niya itong gustong ipagsigawan ngunit hindi niya magawa dahil siguro sa takot na hindi masuklian ni Edward ang pagmamahal na gusto niyang ibigay dito. Natatakot siya na maulit ang mga bagay na ikina-trauma niya kaya nahihirapan siyang magbigay  mula ng pagkakataon na baka sakaling ubra naman na magsimula ulit silang dalawa kasama si Yuan. Natatakot siya na baka kapag nasaktan ulit siya ay hindi na niya makayanan pa ang sakit. Natatakot siyang sumugal gamit ang puso niya. Noon, para sa kanya para walang hassle na kapwa sila hindi masaktan ay dun na lamang sila sa side na parehong safe ang damdamin nila.


Pero iba na ngayon ang tumatakbo sa isip niya e,


Mas hindi niya kakayanin na maghihiwalay sila ng hindi man lang niya ipinaglaban ang nararamdaman niya. Hindi rin yata niya kakayanin na kung sakaling pakawalan niya si Edward ay habang buhay siyang mag-iisip ng “WHAT IF?”  Mahirap magkaroon ng regret sa buhay.



 Siguro nga ay hindi madali ang maging masaya. Tulad sa telenovela sa TV ay kailangan munang dumaan sa pagsubok ang dalawang tao na nagmamahalan. Kailangan nilang ipaglaban ang taong mahal nila upang maging masaya. Paano siya makakarelate kung ayaw nyang dumaan sa pagsubok na ito. Hindi ito gaya ng negosyo na utak lang ang pagaganahin. Sa larangan ng pag-ibig kailangang na hindi lang utak ang pagaganahin kundi kailangan ng puso. Para sumaya kailangang umalis tayo sa ating comfort zone.



“Okay ka na ba Kristine? saka lamang siya nahimasmasan ng tanungin siya ni Edwad. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri saka ito muling ginulo.


Gusto niyang  kainin na lamang ng lupa ng maalala niya ang huling sinabi niya sa. Para sa kanya ay mali ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig. Ang selfish ng dating, may mas magandang salita na maaaring bitawan . Bigla na lamang kasi niyang naibulalas ang mga sinabi nya. Galit na galit siya e. Hindi man lang siya nakaisip ng mas magandang pangungusap. Napakadesperado ng dating, imbes na baka balian siya agad ng lalaki ay matakot ito sa kanya. Lakas makabaliw ng sinabi nya. Pero kahit na ganoon ay parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.


Agad niyang hinanap ng tingin kung nasan si Alice. Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad niyang napansin ang nakapamewang nitong itsura at nakataas ang kilay na  nakatingin sa kaniya.


“Mag-usap muna  tayo.” Kinuha niya ang kamay ni Edward at hinatak ito palabas ng restaurant. Nagtuloy tuloy sila sa  parking lot.


 Now or never na ito. Kailangan ng matapos ang gulo na meron sila. Eh ano kung pagkatapos ng gagawin nya ngayon ay wala din naming patutunguhan. Basta sigurado na siya, wala na itong sukuan



“Sakay” sabi nya muli ng buksan niya ang passenger seat ng kanyang kotse. Kailangan nilang lumayo upang makipag-usap silang dalawa.


Nagpaikot-ikot sila sa siyudad, hindi nya malaman kung saan nga ba sila mag-uusap? Yung silang dalawa lang. Yung walang makakapang-istorbo sa kanila.


*Ring Ring*


Kinapa niya ang loob ng kanyang bag ng mag-ring ang kanyang celphone. Ngunit bago pa man niya makuha ang kanyang telepono ay pinigilan na siya ni Edward.


CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon