"Good morning, ma'am"
Ngumiti si Kristine sa kanyang staff matapos nyang pumasok sa loob ng flower shop na pagmamay-ari. Alas sais pa lamang ng umaga, araw ng Linggo. Opening ngayon ng bago nyang branch na flower shop kaya naman maaga talaga siyang gumising.
"Good morning din, Jane," bati niya pabalik, "...okay na ba ang mga deliveries?" sabi pa niya habang nagtuloy-tuloy sa may counter, inilapag sa ilalim ang kanyang everyday bag.
"Yes ma'am dala na po ng delivery guy natin." sagot naman ni Jane, ipinagpatuloy ang pagwawalis.
Maya maya ay nag-ring ang landline phone. Sinagot ito ni Kristine, tawag galing sa isang costumer.
"Jane, pakitext si Jhonny na, bumalik siya dito after ng deliver nya. May dedeliver ulit kamo," utos ni Kristine. Tumayo siya at nag-punta sa kinaroroonan ng mga bulaklak. Kumuha ng isang dosenang pulang rosas, umupo siya sa may working table at nagsimulang mag-aarrange.
Nang matapos na niya ang kanyang ginagawa ay bigla namang tumunog ang kanyang celfone na nasa bulsa. Napahawak siya sa noo ng makita kung sino ang tumatawag. Hindi pa man niya nasasagot ang tawag ay alam na agad niya ang rason.
"Bakit Maggie?" sagot niya sa kabilang linya.
[Tita Tin, umuwi ka daw muna sa bahay sabi ni Lolo. Hindi daw nya maintindihan yung ginawa mo sa mga listahan nya,] saad ng pamangkin niya, halatang nautusan ng kanyang Tatay.
"Tell your Lolo na busy ako. Mag-usap na lang kami pag-uwi ko mamaya okay,"
Kapag weekend ay madalas siyang pauwiin ng parents sa kanilang bahay. Kung anu-ano ng alibi ang ginawa ng mga ito mapauwi lamang siya. Gusto man niyang tumanggi ay hindi niya magawa dahil hindi rin naman siya titigilan ng mga ito.
[Pero Tita, kailangan na daw nya ngayon eh. Umuwi ka na. Ayokong kulitin ako ni Lolo, bye Tita]" sabay baba ng telepono ng kausap sa kabilang linya.
Yamot niyang ibinaba ang telepono mula sa kanyang tenga. Malapit ng mag-alas dose ng tanghali, hindi pa siya kumakain ng breakfast. Paniguradong mawawalan na naman siya ng gana kumain. Nag-ayos siya ng sarili bago mag-paalam sa kanyang staff. Uuwi muna siya ng bahay, hindi niya alam kung makakabalik pa siya sa flower shop.
-*-
Sa bahay...
"Asan si Tatay?" bungad niya agad kay Maggie, kakapasok lang ng bahay. Nakahiga ang pamangkin sa sofa at nagce-celfone, pangiti-ngiti pa.
Sino na naman kaya ang ka-text nito?
"Nasa kusina sila puntahan mo na lang, Tita" sagot ng teenager na pamangkin na hindi man lamang siya tinapunan ng tingin. Gusto nya sana itong sabunutan ng isa.
Dumeretso siya sa kusina para kausapin ang ama. Nais niyang makita kung sino na naman ang bagong ipapakilala sa kanya. Magpapatay malisya na lang siya sa nais ng ama. Alam naman niya na hindi talaga listahan ang rason ng pagpapatawag sa kanya.
Nagulat pa siya ng makita ang lalaking kasama ng ama. Nag-uusap ang mga ito tungkol sa bahay, may ipapaayos yata.
"Tay" bati niya sa ama, nginitian naman nya ang lalaking kasama nito.
Infairness gwapo at matangkad, amoy mabango din.
Sabi nyan sa isip ng mapagmasdan ang mukha at porma ng lalaki.

BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"