Chapter 40 : Magulo

4K 25 2
                                    

"Kristine, buntis ka ba?"

Ito agad ang bungad nya pagkakita sa dalaga na ka-chat sa laptop.

"Si Tita Tin buntis?" sabi ni Maggie ng madinig ang tanong ni Edward.

Nakatingin lang siya sa babae. Mukhang hindi ito mapakali sa tanong nya.

"Hi . . . hindi. . . paano naman ako mabubuntis?" tanggi ng babae " . . . naparami lang ang pagkain ko lately , busy sa trabaho at kulang pa sa exercise." dagdag pa nito na pilit na ngumiti.

"Edward," napalingon siya kay Mrs. tan, na inilagay pa ang hintuturo sa labi upang sabihin na manahimik siya at huwag ng magtanong.

Hindi man lang niya napansin na siya na lang pala ang natira sa harap ng laptop.

"Maggie, gawin mo na muna ang mga assignments mo sa kwarto mo." utos naman ni Mr. tan sa apo.

Agad namang sumunod ang dalagita na alam nang hindi siya dapat makisama sa mga matatanda.

Tinanguan pa siya ni Mr. Tan na parang sinasabi na totoo ang hinala nya. Ngunit ayaw ipaalam sa kanilang anak na alam na nila ang sikreto na tinatago ng dalaga.

Hindi nya maintindihan ang mga nangyayari. Bakit nagtataguan sila ng mga sikreto? Sinakyan na lang nya ang trip ng dalaga dahil sa kagustuhan ng anak nila.

"Nasaan ka ba ngayon? Gusto kitang puntahan." sabi nyang muli sa kausap.

Kahit na nagulat sya ng makita ang bagong itsura ng dating nobya. Iba pa din ang pagkamiss na nararamdaman ng puso nya ng muli nya itong makita.

"Sira . . . bakit mo naman ako pupuntahan? Mga maysakit lang ang dinadalaw?" pilit na ngumiti ang dalaga.

Kung pwede lamang na, magpaalam na ito agad kay Edward ay ginawa na nya. Ayaw nyang ipaalam sa magulang ang mga nangyari sa kanila ng taong kaharap. Kaya inisip na lamang niya na ilang minuto lang naman tatagal ang usapan.

"Gusto ko lang na mag-usap tayo ng personal. . . sa mga nangyari" sagot naman ng lalaki.

Miss na miss na nya ang dalaga. Pero hindi nya alam kung paano magsisimula. Buntis ito at mukhang ayaw ipaalam sa kanya at kahit kanino ang pinagdadaanan nya. Basta ang alam lang niya ay anak nya ang batang nasa sinapupunan nito.

"Matoyo . . . tapos na yun wala ng dapat pag-usapan" nakangiti pa din nitong sabi saka tumingin sa orasan "Oh paano? . . . may trabaho pa ako, pakisabi na lang kina nanay na bukas na lang ulit."

"Sige . . . Ingat Tin" sagot nya ulit sa ka-chat.

"Sorry Tin" muli nyang sabi ng tuluyan ng naglog-out ang dalaga.

Bakit ba nya pinalala ang sitwasyon? Ang laking tanga ng mga ginawa nya. Hindi sya nag-iisip. Kung kailan nawala na sa kanya ang babae saka pa nya nalaman na mahal nya ito. Na ipinagpalit nya ito dahil naguluhan sya ng dumating si Alice. Nalunod sya ng nakaraan, hindi man lang sya nagtimbang kung ano ang nararamdaman nya.

At ngayon. . .

Nalaman nya na buntis si Kristine. Hindi nya alam kung paano nangyari yun? Dinig naman nya na inamin nito sa kaibigan na si Jessica na hindi ito buntis?

Ginulo nya ang buhok. Naguguluhan sya sa mga nangyayari. Imposibleng anak yun ng isang Edward. Dahil kung iyon ang ama. Hindi ililihim ng babae ang pagbubuntis sa magulang.

"Okay ka lang ba Edward?" napatingin sya kay Mr. Tan, umupo ito malapit sa kanya.

Tango naman ang sinagot nya. Ngunit bakas sa kanya ang pagkagulo ng utak sa mga bagong nalaman. Ang lalim ng iniisip nya.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon