Chapter 54: Galit

1.9K 41 15
                                    

Sinabi nya sa sarili na bibigyan na nya ulit ng pagkakataon ang sarili at si Edward na ayusin ang relasyon nila. Ngunit hindi naman niya alam kung paano ito sasabihin sa lalaki. Hindi niya alam kung saan magsisimula.

Matapos niya itong itaboy ay bigla na namang magbabago ang isip nya. Hindi kaya isipin ni Edward na may sira na sya sa utak. Pabago-bago lang ng isip? Siguro nga ay dapat gumawa sya ng paraan kung paano nya ito sasabihin. Hindi kasi sila magtagpo mukhang iniiwasan sya ng lalaki. Kapag weekends ay ipinahahatid na lang nito sa kanya ang anak sa bahay ng mga magulang niya. Mukhang pinaninindigan nga nito ang pinakiusap nya noon. Hindi na siya umuwi pa ng bahay. Nasanay na siya na silang dalawa lang ng anak ang magkasama. Malungkot pero tahimik.

Napag-isip-isip niya na matagal na ang pagkimkim niya sa sama ng loob. Wala namang may gusto na magkasakitan ang bawat isa. Alam niya iyon ngunit hindi nya magawang magpatawad ng lubusan at kalimutan ang mga nangyari. Para itong bangungot sa kanya na bigla na lamang aatake.

Nakakatakot, parang kalahati ng katawan ay nasa kamatayan.

Walang buhay, oo nga at tahimik wala gaanong problema pero sa taong nasaktan sa pag-ibig. Hatid nito ay kalungkutan na parang araw araw ay nauupos na sigarilyo. Sa katulad niyang nasaktan sa pag-ibig. Isa itong trauma na ayaw na nyang ulitin. Wala namang may karapatan na magsabi sa kanya na masyado siyang maarte o pakipot, lalo na at hindi naranasan ang mga nararanasan nya. Mas gugustuhin pa nya na nasa safe side lang siya. Yung sigurado na walang makakapanakit sa kanya. Walang drama o kung ano pa man na related sa luha.

Ngunit. . . iba na ngayon. Ayaw na nyang kumain ng ampalaya araw araw. Ayaw na nyang maging bitter. Siguro naman sapat na ang mahabang panahon para sumubok ulit. Tama na ang safe side. Siguro naman handa na ulit siya sa isa pang chance.

Ngunit paano naman niya magagawa ang chance na sinasabi nya gayong siya mismo hindi alam ang gagawin. Wala pa man siyang ginagawa umiiwas na ang dapat nyang kausapin. Kahit na simpleng pag-aayos at pagpaplano ng first birthday ng anak nila. Nakikiayon na lang siya. Dahil ang sabi ng sekretarya ng lalaki ay huwag na daw niyang intindihin ang pag-aasikaso noon. Magarbo kasi ang gusto ni Edward habang siya ay gusto ng simpleng handaan. Hindi sila magkasundo kaya imbes na pagtalunan ay sumang-ayon na lamang siya sa sinabi ng empleyado ng lalaki.

Bahala siyang gumastos. Gustuhin ko mang makisabay sa trip ng Edward na yun sa buhay, isip nya.

"Kausapin mo na kasi siya. Puro kayo pride. Hindi ka ba naaawa kay Yuan pati na din kay Kristine?" napahinto siya sa paglalakad sa hallway sa ground floor ng isang hotel ng marinig nya ang kaibigang si Jessica.

"Kung suko ka na kay Tin, huwag mo na lang siya bigyan ng malisya tungkol sa nararamdaman mo. Maging magkaibigan na lang kayo tulad ng dati." sabi pa muli ng kanyang kaibigan sa kausap. Na kumpirmado na nyang si Edward ito kahit hindi pa niya nakikita.

Hindi niya alam na nandito si Edward. May kameeting siya kanina sa may restaurant ng hotel at naisipan nyang daanan ang kaibigan. Hindi naman niya inaasahan na ito ang maririnig nya.

"Kung kaya ko lang na makipagkaibigan sa kanya at kalimutan yung nararamdaman ko. Bakit hindi ko gagawin. Kapag nakikita ko ang kaibigan mo, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko kayang hindi ipilit ang sarili ko sa kanya. Magkakasakitan lang ulit kami."

Iyon pala ang rason kung bakit iniiwasan nya ako? Sabi ni Kristine sa sarili. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib, ang tulin ng tibok ng puso niya. Parang may nagkakarera.

"So hiwalay na talaga ang ending nyo? Ganyan? Wala ng balikan? Forget each other ang drama?" mataray ang boses ng kaibigan nya.

"Yun ang gusto nya, kaya gagawin ko. Hindi ko na siya pipilitin. Nakakasawa din naman ang pagtataboy ng kaibigan mo. Makikipagdate na lang ako sa iba. Madami pang makakaappreciate ng kagwapuhan ko" dinig nya ang pagtawa nito. Ang siraulong 'to. Ginawa pa akong katwiran para makapambabae.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon