'Wala na siyang ginawa kundi magtake advantage. Wala na siyang idinahilan kundi ang anak namin. Sino ba naman kasi ang uunahin ang sarili bago ang anak.'
Laging ito ang tumatakbo sa isip niya. Simula ng mag-umpisa ang tinatawag ni Edward na family bonding daw. Well, tama nga naman ito. Maganda na kalakihan ng anak nila na maayos ang pamilya at hindi puro away. Pero tama bang sunod na lang sya ng sunod kay Edward. Ni hindi na sya makapagdecide kung ano ang gusto nya. Laging may nasusunod. Ganitong-ganito ang ugali ni Edward noon kaya naaasar siya dahil dito sya nahulog at hindi na dapat ito muling umapekto sa desisyon nya.
Tulad na lang ng nangyayari sa araw araw. Ngayon ay hatid sundo na sya ng lalaki sa trabaho. Maliban dun tuwing tanghalian ay umuuwi pa sila sa bahay para maglunch. Hello? Baby pa ang anak nila at dede lang ang alam. Oo nga at okay lang sa kanya ang umuwi ng tanghali pero ang magsabay lagi silang kumain ni Edward. Ano 'to naisisingit talaga ang gusto.
Dumaan nga ang binyag ni Yuan na kahit isa man lang sa pagpaplano ay hindi siya nakasama. Paano ang sabi ni Edward sa kanya ay dapat ito ang magdesisyon sa lahat dahil lalaki daw siya kaya sya ang bahala saka na lamang daw siya makialam kapag babae na ang susunod na anak nila. Isang safari theme ang binyagan na yun at ginanap ang reception sa isang five star hotel. Asar na asar sya dahil dapat ay hindi ganito kagastos ang binyagan. Maganda nga ang kinalabasan, tuwang tuwa ang anak nya sa mga animal balloons na nasa ibabaw ng mga table at pati na din sa kisame. Pero takteng buhay naman oh, alam naman nya na mayaman ang tatay ng anak nya at wala lang ito pero hindi talaga budget friendly.
Kapag nagrereklamo sya kay Edward sa mga nagiging desisyon nito ay lagi na lang siyang pinapatahimik. Masama daw sa anak nila na nadidinig na nag-aaway sila. Ang babaw ng rason pero nakakainis pa din.
At ngayon nga ay galit na galit na naman sya kay Edward. Nag-aaway sila dahil isinama na naman silang mag-ina sa Boracay para sa reunion daw ng mga kaklase nito noong high school. Ilang beses nyang ipinaliwanag na hindi siya pwedeng sumama. Ngunit ipinagpilitan nito na kasama daw si Yuan dahil gusto nyang ipagyabang ang gwapo nyang anak sa mga kaklase. At dahil nga ayaw nyang di nya makasama ang anak ng ilang araw ay nakasama din siya. Buong byahe tuloy ay nakasimangot siya dahil sa asar.
Pagkababa nila ng eroplano ay sinundo sila ng company car ng hotel upang ihatid sa resort na pagtutuluyan nila. Nakaupo ang lalaki sa passenger seat habang sila Kristine ay nasa likuran kasama ang yaya ni Yuan.
"Ate Weng, gusto mo bang kumain muna?" tanong ni Edward sa yaya ng anak.
Ipinikit na lang ni Kristine ang kanyang mga mata. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din humuhupa ang galit nya.
Napatingin naman sa kanya ang yaya ni Yuan bago sumagot. Alam kasi nito na hindi maganda ang mood nya ngayon.
"Hindi pa naman ako gutom, mamaya na lang siguro para makapagpahinga si Kristine, mukhang pagod na sya sa byahe" sagot pa nito kay Edward saka tumingin sa may labas ng bintana. Para kasing sya ang naiipit sa tensyon ng mga amo nya.
Sinulyapan lang ni Edward si Kristine. Saka muling tumingin sa dinadaanan nilang lugar.
Nang makarating sila ng resort ay lalong naging busangot si Kristine. Paano ba naman isang kwarto lang sila ni Edward at ang isa ay sa yaya ng kanilang anak. Nagreklamo siya ngunit ang lalaki pa din ang nasunod sa kagustuhan nito.
Nang makarating sila sa kwarto na tutuluyan nila sa hotel ay biglang nagpaalam si Edward. Magpapakita lang daw ito sa mga kaklase nya at babalik din daw agad ito upang makapaglunch sila. Sinamantala naman ni Kristine ang pagkawala ng lalaki. Nagtungo siya sa banyo upang maligo at makapagpalit ng damit. Mag-eenjoy na lang siya sa lugar kesa intindihin ang mga stress na bagay.

BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"