"Ma'am Kristine, ako na po dyan. Mapapagalitan po ako ni Sir Edward sa ginagawa nyo" saway ng kasambahay ni Edward.
"Ate naman... Huwag kang pasaway. Akong bahala sa amo kapag pinagalitan ka. Naiinip na ako." pagpapaliwanag naman ni Kristine.
'Bakit ba ang ingay nila sa labas' sabi ni Edward na nagising na dahil sa ingay sa labas. Puyat ito sa pagrerebisa ng mga papeles kagabi. Tinakpan nya ng unan ang mukha, gusto pa nyang matulog.
Bllaaagg... *may nahulog galing sa labas*
"Ma'am, ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ako na po dyan. Mapapagalitan talaga ako ni Sir" sabi muli ng kasambahay na takot na takot.
"Ikaw naman ate. Masyado kang nerbyosa. Hindi naman nabasag o buo pa," sagot naman ng dalaga.
Dahil sa ingay sa labas ay hindi na dinalaw pa ng antok ang lalaki. Agad itong nagtungo sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Kailangan na din nya kasing suwayin ang mga magugulo sa labas ng kwarto para makapagpahinga sya. At para na din pagsabihan ang dalaga na huwag pahirapan ang kasama nila sa bahay.
Lumabas na sya ng banyo. Palakas ng palakas ang ingay sa labas. Hindi nya malaman kung anong kalokohan ang pumasok sa utak ni Kristine kung bakit pati ang mga kasama nila ay kinukulit. Tss...
Bllaaaggg... Craaakk! *may bumagsak at nabasag*
"Sabi ko na sayo ma'am ako na. Panigurado magagalit si Sir nyan" parang paiyak na ang boses ng kasambahay.
Dali dali syang lumabas kung ano ang nangyari. Ang chinese vase na nasa gilid ng pinto ng veranda ay basag na.
"Anong nagyari dito?" mataas ang boses na tanong nya sa dalawa. Kunot pa ang noo nya dahil nabadtrip sya sa ingay ng mga ito.
"A-ano ka-kasi Sir na-nabasag po ang mga vase" sabi ng kasambahay nila na nagkakandautal na.
"Ate paayos na lang ng mga nabasag na piraso" utos nya sa kasambahay.
Sumunod naman ito sa kanya at agad na pinagpupulot ang mga basag na parte ng vase. Ngunit pinigilan ito ni Kristine. Sya na daw ang gagawa ng paglilinis dahil kasalanan daw niya.
"Kristine, tumayo ka dyan ngayon din" may pagkabatas na tono ang boses nya kaya agad na tumayo ang dalaga.
Mukhang pinagpapawisan ito. Halatang may ginawang kasalanan.
"Anong kalokohan, yang pumasok sa isip mo para manggulo ka ng mga taong nagtatrabaho?" galit nyang tanong dito.
"A-ano ka-kasi Edward tinutulungan ko lang si ate sa trabaho nya hindi ko naman sinasadya na mabasag ang vase. Naiinip na kasi ako dito" nauutal na parang batang sumagot ito sa kanya.
"Kailan pa naging tulong ang pagbabasag?" salubong ang kilay nya. Hindi kasi nya maintindihan ang sinasabi ng kausap.
"Kailan ba kasi tayo uuwi?" reklamo nito sa kanya. "Sawa na
akong manuod ng TV at korean drama online." dagdag pa nito."Ikaw na ang priority ko ngayon. Tinapos ko lang lahat ng trabaho ko." lumapit sa kanya si Edward at kinuha ang basahang hawak. Iginiya niya si Kristine papuntang kusina. "Kumain ka na ba?" tanong pa nito habang hawak ang kanyang balikat
"Gusto mo bang magtrabaho sa akin?" tanong niya matapos isubo sa bibig ang cake na ibinigay sa kanya ni Edward. Nakaupo siya sa high chair, habang si Edward ay abala sa paggawa ng kape.

BINABASA MO ANG
CHANCES
عاطفيةAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"