Chapter 14 : Unexpected

4.8K 35 2
                                        

After 6 months...



Matapos ang naging pag-amin ni Edward ay marami ng nagbago. Doon pa din naman ito nakatira sa townhouse nya pero hindi na sila close katulad ng dati. Kapag may gimik ang barkada o kaya ay nakikipagbonding ito sa parents nya ay nag-iiwasan sila. Parang may malaking pader na nasa pagitan nila.


Sanay na sila sa ganong set-up. Hindi sila nag-iimikan, minsan nga napapansin ito ni Jessica, pero iniiwasan lang nila ang tanong ng kaibigan.



Samantala, naging maayos naman ang relasyon nila ni Andrew. Kahit busy madalas sa trabaho ang nobyo, hindi naman nakakalimutan si Kristine. Minsan nga naiisip nya na, ang sama nya dahil napag-isipan nya ito ng masama dati. Hindi naman mahirap mahalin si Andrew. Kahit na minsan nag-aaway sila pero agad din naman nilang itong naaayos.



Six months ago. Pakiramdam nya na hindi nya alam ang gusto nya. Ngayon masasabi na nya na hindi sya nagkamali sa naging desisyon nya. Ito na nga ang happiness nya. Nawala man si Edward sa kanya,masasabi naman nya na ito ang mga DAPAT mangyari.



"Tita bakit ba kailangan pa natin magbake ng cake? Pwede namang bumili ka na lang" reklamo ni Maggie habang tinutulungan sya nito sa kusina.




"Wag ka ngang reklamadora dyan, kung ayaw mo mawalan ng allowance this week sumunod ka" sabi nya na patuloy pa din sa paggawa.



"Dapat si Tito Edward yung tinawagan mo e, anong malay ko sa baking."





Tiningnan ng masama ni Kristine ang pamangkin kaya nanahimik ito at itinuloy ang ginagawa.





Birthday ngayon ni Andrew kaya gusto nya na sopresahin ito ngayon. Ilang araw na syang ng-aaral magbake para sa kasintahan kaya naman naeexcite talaga sya kung magugustuhan nito ang regalo.



Pagkatapos nya magbake ay agad itong nag-ayos ng sarili nya. Tiningnan nya ang oras sa relo, bumaba para makaalis na.




Pumasok si Kristine sa loob ng condo ni Andrew. Wala pa ito at malamang ay nasa opisina. May usapan sila na magkikita sila sa bahay ng kasintahan after work. Itetext na sana niya ang nobyo ng mapansin nya na naiwan nya sa bahay ang kanyang celfone. Kaya kinuha nya ang landline phone na nasa may side table para tumawag sa opisina nito



"Hello good afternoon, may i speak to Andrew, pakisabi si Kristine ito." sabi niya pagkasagot ng nasa kabilang linya.



[Ma'am Kristine nakaalis na po si Sir]



"Ganun ba? Thanks, baka on the way na din siya dito"


Napangiti si Kristine, hindi na niya maintay ang pagdating ng nobyo. Lumipas na ang 2 oras ay hindi pa din dumadating si Andrew. Kinuha nito muli ang landline phone para tawagan ito, pero nakaoff naman ang phone nito.



Kinakabahan na si Kristine dahil hindi pa dumadating ang nobyo. Kaya tumawag na din sya sa bahay at nagbakasakali.



[Hindi naman nagpupunta dito si Tito Andrew, Tita. Wala pa ba sya dyan?] sabi ni Maggie na nakasagot ng tawag nya.



"Wala pa nga eh, nag-aalala na ako. Maggie pahanap naman ng phone ko baka nagtext sya."



[Tito Edward, pahanap nga ng phone ni Tita naiwan daw nya dito.] sigaw bigla ni Maggie.


Napangunot naman ang noo ni Kristine sa sinabi ng pamangkin.




[Sumosobra ka na yata, little girl.] sagot naman ng kausap ni Maggie sa background.



CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon